HinovelDownload the book in the application

Chapter 09: Playful Side

"S-si Kaela? Nakausap mo siya?!"

Napahakbang ako ng isa paatras dahil sa sinabi niya.

B-bakit? Anong meron kay Kaela?

"Y-yes. Bakit?" Sagot ko. He squeezed his eyes shut before looking at me again. He seems... frightened?

"She's... dead," he solemnly said. I could see sadness in his eyes. Bahagya namang napaawang ang aking mga labi dahil sa sinabi niya.

P-patay na siya? Pero bakit ganon? Nakikita ko siya pati na rin ng iba?

"No, no, no!" Umatras ako nang umatras hanggang sa mapalapat na ang likod ng tuhod ko sa bench at agad akoh napaupo.

Hindi... nakakausap ko siya at... nahahawakan.

"Matagal na siyang patay. Siguro mga dalawang taon na. Pagala-gala lang ang kaluluwa n'ya rito sa loob ng Academy. Siguro ay may unfinished business pa siya rito," ani Cyclone. Ramdam ko ang pamumutla ng aking mukha pati na ang panlalamig ng aking mga kamay. Ang puso ko ay hindi na rin magkanayaw sa pagtibok dahil sa takot pati na pagkabigla.

Ngunit nagulat ako ng bigla siyang napahalakhak kaya napalitan ng pagtataka ang takot kong mukha.

"Bakit?" Tanong ko rito ngunit tawa lang siya nang tawa habang nakaturo sa akin.

"You should've seen your face! It's... epic!" Halos mangisay na siya sa lupa dahil sa sobrang katatawa kaya naman isa lang ang napagtanto ko! He's just playing around! For goodness' sake!

Mabilis akong tumayo at pumunta sa kinatatayuan niya at agad siyang sinapok.

"Bakit mo ako sinapok?!" Nanlalaki ang matang tanonh niya habang nakahawak sa kaniyang ulo.

"Talagang tinanong mo pa eh no?" Sarkastikong sabi ko habang nakapamewang.

Tumawa na naman siya kaya napasimangot na ako.

"Ikaw naman kasi! Pero seryoso, hindi nakikipag usap si Kaela sa ibang tao. Oo, nakikipag usap siya samin pero pagdating sa ibang tao hindi na niya sila pinapansin. Baka siguro dahil kamukha ka niya kaya ikaw ang napapagkamalan ni Kaela," sabi ni Cyclone habang ang hintuturo ay nakalagay sa baba na parang nag-iisip.

Haay. Ito na naman tayo sa niya at siya. Sino ba kasi talaga 'yon?!

"Sino ba kasing tinutukoy ninyo na kamukha ko? Kanina ko pa 'yan naririnig mula kay Headmistress, eh!" Naaasar na sabi ko. Napansin ko naman ang pagiging stiff niya dahil sa naging reaksyon ko.

"Ah haha... wala!" He laughed awkwardly.

Aish! Bakit ba sa tuwing tinatanong ko kung sino 'yong tinutukoy nilang kamukha ko, hindi nila sinasagot? Kasalanan bang banggitin ang pangalan ng kung sino mang tao na 'yon?

"Aish! Ewan ko sa'yo!" Nagmartsa ako paalis sa garden ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay tinawag na agad ako ni Cyclone.

Napangisi ako dahil sa ginawa niya. I knew it. Gagana 'tong naisip ko. Kunwari aalis ako tapos pipigilan niya para sabihin sakin ang totoo. I'm so genius talaga!

"Klaire, sandali!" He stopped me. Humarap ako sa kaniya habang nakataas ang isang kilay at nakahalukipkip, iniintay ang sasabihin niya.

"Pasabi kay Kaela na tayong mga Superiors ay may meeting kay Headmistress bukas," aniya na naging dahilan ng pagkakasimangot ng mukha ko. Akala ko pa naman sasabihin na niya ang tungkol sa kamukha ko.

Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakakulay puti itong longsleeves na polo na may linings rin ng gold at blazer na kulay dark blue. Kagaya ko ay may logo din siya sa may gilid ng dibdib at nakaukit ang pangalan ng Academy at ang section na 'Superiors'. Khaki pants naman ang pambaba nila na siyang bumagay sa kaniyang katamtamang laki ng katawan. Sa inis ko sa kaniya ay napabulong ako.

"Mula ulo mukhang paa," bulong ko na sa tingin ko ay narinig niya kaya agad na nanlaki ang kaniyang mata at ilong.

"A-ano?! Anong sabi mo?" Nanlalaki ang ilong na tanong niya. Tamad akong bumuga ng hangin at saka siya sarcastic na nginitian.

"Wala 'yon! Buti na lang bingi ka," ang huling mga pangungusap ay ibinulong ko na ngunit hindi ko inaasahang maririnig pa rin niya iyon.

"S-sinong bingi?!" Halos matawa na ako sa harapan niya dahil sa reaksyon niya. Hangin nga pala kapangyarihan nito kaya naririnig niya sinasabi ko. Well, he's cute.

"Ha? Wala naman akong sinasabi, ah? Ba-bye na nga. Aalis na ako," nakangising pamamaalam ko sa kaniya.

"H-hoy! S-sinong bingi, ha?! Hindi ako b-bingi! 'Tsaka, gwapo ako! Hindi ako mukhang paa!" Pahabol na sigaw niya kaya napahagalpak na ako sa katatawa.

"Oo na lang!" Sigaw ko pabalik habang tumatawa at nagmartsa na paalis ng garden.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free