(Dash’s POV)
Why is Klaire acting so weird?
Noon hindi naman niya sinasagot ang pagtawag ko sa kanya ng Darling at lalong hindi niya tinatarayan ang ibang Superiors. Alam kong may nangyari sa kanya noong lumabas siya. Ibang-iba ang kilos niya ngayon. Parang ibang Klaire ang kaharap namin ngayon.
Aish.
Naipilig ko na lang ang ulo ko dahil sa mga pinag-iiisip ko. Bakit ko ba siya pinag-iisipan ng masama?
Napabaling ang atensyon ko kay Klaire nang bigla nitong hawakan ang aking kamay.
"Hey darling, are you okay?"
Tumango lang ako sa kaniya bilang sagot at inalis ang nakahawak niyang kamay sa akin.
She's also clingy.
"Oh, okay," aniya, hindi siguro napansin ang pag-alis ko ng kamay niya sa akin. Hindi na ako nakatiis at tinanong na siya.
"May nangyari ba sayo no'ng lumabas ka kagabi?"
I narrowed my eyes when her face become pale. I could almost hear the fast beating of her heart.
Something is wrong.
"Ha ha. Paanong may mangyayari sa’kin? Eh may kapangyarihan naman ako ‘di ba?" Aniya na halatang may itinatago. You can't fool me, woman.
Napangisi ako sa isip bago siya muling tinanong.
"Lumabas na ang kapangyarihan mo?" Tanong ko, nanghuhuli. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa itinanong ko sa kaniya.
Bingo.
"Ha? Ah... HINDI! HINDI! Ano ka ba! Ha ha. Wala naman akong kapangyarihan eh. He he. Oo nga pala." Pilit ang tawang pinakawalan niya.
"Wala kang kapangyarihan?" Tanong ko pa.
"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo! Syempre may kapangyarihan ako no?! Alam mo hindi mo lang kasi naririnig ang mga sinasabi ko kaya iba-iba ang naririnig mo. Ang dami namang tanong nito," aniya at ang mga huling salita ay ibinulong na niya kaya hindi ko iyon masyadong narinig.
"You're saying something, sweetie?"
"Ha? Wala 'no! Wala!" Halata ang pagka-defensive sa inaakto niya.
Woman, you're dead.
"Ah," nasabi ko na lang.
I need to figure out something. May kakaiba kay Klaire ngayon. At hindi ko rin nararamdaman dito kay Klaire ang nararamdaman ko sa kanya noon tuwing nakakasama ko siya.
Isa pa ay ang maitim na aura na nararamdaman ko sa kanya. Ibang-iba ang pakiramdam ko rito kay Klaire na kasama namin.
Sa oras na malaman ko kung sino ka, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka. I will burn you to ashes, whoever you are.
* * *
(Klaire’s POV)
Maaga pa lang ay ginising na agad ako ni Miss Evergreen para mag-excercise. Push ups. Jumping jacks. Jogging at paulit ulit na pagtakbo pamula sa may sapa hanggang sa bahay niya na ilang metro rin ang layo. Pagod na ako pero hindi ako pwedeng tumigil. Nasa peligro ang buhay ng mga kaibigan ko at kung hindi ko matatalo ang diwata bago sumapit ang ikatlong pagsinag ng araw dito sa Mountain of Deaths ay ang mga kaibigan ko ang mamamatay, sabi iyon ni Miss Evergreen sa'kin.
"Hooo!! Nakakapagod!!" Nanghihina akong napaupo sa lupa bago ako tuluyang napahiga.
Naramdaman ko ang paglapit ni Miss Evergreen pero hingal na hingal na ako kaya hindi ko na iyon masyadong napagtuunan pa ng pansin.
"Kaya mo pa ba, Klaire?" Tanong nito kaya naman mabilis akong napaupo kahit pa pagod na pagod pa rin.
"Yes! Kayang-kaya ko pa!" Napatawa naman si Miss Evergreen sa isinagot ko. Hindi ako panghanggang dito lang. Hindi ako magiging si Klaire kung ito pa lang ay susukuan ko na. Ano pa ang pagiging rule breaker ko noon kung simpleng training ay hindi ko na kaya?
"Good. Now, we'll proceed to your training," she said then turn her back to me.
Mabilis na napaawang ang aking labi at nanlaki ang aking mga mata.
Hindi pa 'yon training?! Eh ano pala 'yon?
"Warm up lang 'yan Klaire," sagot niya ng nakatalikod na parang nabasa ang iniisip ko habang may kinukuha sa mga gamit na nakasalansan sa lamesa
Warm up?! Eh halos mamatay na ako kanina! Tapos warm up lang 'yon?!
