HinovelDownload the book in the application

Chapter 16: Klaire

(Klaire’s POV)

Naiwan kaming nakatulala dahil sa sinabi ng itim na unicorn. What does he mean by that?

"Let's go," sabi ni Dash at nagsimula ng maglakad. Natauhan kaming lahat at sumunod sa kaniya.

Habang naglalakad ay bumibigat ang pakiramdam ko. May nararamdaman akong malakas na aura na nanggagaling sa baba nitong Mountain na 'to.

"Stop!" Biglang sigaw ni Zhia kaya napatigil kami.

"What? Why?" Nakakunot ang noo'ng tanong ni Cyclone.

"Shakira, pahinging face powder," ani Zhia habang nakalahad ang kamay kay Shakira.

"Zhia! Kung mag aayos ka lang pwede ba 'wag naman dito? We're on a mission!" Bulyaw sa kanya ni Cyclone na tila naiinis.

"Just shut up!" Nakakunot na rin ang noo ni Zhia dahil siguro kay Cyclone. Wala namang nagawa si Shakira kung hindi ibigay ang face powder niya kay Zhia. Mabilis iyong kinuha ni Zhia at binuksan. Napamaang na lamang kami lalong-lalo na si Shakira nang itapon ni Zhia ang laman nito sa lupa.

"Shit naman Zhia! Bakit mo itinapon?!" Galit na tanong ni Shakira. Inilagay ni Zhia ang kaniyang hintuturo sa kaniyang labi na tila pinatatahimik si Shakira.

"Just watch."

Tumahimik nga si Shakira kahit pa naiinis. Unti-unti, may naaaninag na kaming mga pulang guhit sa lupa na tila laser.

Gulat na gulat kaming lahat lalong lalo na si Shakira at Cyclone na parehas ng nakanganga.

"Kailangan lang nating iwasan ang lasers," ani Krey na siyang tinanguan namin.

Nagprisintang mauna si Zhia since Earth naman ang element niya kaya alam niya ang dapat daanan sa hindi. Sumunod na rin kami na sinusundan ang mga tinatapakan ni Zhia.

Umiiwas tapos yuyuko at minsan ay lalakihan ang hakbang para makaiwas sa mga lasers. Siguradong kung hindi namin ito maiiwasan ay may naghihintay na patibong sa amin.

"Grabe! Nakakapagod!" Sigaw ni Shakira nang matapos kami sa pagtawid sa mga lasers.

"We need to rest. Magpahinga muna tayo para may lakas tayo sa paghahanap ng libro," seryosong sabi ni Kaela.

Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi niya dahil kahit ako na walang ginagawa at sumasama lang sa kanila ay napagod din. Nagchant ng spell si Kaela at bigla na lang may lumitaw na bahay sa harap namin.

Waaaah! Ang ganda!

"Kyaaah!! Bet na bet ko talaga ang ginagawang bahay ni Kaela!" Tumatalon-talon si Shakira habang nakatingin doon kaya napatawa na lang kami.

"Tsk. Kung pumasok ka na lang kaya 'no?" Nang-aasar na sabi sa kaniya ni Cyclone kaya nagbangayan na naman sila. Natawa na lang ako sa kakulitan ng dalawa at hindi na sila pinansin pa. Sumunod na ako sa iba at pumasok sa loob.

Nakakamangha. Parang gano'n din sa dorm namin dahil nagpapalit palit ang design ng buong bahay ngunit mas maganda ito dahil sama sama ang kapangyarihan nila.

"Kumain muna tayo bago matulog."

Sumang-ayon kami sa sinabi ni Zhia dahil alam naming lahat na gutom na rin kami. Nagluto kaming dalawa ni Zhia ng sinigang na baboy na nakuha namin sa fridge. Hindi ko nga alam kung bakit may mga ingredients na do'n. Siguro ay nakasama noong ginawa ito ni Kaela.

Matapos naming kumain lahat ay si Shakira na ang nagvolunteer na maglilinis kaya umakyat na ako ng aking kwarto. Naglinis muna ako ng aking katawan bago nahiga.

Ipinikit ko na ang mga mata ko pero hindi ako makatulog. Nakailang palit na ako ng pwesto pero hindi pa rin maging komportable ang aking katawan sa higaan.

"Arrgh!"

Tumayo na ako dahil sa frustration na nararamdaman. Kahit anong gawin ko ay hindi pa rin ako madalaw ng antok!

Umalis ako sa pagkakahiga at naisipan kong lumabas ng bahay para maglakad-lakad muna nang sa gayon ay dalawin ako ng antok.

Patay na ang mga ilaw at tahimik na ang paligid kaya sa tingin ko ay tulugan na sila.

Buti pa sila.

Lumabas na ako ng bahay at malamig na gabi ang sumalubong sa akin. Sabagay, parang lagi namang gabi rito dahil laging madilim.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang isipin ang mga bagay na mangyayari sa'kin dito sa mundo ng mahika.

Ano nga kayang kapangyarihan ko? Meron ba talaga akong kapangyarihan?

Nabalik ako sa aking wisyo nang makarinig ako nang mga ungol ng hayop. Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar at nagulat na lang ako nang mapagtantong nakalayo na pala ako sa bahay. Hindi na maabot ng paningin ko ang bahay kaya mabilis akong tinubuan ng kaba sa dibdib.

Nagsimula na akong maglakad pabalik sa pinanggalingan ko pero nakailang minuto na akong naglalakad ay hindi ko pa rin makita ang bahay.

Nagsisimula ng dumagundong ng malakas ang puso ko dahil sa sobrang kaba. Isama pa ang pakiramdam na tila may nakamasid sa akin.

Umihip nang malakas ang hangin kaya napayakap ako sa aking sarili. Hindi ko na lang pinansin ang nararamdamang kaba at naglakad na muli. Ngunit nanigas ako sa aking kinatatayuan nang makarinig ako ng boses na tinatawag ang aking pangalan.

"Klaire... Klaire..."

Iyon ang huling narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free