HinovelDownload the book in the application

Chapter 17: Nymphae

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humahawak sa kamay ko at pinupunasan ito ng malamig na tubig.

"Hmm..."

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at isang hindi pamilyar na kwarto ang siyang bumungad sa akin. Prinoseso ko lahat sa isip ko ang nangyari sa akin at gulat akong napabangon nang maalala ang lahat.

Nasan ako?!

Napabaling ang aking tingin sa aking gilid nang makarinig ako nang mahinang pagtawa. Nangunot ang noo ko nang makita ang isang may katandaang babae na ngayon ay nakangiti na sa akin.

Ang creep ng ngiti niya.

"Nasaan po ako? 'Tsaka bakit ako nandito?" Naglakas-loob na akong magtanong kahit pa ramdam ko ang takot sa kaloob-looban ko.

Iniligpit muna nitong matanda ang kaniyang mga ginamit na pamunas sa akin sa isang tabi bago ako sinagot.

"Nakita kita kanina do'n sa pinakamapanganib na parte dito sa Mountain of Deaths. Nakahiga ka at walang malay. Ano bang nangyari sa iyo?"

Nangunot ang noo ko at pilit inaalala ang nangyari sa akin ngunit hanggang doon lang talaga ang ala-ala ko sa may tumawag sa pangalan ko.

"W-wala po akong maalala. Ang tanging naaalala ko lang ay may tumawag sa pangalan ko at bigla na lang akong nawalan ng malay." Kumunot ang noo ko nang makita ang biglaan niyang paglunok pati na ang pamumutla ng kaniyang mukha.

"M-may t-tumawag ba kamo sa pangalan mo?" Hindi siya mapakali sa kaniyang upuan at may takot na nakarehistro sa kaniyang mga mata.

Tango na lamang ang naisagot ko dahil kinakabahan ako sa kaniya. Mabilis ang pagtibok ng puso na parang hihiwalay na ito sa aking katawan.

"I-iha, m-may mga kasamahan ka ba?" Kinakabahang tanong niya. Tumango ako at agad na nanlaki ang aking mga mata nang mag sink in sa isip kong may mga kasamahan nga pala ako!

Baka hinahanap na nila ako!

"Oo nga po pala! Sige po aalis na ako. Baka po kasi hinahanap na ako ng mga kasamahan ko." Dali-dali kong inalis sa aking katawan ang kumot at mabilis na bumaba ng kama.

Napatigil naman ako nang hawakan ng matandang babae ang aking braso. Bakas pa rin sa kaniyang mukha ang takot at pagkabagabag.

"Hindi ka nila hahanapin," aniya sa isang seryosong tinig na naging dahilan ng pagkakakunot ng aking noo.

Paanong hindi nila ako hahanapin? Eh, nawawala nga ako?

"Po?" Napatawa ako nang bahagya. "Bakit naman po ako nila hindi hahanapin, e, nawawala nga po ako?" Nakangiting dugtong ko.

Hindi siya sumagot ngunit napansin ko ang seryosong tingin niya sa akin kaya napakagat ako ng aking labi.

"A-ano pong ibig ninyong sabihin?" Ngayon ay sumeryoso na ako.

Huminga nang malalim ang matanda bago ako tiningnan sa mata ng seryoso.

"Hindi ka nila hahanapin dahil may ibang katauhan mo na kasama sila."

Mas lalong lumalim ang gitla ng noo ko dahil sa sinabi niya.

Ako ba pinaglololoko na nito?

"Ano? Ibang katauhan? You mean po may kumopya sa anyo ko? Imposible naman ho iyon!" Angil ko.

"Iha, sa mundo ng mahika walang imposible lalong lalo na at nandito ka sa Mountain of Deaths."

Naalala kong Mountain of Deaths nga pala ito at sakop pa rin ito ng mundo ng mahika. Walang imposible sa kanila.

Pero paano? Paano nakopya ang aking anyo?

"P-paano?"

"May mga Nymphae dito sa Mountain of Deaths at bilang na bilang sa kanila kung sinong mababait kaya swerte na lang ng mga kaibigan mo kung mabait ang nakakopya sa wangis mo. Mapaglaro ang mga Nymphae na 'yon at gustong gusto nila ang mangopya ng wangis ng isang dayo dito sa lugar na ito," paliwanag niya. Tumindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan at umusbong ang pagkatakot sa aking dibdib.

"Bakit po ako ang napili nila?" 'Di ko na mapigilang magtanong kahit takot na takot na ako.

"Dahil sa ikaw ay kakaiba. Nagustuhan nila ang iyong puso dahil may pusong matapang at mapagmalasakit ito," sagot ng matanda.

"Paano po malalaman ng mga kaibigan ko na hindi ang totoong ako ang kasama nila?" Nararamdaman ko ang panginginig ng aking boses dahil sa nagbabadyang pag-iyak. Nilunok ko iyon at pinigilan ang sariling lamunin ng emosyon.

"May binigay sila sayong spell na kayang maging invisible ka sa paningin ng mga taong mahalaga sa'yo. Kailangan mong mapatay ang diwatang kumopya sa wangis mo para makita ka nila at para mabasag ang spell. Kapag tumuntong ang ikatlong pagsinag ng araw dito sa Mountain of Deaths at hindi mo pa rin ito napapatay, habang buhay ka ng hindi makikita ng mga kaibigan mo at ang Nymphae na ang mag mamay ari ng wangis mo," mahabang lintanya nito.

Hindi ko na naapigilan ang sariling umiyak. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking katawan.

Hinawakan ako ng matanda sa kamay at inalalayang makaupo muli sa kama. She gently rubbed my back to comfort me.

"T-tulungan n'yo po ako." Hinawakan ko ang kamay nito at tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata. "Parang awa n'yo na," pagmamakaawa ko rito. Nakitaan ko ang kaniyang mata ng kislap ng recognition ngunit mabilis din iyong nawala. Tumango naman siya bilang sagot sa akin.

"Isang beses kada isang linggo lang nasisinagan ng araw ang Mountain of Deaths kaya may tatlong linggo ka para magensayo sa gagawin mong pakikipaglaban sa Nymphae," ani ng matanda kaya napatango-tango ako.

"Salamat po! Salamat!" Nakangiting pasasalamat ko rito.

"Ikinagagalak kong matulungan ka." Ngumiti rin ito sa akin at pagkatapos ay tumayo.

"Paano, maiwan muna kita rito." Tumango na lang ako sa sinabi niya at nahigang muli sa kama. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto tanda na nakaalis na siya.

Napabuga na lang ako ng hangin at nanalangin na sana ay malaman ng mga kasamahan ko na hindi ako ang kasama nila.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free