(Kaela’s POV)
Napatingin ako sa dalawang humahangos na pumasok sa aking kwarto. Pinangunutan ko ng aking noo si Zhia nang makita ang hawak-hawak nitong libro na may red mark, tanda na galing ito sa restricted area ng library. Pero ang mas lalong nagpakunot ng aking noo ay ang mga itsura nilang may pag-aalala at galit, lalo na sa mukha ni Shakira. Inalis ko na lang ang napansing iyon sa aking isip at saka sila tinanong.
"What the hell are you two doing here?" I asked, a little bit annoyed. Nakita ko ang pagsimangot sandali ni Shakira bago muling bumalik sa tila galit ang kaniyang ekspresyon.
Well, what do they expect me to say after barging in my room? Tss.
But instead of answering my so-fucking simple question, they answered me with another one.
"Kaela, nasa'n si Dash?" Zhia said, panting. I raised my right eyebrow and crossed my arms.
"Maybe, he's in his room?" I sarcastically answered. Where do they think he'd go? That man's home is his room.
Napairap na lang ako nang magkatinginan ang dalawa at bigla akong hinila palabas ng aking kwarto kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang magpadala.
These girls... tsk.
Walang katok-katok na binuksan ni Shakira ang pinto ng kwarto ni Dash. Nahagip ng mata ko ang biglaang pagkagulat ni Dash ngunit sandali lang 'yon kaya hindi napansin ng dalawa.
"What are you doing here?" Dash asked coldly.
"Shh, look at this," ani Zhia. Lumapit ito sa kinatatayuan ni Dash at ipinakita rito ang nakabukas ng libro sa isang espisipikong pahina.
Tiningnan ko rin iyon at napuno ng pagtataka ang aking mukha dahil sa nabasa.
"Nymph in Mountain of Deaths?" Tanong ko.
"Yes, read it." Sagot ni Shakira kaya napairap na lamang ako bago itinuon ang atensyon sa librong nakabukas. Binasa ko ang laman ng pahina at napaawang ang aking labi dahil sa napagtagpi-tagpi sa isip.
"Klaire?" I unconsciously said. Napatingin naman ako kay Shakira nang sunod-sunod itong tumango. Napakagat ako ng aking labi at napatingin kay Dash na tahimik lamang na nag-aayos na muli ng kaniyang gamit.
He's not affected, huh?
Or so I thought...
"Hindi ka man lang ba magrereact na nalaman mong peke lang pala yung Klaire na kasama natin?!" Sigaw na bulong ni Shakira, natatakot atang marinig ng Klaire na kasama namin ngayon.
Napahinga na lang ako nang malalim nang sumagot na ito.
"Why would I? When in the first place alam ko namang hindi siya 'yon," aniya habang nag-aayos pa rin ng gamit.
Napangisi na lamang ako sa isip dahil sa sinabi niya. He's always thinking advance. He might see this coming from the very beginning Klaire suddenly disappeared in her room.
Napatingin ako kay Zhia nang gulat itong magsalita, hindi siguro naproseso ang sinabi ni Dash.
"A-anong sabi mo?"
Dash stopped from arranging his things and bore his eyes to Zhia.
"I said, why would I do that? I knew something is off from the start," he said coolly.
"H-how? T-tsaka bakit hindi mo sinabi sa'min?" Si Shakira naman ang nagtanong. Napabuga na lamang ako ng hangin dahil sa kanilang dalawa no Zhia.
Of course, mahahalata ng nymph kapag may nagbago. Dash really think advanced of the possible aftermaths. He's not a Team Captain for nothing, after all.
"Because I've already come up with a plan. I made a clone of myself and let it go with Kaela and Krey. Nasa paligid lang ako lagi pero naka-invisible ako sa paningin ninyo nang sa gano'n ay mabantayan ko ang bawat kilos ni Klaire," ani Dash. Napanganga naman ang dalawa dahil siguro sa haba ng sinabi nito.
He's a man of few words, kaya malamang nakakagulat ang pagsasalita nito nang mahaba.
