(Shakira’s POV)
"Waah!! Wala si Klairey sa kwarto niya!" Sigaw ko habang tumatakbo ako pababa ng hagdan. Gigisingin ko sana si Klaire pero nang makitang wala siya roon ay mabilis akong nagtatakbo patungong sala.
Nangunot ang noo ng iba at tiningnan ako na parang joke iyong sinabi ko.
"Don't play around, Shakira. It's not funny," nagbabantang sabi ni Dash na mabilis kong inilingan.
"Hindi... hindi ako nagsisinungaling. Wala talaga siya roon," sagot ko. Tiningnan ako ni Kaela nang seryoso bago siya umalis at umakyat ng hagdan. Siguro ay para tingnan nga kung nagsasabi ako ng totoo.
Pagkaraan ng ilang minuto ay bumaba na rin siya at ngayon ay kunot na kunot na ang noo nito.
"She's not in her room," aniya kay Dash.
"Where the fuck did she go?" Bulong ni Dash sa sarili. Kita ko ang pag-aalala na gumuhit sa mata niya pero hindi rin iyon nagtagal at bumalik muli sa pagiging walang buhay.
Hmm... I smell something fishy...
Nawala naman ang mapanuring mata ko kay Dash nang biglang magsalita si Krey.
"I saw her last night. Lumabas siya ng bahay, akala ko may kukunin o gagawin lang kaya hindi ko na sinundan."
Mabilis na kumunot ang noo ko at agad akong nakaramdam ng inis dahil sa sinabi niya.
Lumabas pala, bakit hindi man lamang niya sinundan?! Paano kung may nangyaring masama do'n?
"Seriously, Krey? Bakit hindi mo sinundan si Klaire! Paano kung may mangyaring masama sa kaniya?!" Naaasar na sigaw ko rito.
"Shakira, don't shout!" Inis na balik niya sa akin.
Agad na nagpanting ang tenga ko dahil doon. Don't shout?! Don't shout, eh paano kung may nangyaring masama sa kaniya?!
"Don't shout?! Paano ako hindi sisigaw kung ang isang Prinsipeng katulad mo na magmamana ng trono ng kaharian ninyo ay isang iresponsable! Peste naman, Krey!" Ramdam na ramdam ko ang galit na nararamdaman ko. Hinawakan na ako ni Zhia upang ilayo kay Krey pero pinipilit ko pa ring lumapit dito.
Yes, he's a Prince. All of us except for Klaire. Nakaangkop ang Kingdom namin sa kung anong element namin.
"'Wag mong isinasama dito ang pagiging Prinsipe ko!" Ngayon ay ramdam ko na ang galit ni Krey dahil sa sigaw niya.
"Eh, tanga ka pala eh! Hindi ko isasama?! Eh napaka-iresponsable mo! Hindi ka karapat dapat para sa trono ng pagiging hari ng Lightning Palace! Nakakahiya ka!"
Nakakainis! Nakapa-iresponsable niya!
"'Wag mo akong pinagsasabihan ng ganiyan, Shakira. Kilala mo ako kapag nagagalit. Hindi ko sinasanto ang kahit na sino, kahit babae pa," mariing sagot nito sa akin.
Napatawa ako ng sarcastic dahil sa sinabi niya.
"Wow! Akala mo ba matatakot mo ko sa paganyan-ganyan mo? Then, go!" Inalis ko ang pagkakahawak sa akin ni Zhia at lumapit kay Krey, nanghahamon.
Pumikit ng mariin si Krey at kinagat ang labi tanda na pinipigilan niya ang kaniyang sarili. Magsasalita pa sana ako nang biglang magsalita si Kaela.
"Shut up the both of you."
Tiningnan ko lamang siya pero hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"Ano, Krey? Hanggang salita ka na lang ba?" Nang-aasar na sabi ko rito. Tuluyan ng napigtas ang pising pumipigil kay Krey.
Bumuo siya ng lightning ball at ibinato iyon sakin. Mabilis akong umilag kaya natamaan ang dingding. Rinig ko ang pagsinghap ng ibang mga kasama namin dahil doon pero hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin.
Bumuo rin ako ng light ball at binato rin iyon sa kanya. Nakailag din siya ngunit tinamaan ng kaunti ang braso niya. Kita ko ang lalong pagkainis sa mukha niya kaya sunod sunod siyang nagpatama sa'kin ng lightning ball at isang tira niya ang nakadaplis sa braso ko.
