HinovelDownload the book in the application

Chapter 07: Lost

(Kaela's POV)

Pinakatitigan ko ang babaeng ngayon ay manghang mangha sa kan'yang nakikita. I unconsciously smiled while watching her.

The first time I saw her, I thought she was her. I thought she is the one who we are looking at.

Muntik ko ng makalimutan na hindi dapat ako nakikipag-socialize sa hindi ko kilala.

Noong nakita ko siya sa gubat, una pa lang dapat iniwasan ko na siya, eh. Pero, ang ginawa ko, sinundan ko pa siya. Buti na lamang at nakadisguise ako no'n as a rabbit. Hindi ko alam, pero unang pagkakita ko pa lang sa kan'ya, may feeling na ako na may malaking part siya sa amin. Magaan din ang loob ko sa kan'ya, kaya dapat ngayon pa lang, nilulubos-lubos na niya na nakangiti ako, dahil hindi na niya makikita pa 'to.

But, something is bothering me. She looked like her, pero iba ang parents niya. Hindi maaaring coincidence lang iyon dahil kamukhang kamukha niya siya.

I remember that time, again. 9 years had been passed, at tuluyan na siyang nawala. No one knows where she is or what she is now.

"Ang cool! Astig talaga!" Muli akong napalingon sa kinatatayuan ng babaeng kasama ko na ngayon ay hawak hawak ang mga snow na nasa sahig. Napailing na lang ako dahil para siyang batang tuwang tuwa na ngayon lamang nakakita ng gano'n. I snap my fingers at biglang may lumabas na mga snow na nagmula sa kisame ng bahay.

Manghang mangha si Klaire sa nakita. Tumingin siya sa akin ng nakangiti kaya tinanguan ko lang.

"Snow! Ang cool talaga!" Namamanghang sabi niya. Itinaas niya ang kan'yang dalawang kamay na animo'y sinasalo ang nahuhulog na mga snow.

Hindi ko namalayang napatitig na ako sa kan'ya. The way she laughs, the way she carelessly moves. It reminds me of her.

"Kaela!"

Napapitlag ako sa kinauupuan ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Pagtingin ko ay nakatigil na si Klaire sa paglalaro ng snow at nakakunot ang noo na nakatingin sa akin, tila nagtataka kung bakit ako tulala.

  

"Bakit ba?" Tanong ko nang maka-recover ako sa ginawa niyang pagsigaw.

'Ngayon lang 'to, Kaela. Bukas, balik ka na uli sa pagiging cold. Kailangan mo lang maging hospitable ngayon bilang ikaw ang nagdala sa kaniya rito,' sabi ko sa sarili ko.

"Ah hehe magtatanong lang ako kung anong oras tayo kakain? Gutom na kasi ako eh," nahihiyang sabi niya. Napatampal na lang ako ng noo sa isip dahil sa sinabi niya.

Hindi pa ba siya kumakain? Kaya siguro mapayat 'to dahil hindi kumakain ng tama sa oras.

"Kumain ka na lang sa labas kung gusto mo. Nasa East Wing ang cafeteria," I told her. She nodded obediently bago tumayo mula sa pagkakaupo at naglakad na palabas ng bahay. Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa makaalis siya.

I closed my eyes and heave a deep sigh.

Kailangan ko pa ba siyang samahan dito? O, aalis na ako?

Pero iba ang nararamdaman ko sa kanya.

Kamukha niya siya at pakiramdam ko siya na ang nawawala.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free