(Klaire’s POV)
Magtatatlong linggo na ako rito sa bahay ni Miss Evergreen at magtatatlong linggo na rin akong training lang ng training. Pakiramdam ko nga sobrang lakas ko na kahit wala pa akong kapangyarihan eh. Parang kayang kaya kong magbuhat ng sobrang bigat na bagay.
Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok doon. Inintay kong bumukas ito at pagkaraan lamang din ng ilang segundo ay nakita ko na si Miss Evergreen na nakangiti na pumasok sa aking kwarto.
"Handa ka na ba?" Tanong niya nang makalapit sa akin.
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Handa na nga ba ako? Kaya ko na bang labanan ang nympha na kumuha ng wangis ko? Kaya ko na ba siyang talunin?
Napahinga ako nang malalim nang bumalik sa akin ang lahat ng training na ginawa namin ni Miss.
Tama, ready na ako. Sa loob ng halos tatlong linggo na pananatili ko rito sa bahay ni Miss Eve ay marami na akong natutunan. Hindi na ako ang dating Klaire na mahina at magaling lamang mag-break ng rules. A new born Klaire has risen.
"I'm ready," nakangiting sagot ko sa matanda. This is the day. Ang araw kung kailan hahanapin namin ang nimpa at papatayin. My heart is beating so fast because of anticipation.
This is it.
"Good. But before we go may gusto lang sana akong malaman mo," seryosong sabi niya kaya nabaling ang aking atensyon sa kaniya. Mas lalo kong naramdaman ang pagbilis ng puso ko dahil sa maaari niyang sabihin.
"A-ano po 'yon?"
Pumikit siya at huminga nang malalim.
"Hindi ako isang matanda." My forehead creased, unable to process her statement.
Ngunit gano'n na lamang ang pagnanalki ng aking mata nang may binanggit siyang spell na hindi ko naintindihan. Binalot siya ng nakakabulag na liwanag kaya naman agad kong naipikit ang aking mata. Pagkaraan ng ilang minuto ay nawala na ang liwanag kaya unti unti kong inalis ang pagkakatakip sa aking mata. Nalaglag na lang ang panga ko nang bumungad sa harapan ko ang isang napakagandang babae.
Si Miss Evergreen ba siya? Ang ganda niya!
Agad kong naisara ang aking bibig nang magsalita si Miss Evergreen.
"Pasensya ka na kung itinago ko ito sayo. Ito talaga ang tunay na katauhan ko. Ginagamit ko lang ang ibang mukha bilang aking proteksyon," aniya. Wala sa sariling napatango ako sa sinabi niya, namamangha pa rin sa ganda nito.
Nanliit ang mata ko nang may isang parte ng isip ko ang biglang pumitik. Parang may kamukha si Miss Evergreen. Hindi ko lamang maalala kung sino.
Ipinilig ko na lamang ang aking ulo dahil sa mga naiisip.
She's really beautiful. Para siyang nasa late twenties lamang dahil sa pagkabata ng kaniyang itsura.
Anong kayang skin care niya?
Siguro ay maganda rin ang lahi ng ama niya dahil maganda siya. Speaking of...
Sino kaya ang tinutukoy niyang ama niya na pinuno dati?
"Alam kong may gusto kang itanong sakin. Go on. Spill it." Nabalik ako sa wisyo nang magsalita ito. Pati ang boses niya ay nag-iba rin! Para siyang anghel...
Pero teka... paano na naman niya nalaman na may gusto akong itanong sa kaniya?
"I can read your mind."
Halos manlumo ako dahil sa sinabi niya. Akala ko pa naman ay nakatakas na ako kina Cyclone sa pagbabasa nila ng isip ko tapos... tapos meron pa pala?!
"Spill it," aniya pa habang matawa tawa dahil sa naging reaksyon ko. Nakanguso akong huminga ng malalim bago itanong sa kaniya ang tanong na laging bumabagabag sa isip ko.
"Sino po ba 'yong tatay niyo na isa ring pinuno noon?" Tanong ko. Tila natigilan siya sa naging tanong ko. Hindi ata niya inaasahang iyon ang aking itatanong.
"B-bakit mo naman natanong 'yan?" Ngayon ay naging balisa siya. Napakunot naman ang aking noo dahil sa naging kilos niya.
"Bakit po? May masama po ba sa naitanong ko?" Tanong ko, nagtataka.
Napaface palm na lang ako sa isip dahil sa itinanong. Hindi naman siguro siya magkakaganyan kung walang mali sa itinanong ko diba?
"W-wala naman," aniya at pilit na tumawa. Hindi ko na lamang pinansin ang reaksyon niya at muli siyang tinanong.
"Sino po?"
Bumuntong hininga muna siya at tiningnan ako nang seryoso sa mata.
"My father's name is Caleb and he's the former king of Magistic Kingdom."
Nangunot ang aking noo dahil sa pangalan na kaniyang binanggit.
Caleb? Parang narinig ko na ito noon. Saan ko nga ba narinig 'yon?