(Shakira’s POV)
"Kyyaaah!! Mission uli! Excited na ako!" Tuwang tuwang sigaw ko.
"Tsk. 'Wag ka ngang maingay bakulaw!" Sita ni Cyclone kaya nabatukan ko siya. Panira, eh.
"'Wag mo nga akong pakealaman ugok ka!"
Haist! Bakit ba kapag siya ang nagsasalita ay inis na inis ako? Parang kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko ang pangit na mukha niya.
"What's the mission?" Cold na tanong ni Kaela. Huminga naman nang malalim si Headmistress bago kami tiningnan ng seryoso at nagsalita.
"You need to know where the Book of Magistica is. Pinaghahahanap na rin iyon ng Darkanians dahil doon nakalathala ang pinaka-makapangyarihang spell na makapag-u-unseal ng kapangyarihan ng Prinsesa. Alam ninyo naman siguro na kung sino ang makakapag-unseal ng kapangyarihan ng Prinsesa ay sa kanila sasanib ang Prinsesa. Kaya I want you, Superiors na hanapin ang Book of Magistica," mahabang salaysay ni Headmistress na naging dahilan ng pagkakakunot ng noo namin.
Book of Magistica? Parang pamilyar iyon? Saan ko nga ba iyon narinig o nabasa?
"Teka, Headmistress. Book of Magistica? 'Diba po maraming sabi-sabi na ang libro na 'yon ay salin-saling kwento lang at gawa-gawa lamang ng mga matatandang elementians?" Seryosong tanong ni Zhia. Napatango naman ako sa isip nang ma-realized na nabasa ko ang tungkol sa Book of Magistica noon sa library. Kaya pala familiar...
Napatingin naman akong muli kay Headmistress nang biglang itong magsalita.
"No. Ang Book of Magistica ay totoo at matagal na panahon ng itinatago dahil sa sobrang makapangyarihan. Itinago ito ni Caleb, ang pinakaunang Elementian at ang dating Hari ng Magistic Kingdom. Sa pagkakalap ko ng impormasyon, ang Book of Magistica ay itinago niya sa Mountain of Deaths upang walang magtangkang kumuha nito. Ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay naungkat na naman ang tungkol dito at nalaman ko na lamang na pinaghahahanap na ito ng Darkanians," mahabang paliwanag ni HM.
Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya bago nabaling ang aking atensyon kay Cyclone nang bigla itong magsalita.
"Pero Headmistress, sa Mountains of Deaths po talaga itinago ang Book of Magistica? Eh, marami po kasing nagsasabi na lahat ng pumupunta sa Mountain of Deaths ay... ay hindi na uli nakakabalik at... namamatay na raw sila do'n dahil sa mababangis na mga nilalang," aniya kaya napatawa ako. Nagtinginan naman sila sakin nang may nagtatakang tingin pero tawa pa rin ako ng tawa.
"Bakit? Natatakot ka ba Cyclone na ugok?" Kantyaw ko sa kaniya. Napahinga na lang ang iba dahil sa sinabi ko. Alam na talaga nilang hindi kami magkasundo ni Cyclone.
"A-anong natatakot?! Hindi no! Ako matatakot? Bakit naman ako matatakot ha, bakulaw?! Baka ikaw!" Mas lalo akog napahalakhak nang magtunog defensive siya.
"Weh? Talaga? O—kaaay! Sabi mo, eh," nakangising sambit ko. Pinaningkitan lamang niya ako ng mata at saka umirap kaya natatawa na lang akong napailing.
"Kailan po namin uumpisahan ang mission Headmistress?" Biglang tanong naman ni Klaireey kaya nabaling sa kaniya ang atensyon ng lahat.
Ang ganda talaga niya! Kamukhang kamukha niya siya.
"Oo nga pala, Klaire. Kaya mo bang sumama sa mission na 'to? Pwede mo namang tanggihan since hindi mo pa napapalabas ang element mo. 'Tsaka sobrang delikado nitong misyon na 'to," nag-aalalang sabi ni HM. Umiling iling naman si Klaireeey at saka ngumiti.
"Naku! Ayos lang po kung hindi ko pa napapalabas ang element ko. 'Tsaka okay lang naman din po sakin na sumama kesa maiwan ako dito ng walang ginagawa. Sa pagsama ko lang po na 'yon at pag nagkataon na makita namin yung book nakatulong na po ako at para na rin po mahasa ako," aniya habang nakangiti.
Waaaah!! Kuhang kuhang niya pati ang pag ngiti niya.
Ngumiti si Headmistress at saka tumango. Alam kong iniisip ni HM na kahit katapangan kuhang kuha ni Klaire sa kanya.
"Good to hear that. So, dahil natanong na rin ni Klaire kung kailan ninyo uumpisahan ang mission n'yo, we, the School Council and the Heads of other kingdoms decided na mas maaga mas maganda. Kaya nagdesisyon kami na bukas niyo na gagawin 'yong mission."
"Yes!" Sabay sabay na sigaw naming apat ni Zhia, ako, Cyclone at Zach. Lagi talaga kaming na-e-excite kapag may bagong mission na ipinapagawa sa amin.
"For now, mag impake na kayo ng gamit ninyo dahil mahaba habang lakbayin ang gagawin ninyo at baka months pa bago kayo makabalik dito, ayon sa calculations ko," saad ni Headmistress na ikinalaki ng aming mga mata.
"Months?!" Sabay-sabay na sigaw namin, except sa tatlo syempre.
Agad na napaawang ang labi ko dahil doon. Months? Ang tagal naman ata!
"Yes!" Nakangiting sagot ni Headmistress sa amin. Napasapo na lamang ako sa aking ulo at hindi makapaniwala. Gano'n din ang iba na tila hindi maproseso sa isip ang sinabi ni HM.
"So, go on! Mag impake na kayo!" Itinaboy na kami ni Headmistress sa office niya kaya napasimangot na lang ako.
Ang bad talaga niya!
"Guys! Ready for our exciting adventure tomorrow!" Sigaw ni Cyclone pagkalabas na pagkalabas ng office.
Inirapan ko siya bago siya binatukan. Lagi naman siyang ganiyan pag may mission na pinapagawa sa'ming Superiors, eh.
"Tss. Mag impake ka muna, ugok! Baka 'di ka makasama sa sobrang ka-excited-an mo," sabi ko at naglakad na paalis, hindi na pinansin pa ang gulat na gulat na itsura niya dahil sa ginawa kong pambabatok.
Book of Magistica... hmm... sounds mysterious and interesting.
Noon sa mga kwento ko lang 'yon naririnig pero ngayon, hahanapin na namin. I just wished na sana kami ang makahanap noon upang sa amin sumanib ang Prinsesa.
Sana...