"Bakit 'di mo agad sinabi sa'min?! Pinagsalitaan ko pa naman ng masama si Klaireey!!" Maktol ni Shakira nang makabawi.
"Tss. It's part of the plan. Now, if you three are done, you can leave now," ani ng lalaki.
"T-teka! Anong plano natin? Tsaka paano natin hahanapin ang tunay na Klaire?" Tanong ni Zhia kaya napatingin na rin ako kay Dash. Napahinga naman ito nang malalim nang mahalatang walang balak ang dalawa na tigilan siya sa pangungulit, kaya naman lumapit ito sa amin at sinabi ang kaniyang plano.
* * *
(Klaire’s POV)
Mabibigat na ang hingang pinapakawalan ko dahil sa pagod na nararamdaman. Mahaba na rin ang nalakbay namin ni Miss Evergreen mula sa bahay niya at isama pa na wala pa kaming pahinga pamula kanina nang magsimula kaming maglakbay.
Ngunit ang lahat ng pagod na nararamdaman ko ay biglang nawala nang makaramdam ako ng kakaibang aura sa paligid. Humahalo ito sa atmosphere na pumapalibot sa Mountain of Deaths kaya naramdaman ko na lamang na tumataas na ang mga balahibo ko sa katawan.
"Klaire, hush," pigil sa akin ni Miss Evergreen sa paglalakad.
Napalunok naman ako at kinakabahan siyang tiningnan.
"B-bakit po?" Tanong ko kahit alam ko na ang kasagutan.
May mga kalaban...
"Darkanians," aniya habang nakaalerto. Bumilis ang tibok ng puso ko ngunit wala na rin akong nagawa kung hindi ang ialerto rin ang sarili.
Nagulat na lang ako nang biglang may naramdaman akong paparating na dagger sa kinatatayuan ko. Mabilis akong umilag kaya sa puno iyon tumama. Napakagat ako ng aking labi nang makita kung paano nilamon ng itim na usok ang puno bago ito unti-unting naging isang abo.
"Stay alert," ani Miss Evergreen.
As if on cue, nagsilabasan ang mga naka-itim na cloak at pumalibot sa aming dalawa.
Dumadagundong ang puso ko dahil sa kaba at tila lalabas na ito sa sobrang bilis ng tibok. Napalunok ako nang ilibot ko ang tingin sa kanila. There are many of them and here I am with Miss Eve, being outnumbered!
Inilabas ko ang aking espada na ibinigay ni Miss Eve. Kasabay noon ay ang pagsugod naman ng mga ito sa aming dalawa. Bumuo si Miss Eve ng isang lightning bow and arrow at sunod-sunod na pinana ang lahat ng nakaitim na cloak.
Ngayon talaga ay namamangha pa rin ako sa aking nalaman kama-kailan lamang tungkol kay Miss Eve. Aniya ay hawak daw niya ang lahat ng elements ngunit para lamang itong sub power niya. Ang pinaka-kapangyarihan niya ay puting kapangyarihan, kaya limited lamang ang kayang gawin ni Miss Eve sa iba pang elements na hawak niya.
Nagulat na lamang ako nang biglang mas dumami pa ang bilang ng mga naka-itim na cloak. Lahat sila ay naka-aktong susugod sa aming dalawa!
Hingal na hingal na si Miss Eve kaya hindi ko alam kung kakayanin pa ba namin itong dalawa, lalo na ako! Wala pa akong kapangyarihan.
"Masyado silang marami. Hindi ko sila kakayaning mag-isa," anito habang nakatalikod sa akin.
Napalingon naman ako nang bahagya rito ngunit nakatuon pa rin ang atensyon ko sa mga Darkanians na tila pinag-aaralan kaming dalawa ni Miss.
"A-ano pong plano nyo?" Tanong ko rito.
Nagpakawala muna ito ng isang malalim na buntong hininga bago ako sinagot.
"Handa ka na ba?"
Natigilan ako sa sinabi niya at wala sa sariling napalunok. Handa? Handa saan?
Teka...
'Wag niya sabihin na ako ang ipapain niya sa mga ito! Ayoko pa mamatay!