Okay, binabawi ko na! Hindi na 'to simpleng training!
"Sa pakikipaglaban, dapat may sapat kang lakas. Hindi ka dapat madaling mapagod dahil baka biglang may isang digmaan ang sumiklab at kailangan na kailangan do'n ang lakas at tapang. Kaya kung ayaw mong labanan yung diwata, you can go," anito habang nakatalikod pa rin sa akin.
Napahinga ako ng malalim sa sinabi niya. She's right. Nandito na ako. Ngayon pa ba ako magba-back out?
"Hindi," matigas na sabi ko, tumatayo mula sa pagkakaupo, "hindi ako aalis. Hindi ko na lang ito laban. Laban din ito para sa mga kaibigan ko."
Hindi ako papayag na magwagi ang diwata na 'yon. Magkakamatayan muna kaming dalawa bago siya magwagi.
Nagulat na lang ako nang biglang humarap sa akin si Miss Evergreen at may ibinatong isang dagger. Sa bilis ng reflexes ko ay naiwasan ko iyon. Nagbato siya nang nagbato ng dagger samantalang ako naman ay iwas nang iwas.
Ilang minuto lang ay tumigil na rin siya.
"Good."
Napabuga ako ng hangin at mauupo na sana nang magsalita na naman siya.
"Bawal umupo hangga't hindi pa tapos ang training natin." Napasimangot ako at sinunod na lamang ang sinabi nito.
Bakit kahit nakatalikod siya alam na alam niya ang gagawin at iniisip ko?
Tumayo na lang ako ng ayos at nag intay sa ibabato ni Miss Evergreen. Lumipas ang ilang minuto at muli na naman siyang humarap sa akin ngunit ngayon ay may hawak na siyang isang espadang kahoy.
"Sa ngayon ay tuturuan muna kita kung paano humawak ng espada at kung paano ito gamitin," sabi niya nang makita ang nagtataka kong mukha.
Ibinigay niya sakin ang isang espadang kahoy at itinuro sa'kin kung ano ang tamang pwesto at tamang paggalaw kung paano mapapatamaan ng espada ang kalaban. Itinuro rin niya ang tamang pagbagsak ng katawan para walang parte ng katawan ko ang mabali sa oras na mag-landing ako sa lupa.
Biglang tumigil si Miss Evergreen at tumalikod na uli. Pumunta siya sa lamesang mahaba na pinaglalagyan ng mga weapons at may kung anong kinuha do'n.
"Now for the real sword," biglang sabi niya na siyang nagpalaki sa mata ko.
"Po?! Real sword? Eh katatapos lang po natin do'n sa kahoy na espada tapos real sword agad? Baka... baka po kasi tamaan ako," nakayukong sabi ko sa huli na siyang nagpatawa sa kaniya, bahaw na tawa.
"Klaire, sa labanan hindi maiiwasang masaktan ka. Kung tamaan ka man ng espada o kahit na anong weapons 'wag mong pansinin. Isipin mo na lang ang mga taong pag-aalayan mo ng buhay mo kung sakaling mamatay ka man. Parang pag-ibig lang 'yan eh. Kailangan mong sumugal kahit walang kasiguraduhan. Kailangan mong magtiwala sa sarili mo dahil kung hindi, ikaw ang matatalo. At kung sakaling ikaw ang hindi pinalad, wala kang magagawa kundi mag-move on na lang," seryosong sabi niya.
Napakagat ako ng labi at dahan-dahang napatango.
"Kung s-sakaling m-mamatay man ako sa labanan namin ng diwata.. sana makilala ko muna ang tunay kong mga magulang. Ang tunay kong pamilya," malungkot na pahayag ko.
Memories, again. I can't help but blame my true parents. Sila ang dahilan ng lahat eh. Kung hindi nila ako inabandona, edi sana walang ganito.
Naramdaman ko na lang ang sarili ko tumutulo ang luha dahil sa mga memoryang bumalik sa akin. Matagal-tagal na rin simula ng iyakan ko ang mga tunay kong magulang. They left me... and I hated them for doing that.
Sabi nina Nanay Mekayla at Tatay Chris, nakita lang daw nila ako sa loob ng gubat noon at nakitang walang malay. Puro dugo at sugat ang katawan ko kaya inakala nilang patay na ako pero dinala pa rin daw nila ako sa kanila para gamutin. Walong taon ako nang mangyari 'yon. Pero kahit walong taon ako, wala akong kahit katiting na maalala tungkol sa tunay kong pamilya.
"Klaire, may rason ang lahat ng nangyayari sa buhay mo," makahulugang sabi ni Miss Evergreen.