HinovelDownload the book in the application

Chapter 20: Still in Danger

"Klaire, hindi ganyan ang paghawak!" Sigaw sakin ni Miss Evergreen mula sa malayo. Hawak ko ngayon ang isang tunay na espada at nakikipaglaban ako sa ginawa niyang earth golemns.

In just one snap of her fingers, nawala ang mga earth golemns. Naituon ko naman ang espadang hawak sa lupa upang maging suporta sa aking katawan na ngayon ay nalalanta. Lumapit siya sa akin at kinausap ako.

"Klaire, hindi mo ba natatandaan ang itinuro ko sayo? Kung ganyan ka nang ganyan hindi mo matatalo ang diwata!" Pagleleksyon niya sakin.

Napayuko na lamang ako sa sinabi niya at napapahiyang napatango. I know, I'm weak... and loser.

"Sorry," kagat-labing paumanhin ko.

"'Wag kang magsorry. Gawin mo na lang ng tama 'yan," aniya at naglakad na muli palayo sa akin. Ipinitik na naman niya ang kaniyang mga daliri at kasabay noon ay muli na namang lumabas ang mga earth golemns.

Ginawa ko ang tinuro ni Miss Evergreen. Ginawa ko kung paano patatamaan ang kalaban ng hindi man lang ako nasasaktan. I swiftly wield my sword and hit the golemns. Napatumba ko naman ang mga ito at narinig kong pumalakpak si Miss Evergreen.

"Well done! Pahinga ka na," sabi niya pagkalapit sa akin at saka kinuha 'yong espada ko. Tumango ako sa kaniya at naglakad na patungo sa kaniyang bahay, 'di kalayuan sa pinag-te-training-an namin.

Panglimang araw ko na rito. Training lang kami ng training dito pero kahit nagte-training kami hindi pa lumalabas ang kapangyarihan ko. Siguro wala talaga ako no'n eh. Nag-aaksaya lang ako ng oras.

Nang makarating sa akinh kwarto ay nag-ayos muna ako ng aking sarili bago naupo ng kama. Napahinga na lang ako nang malalim nang maalala ang aking mga kasamahan.

I miss Dash. I miss my friends. I miss all of them.

Nakabalik na kaya sila ng Academy, kasama iyong Nymphae na 'yon? Sana hindi pa. Kailangan ko pang labanan ang impostorang 'yon.

Napatigil ako sa pag-iisip nang malalim sa kwarto ko nang makarinig ako ng pagsinghot. Kumunot ang noo ko dahil kami lang naman dalawa ni Miss Evergreen ang nandito kaya malamang na si Miss Evergreen iyon.

Maingat akong lumabas sa kwarto ko at pumunta sa may kwarto niya. Nakita kong nakasiwang ng konti ang pinto ng kwarto niya kaya do'n ako sumilip.

"Dad... I miss you," umiiyak na sabi ni Miss Eve habang nakatingin sa hawak niyang litrato. Pinilit kong aninagin ang picture pero hindi ko iyon makita ng ayos dahil na rin sa kalumaan nito.

"Klaire, alam kong nandyan ka," biglang sabi ni Miss Evergreen at biglang lumaki ang bukas ng pinto. Tumigil na rin siya sa pag-iyak ngunit nakatalikod pa rin ito sa akin kaya gulat na gulat ako.

Paano niya nalaman na nandito ako?!

Humarap siya sakin at kitang kita ko ang pamumula ng mata at ilong niya.

"Come here," aniya habang tinatapik ang tabi niya, senyas na roon ako umupo. Dahan dahan akong lumakad palapit sa kinatatayuan niya at saka naupo sa kaniyang tabi.

Pagkaupo ko ay binalot kami ni Ms. Eve nang matinding katahimikan. Walang may gustong magsalita sa aming dalawa kaya naman dahil pakiramdam ko ay mapapanisan ako ng laway, ako na ang naunang nagsalita.

"B-bakit po kayo umiiyak Miss Evergreen?" Tanong ko. Umiling siya at ngumiti.

"Nothing. I just miss my dad," sagot niya sa akin habang nakatingin sa litrato at may mapait na ngiti.

"Nasa'n na po sya?" I asked out of curiosity. Tiningnan ko ang litrato ng kaniyang ama at napakunot ako nang tila pamilyar ang itsura nito.

Parang nakita ko na noon?

Nawala ang atensyon ko sa picture nang magsalita si Miss Evergreen.

"He's dead."

Mabilis na napaawang ang aking mga labi dahil sa tinuran niya.

"Pasensya na po." Paumanhin ko sa kaniya pero tinapik lang niya ang balikat ko bago ako sinagot.

"Shh. Hindi naman ikaw ang pumatay sa kanya eh."

Napatango na lamang ako sa sinabi niya. Binalot na naman kami ng nakakabinging katahimikan ngunit pagkaraan ng ilang minuto ay binasag naman niya ito.

"Alam mo ba kung bakit siya namatay?" Tanong niya, hindi nakatingin sa akin. Umiling iling ako kahit alam kong hindi naman niya makikita 'yon.

"Namatay siya dahil sa mga do'n sa mga diwatang kumuha rin ng wangis mo." Ngayon ay tumingin siya ng diretso sa aking mga mata kaya wala sa sariling napalunok ako.

"B-bakit po?" Kinakabahang tanong ko.

Huminga siya nang malalim bago nagsimulang magkwento.

"Nanggaling din ako noon sa Academy. May nangyaring digmaan noon laban sa Magistic Kingdom at sa Darkania. Umalis kami ni Dad doon kahit pa siya ang pinuno dahil gusto niya akong iligtas mula sa mga kamay ng Darkanians. Ngunit hindi niya inaasahang dito kami sa Mountin of Deaths mapupunta. Itinago niya ako sa lugar na ito. At iyon nga, nakasagupa namin ang mga diwata na 'yon. Kinuha nila ang wangis ko ngunit nalaman agad ni Dad 'yon dahil ibang iba ang kilos nito. Pinatay niya ang diwata at bumalik ako. Ngunit hindi namin inaasahan na ang diwata palang kumuha ng wangis ko ay ang pinuno nila kaya nagalit ang mga diwata at pinatay si Dad. Simula no'n sa tuwing may dumarating na dayo rito ay kinukuha nila ang wangis nito," mahabang salaysay niya at ibinaling ang paningin muli sa litrato ng ama.

Napamaang ako sa sinabi ni Miss Evergreen. Tila nalunok ko ang aking dila dahil wala akong makapang mga salita.

Ibig sabihin kaya kumukuha ng wangis ngayon ang mga diwata dahil sa Dad ni Miss Evergreen? Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit hindi bumabalik si Miss Evergreen sa Academy samantalang doon naman siya nanggaling.

"May tanong lang po ako Miss Evergreen."

Tiningnan niya ako at tinanguan.

"Go on."

Napahinga naman ako nang malalim bago itinanong ang bagay na bumabagabag sa akin.

"Bakit po hindi na kayo bumalik sa Academy?"

Natigilan siya sa naging tanong ko ng ilang segundo ngunit makalipas lamang ay huminga siya nang malalim bago sinagot ang aking tanong.

"Dahil nasa panganib pa rin ang buhay ko hanggang ngayon," sagot niya dahilan upang may mamuong tanong sa aking utak.

Nasa panganib pa rin ang buhay niya?

Paano at bakit?

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free