Habang naglalakad kami ng kasama kong babae ay hindi ko maiwasang pagmasdan siya.
Maganda siya. Bumagay sa kan'yang maputing balat ang kulay abong buhok at mata niya.
Pero may isang bagay akong napansin sa ngiting ipinapakita niya. Parang may kasamang pait. Parang may bahid lagi ng lungkot na tila itinatago. Nakakaintriga...
"From now on, I'm declaring that staring is now prohibited," biglaang sabi niya kaya napatigil ako sa paglalakad dahil sa gulat. Tumigil rin siya sa paglalakad at hinarap ako nang nakangisi.
"You should stop staring at me, girl," aniya at pagkatapos ay iniangat ang kanang kamay, "I am Kaela. Do you know? It's awkward that we don't know each other's name while we are together." She laughed.
Napatawa na rin ako sa sinabi niya at saka tinanggap ang kaniyang kamay.
"Klaire," pakilala ko rin. Tumango naman siya at matapos magshake hands ay tumalikod na uli at nagsimulang maglakad kaya sinundan ko siya.
Pagkarating namin sa may pintuan ng office ng Headmistress ay mabilis ng kumatok si Kaela, hindi na ako hinayaan pang makapag-isip ng sasabihin o gagawin.
"Come in," a voice coming from inside said. Ang Headmistress siguro iyon.
Naunang pumasok si Kaela at kahit nag-aalinlangan ay agad akong sumunod sa kan'ya. Namangha ako nang makita ang loob nito. Ang daming libro!
Ang pinaka-ginawa nilang dingding ng office ay puro mga libro. Meron ding mga nakalutang sa may taas na sa tingin ko ay mga book of spells at pinapalibutan ang mga ito ng lumulutang na bolang parang liwanag. Ang ganda...
"What can I help you Kaela?" Tanong ng Headmistress nang iangat niya ang kaniyang paningin mula sa mga papel na sinusulatan niya.
"Headmistress, this is Klaire," tinuro ako ni Kaela at pagkatapos ay humarap na muli kay Headmistress, "nakita ko kanina si Klaire sa gubat at nalaman kong isa s'ya sa atin na may kapangyarihan. Gusto ko sanang ipasok s'ya dito sa Academy upang malaman at mahasa n'ya ang kanyang tinatagong kapangyarihan," she added.
The Headmistress shifted her gaze to me and I was taken aback when I saw how shock she was.
"B-bakit po?" I asked, feeling the beat of my heart. Mukha namang siyang natauhan dahil sa naging tanong ko kaya mabilis siyang napailing.
"Ah, wala. Kamukha mo kasi siya."
My forehead creased, baffled because of her reply.
"Sino pong siya?"
"Nothing," she replied, extending her hands, "I am Monica Handell, the Headmistress of Magistic Academy." We shook our hands as I introduced myself.
"Klaire... Klaire Mendoza po."
She smiled at me before taking up her sit on her swivel chair.
"Since ang kailangan lang naman dito upang makapasok sa Academy ay ang kapangyarihan mo at mukhang nakapagdesisyon na agad ang puno na sa Superiors ang section mo. You're already enrolled. Just fill up this form—" kumuha siya ng isang papel na nasa gilid ng table niya at ibinigay sa akin, "—at bukas pwede ka ng pumasok dito as a student. Don't worry about your clothes dahil no'ng oras na pumasok ka sa loob ng bilog nagkaroon na ng damit sa closet mo sa magiging dorm mo. May mga uniforms na rin na katulad ng suot mo ngayon kaya wala ka ng poproblemahin," she explained further. Napangiti na lang ako sa galak at napatango-tango.
Kinuha ko ang form na tinutukoy niya at nag-fill up ng kailangan.
Name: Klaire Hyannie Mendoza
Age: 17
Mother: Mekayla Mendoza
Father: Chris Mendoza
Magic/Power:
Special Ability(ies):
"Thank you po!" Nakangiting pasasalamat ko habang binibigay ang form. Tiningnan iyon ng Headmistress at napakunot ang noo niya.
"Bakit walang nakasulat sa powers at special abilities mo?" Nagtatakang tanong niya. Tumingin naman ako kay Kaela na agad nakuha ang ibig kong sabihin.
"Sa ngayon, hindi pa niya alam ang alin man sa dalawa. Ngayon lang din niya nalaman na isa rin pala siya sa nabiyayaan ng ibang kakayahan," paliwanag ni Kaela na siyang tinanguan ng Headmistress.
"Alright."
Tumingin sa akin si Kaela at tinanguan ako bago siya muling tumingin sa Headmistress.
"Thank you, Headmistress. We need to go. Hahanapin pa namin ang dorm n'ya," Kaela said, sounds dismissive. Tumango na lang si Headmistress at umalis na rin kami sa Office of the Headmistress para hanapin ang dorm ko.
Masaya akong simula ngayon ay mag-aaral na ako rito. Kahit hindi pa lumalabas ang kapangyarihan ko na sinasabi nila, masaya pa rin ako na may tumatanggap sa akin. Dahil hindi ko man aminin, pakiramdam ko ay may parte sa akin na kailangang maniwala. May parte sa akin na sinasabing pamilyar ang lahat ng ito.
But there is one thing that really bothers me. Sino ang tinutukoy ni Headmistress na kamukha ko?