HinovelDownload the book in the application

Chapter 06: Dorm

Kanina pa kaming tahimik na naglalakad ni Kaela kaya iyon ang naging pagkakataon kong ilibot ang paningin sa lugar. Nakakapagtaka lang dahil tila isang bahay na hindi ganoon kalakihan ang dorm na sinasabi nila.

Napatigil ako sa paglalakad nang biglang tumigil rin si Kaela. Tumigil kami sa isang malaking space na walang kahit anong halaman.

Kumunot ang noo ko at bahagya siyang kinulbit. "Tara na. Akala ko ba hahanapin pa natin ang dorm ko?" Sabi ko sa isang naiinip na boses.

Huminga siya nang malalim at saka ako sinagot.

"We're here."

Nagulat ako nang unti-unting may nagvivisible na isang malaking bahay sa harap namin— sa malaking space to be exact.

Woah...

"Pasok na," aniya nang tuluyan ng naging visible ang bahay sa aming paningin.

Pero nanatili akong nakatayo at manghang mangha sa nakita. Sinong hindi mamamangha do'n? Bigla na lang may lumitaw na isang bahay sa harapan mo, eh, isang malaking espasyo lang 'yon kanina! 

"Papasok ka ba o papasok ka?"

Nagulat ako nang biglang naging mataray ang boses niya pero mas nagtaka ako sa sinabi niya. Saan ang ibang option dun?

Napagtanto ko na lang na nasa loob na pala siya kaya dali-dali akong tumakbo paloob. Naramdaman ko namang parang nagiging invisible na uli ang bahay pero kita pa rin namin ang labas.

"Wow," naibulalas ko na lang. Umupo si Kaela sa isang upuan at binigyan ako ng isang tipid na ngiti.

Minsan iniisip kong isa siyang cold person at expressionless pero 'pag ngumingiti siya, parang mali ang iniisip ko tungkol sa kan'ya.

By any chance, may split personality ba siya? Inalis ko na lamang ang isipin iyon at umupo sa kaharap na upuan nya at saka siya manghang tinanong. 

"H-how! Paanong biglang lumitaw o biglang naging visible 'tong bahay?" Nahihiwagahang tanong ko.

"Dahil ng presensya mo. Ang bawat may kapangyarihang tao rito ay may kanya kanyang espasyo. Ayon sa pinagsalin-saling kuwento ng mga ninuno natin na nakasulat sa libro, itong Academy ay natayo no'ng nabuhay ang kauna-unahang Elementian. At nakita nya ito no'ng lumaki na siya hanggang sa magkasunod sunod na ang pagsilang ng mga may kapangyarihan at bawat pagdami ng Elementians lumalaki ang Academy dahil nadadagdagan ang mga Elementians na nabubuhay sa mundo. Kapag namatay naman ang isang Elementians mawawala ang bahay at matitira ang espasyo ngunit ang gagawin doon ay patatayuan ng school buildings," mahabang paliwanag niya. Manghang mangha kong inilibot ang aking paningin sa buong dorm.

Ang ganda...

"So, kapag namatay ako, mawawala ang bahay ko?" Paglilinaw ko sa kaniya na sinagot lamang niya ng isang tango.

"Cool," wala sa sariling sambit ko. Inilibot ko ang aking paningin at nang may mapansin sa bahay ay napagdesisyunan ko iyong itanong sa kan'ya.

"Sadya ba na nagpapalit-palit ang design ng bahay?"

Tiningnan niya ang buong bahay bago muling tumingin sa akin.

"Nakabase naman iyan sa kapangyarihan mo. Pero dahil natutulog pa sa katawan mo ang kapangyarihan mo, kapangyarihan ko ang nadedetect," aniya.

Tinignan ko ang dingding sa bawat pagpapalit palit ng design nito. Malamig sa mata at sa tingin ko ay Ice ang kapangyarihan niya. Gumagalaw ang mga designs katulad na lamang ng design ngayon. Isa iyong snowflakes na parang bumababa at nang sundan ko ng tingin iyon ay may snowflakes na sa sahig ng bahay! As in, tunay na snowflakes! Cooool.

Manghang mangha ako sa nakikita ko kaya hindi ko na naramdamang katabi ko na pala siya.

"Can I ask you something?" She suddenly asked. I looked at her, wondering but still replied with a nod.

"Sure."

"Who are your parents?" Random na tanong nya. Mabilis na napakunot ang noo ko dahil hindi siguro niya nakita o nabasa ang form ko kanina. Pero mabilis ko rin naman iyong inalis at saka siya sinagot.

"Mekayla Mendoza and Chris Mendoza," I answered with glee.

"Oh? A-akala ko..." Sabi niya at hindi ko na narinig ang mga huling salitang sinabi niya dahil bulong na ito.

Hindi ko na lang siya pinansin pa dahil manghang mangha ako sa nakikita ko kaya naman nagdesisyon akong tumayo upang magtingin-tingin ng iba pang gamit sa loob ng bahay.

Nakakamangha talaga 'to. Well-organized ang mga gamit at malinis tignan.

I will surely live here for a lifetime. This is my new life!

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free