Shit!
Bumuo siya ng isang malaking lightning ball at handa na itong ibato sa'kin nang biglang sumigaw si Kaela.
"FUCK! I SAID STOP YOU BOTH!"
Naibaba ni Krey ang ibabato sanang lightning ball at napansin ko ang pag-igting ng kaniyang panga dahil sa pinipigilang inis. Ako naman ay napayuko at napahinga nang malalim, pinapakalma ang sarili.
"Hindi na kayo nahiya! Tinuruan kayo kung paano kumilos ang isang Prinsipe at Prinsesa pero para kayong mga walang pinag aralan! Ganyan ba kayo kumilos ha?! May batas tayo sa Academy na sinusunod at bawal gamitin ang element sa kapwa elementalist! Ganyan na ba kakikitid ang utak ninyo ha?! Ang ugaling pinapakita ninyo ay asal hayop!" Pagkatapos sabihin iyon ni Kaela ay nagwalk out ito at umakyat sa kaniyang kwarto. Padabog niyang sinarhan ang pinto kaya napabuga na lang uli ako ng hangin.
Umupo naman ako sa malapit na sofa upang mas lalong mapakalma ang sarili. Napaayos naman ako ng tayo pati ang iba nang biglang may kumatok sa pinto.
Tatlong katok na naging dahilan kung bakit kumaripas kami nina Zhia, Cyclone at Zach patungo sa pinto.
Iyong dalawang lalaki na naiwan ay tiningnan lang ang pinto at naghihintay na buksan namin ito. Hindi ko pa nabubuksan ang pinto pero nakakaramdam na ako ng isang itim na aura.
Shit! Don't tell us na kalaban 'to!
Kumatok pa ng dalawa ang nasa labas kaya napakagat ako ng labi. Hinawakan ko ang door knob ang handa na sana itong buksan nang biglang may humawak ng aking wrist. Pagtingin ko kung sino iyon ay nakita ko si Cyclone na seryoso.
"Ako na ang magbubukas. May nararamdaman akong black aura sa paligid," seryoso aniya kaya napatango na lang ako bago umalis sa harap ng pinto. Kapag kasi seryoso ang mukha niya ay seryoso na talaga 'yan.
Unti unti niyang binuksan ang pinto at tumambad sa'min ang mukha ni Klaire na mukhang pagod na pagod. Nanlaki ang mata namin at agad namin siyang pinapasok sa bahay at pinaupo sa sofa. Pumunta naman si Zhia sa kusina para kumuha ng tubig at ibinigay iyon kay Klaire. Nawala na rin ang itim na aura kaya ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon.
"Hey darling, are you alright?" Tanong ni Dash gamit ang isang nag-aalalang boses. Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Dash. Ayiie naman! Darling daw oh! Woot woot!
Umiibig na ang Captain namin!
Uminom naman muna si Klaire ng tubig bago sinagot si Dash.
"Yes darling, I'm fine. May humahabol kasi sa'kin kanina kaya tumakbo ako nang sobrang bilis."
Para namang nagulat si Dash sa isinagot ni Klaire ngunit pagkaraan ay pinilig ang ulo.
"Good to hear. Pahinga ka na." Ngayon naman ay malamig ang tonong ginamit ni Dash.
Nangunot ang noo ko dahil doon. Bakit bigla naman siyang naging cold?
Akmang aalis na si Dash nang pigilan siya ni Klaire.
"Pwede bang dito ka muna please?" Tanong ni Klaire kay Dash at nagpuppy eyes pa. Tumango si Dash at umupo sa tabi ni Klaire. Bigla namang tumingin sa'min si Klaire at tinaasan kami ng kilay.
"You can go now!" Pagtataray niya samin at saka kami inirapan kaya napamaang kami. Magsasalita na sana ako nang hawakan ni Zhia ang aking kamay at hinila ako paalis.
Bakit parang may kakaiba kay Klaire? Bakit nag-iba ang ugali niya?
O baka sadyang ganyan lang talaga ang ugali ni Klaire pero ang ipinapakita niya lang samin na mabait side niya ay parte ng pagpapanggap niya?
Now I know the true color of Klaire.
Tsk.