Kinabukasan, nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock. Ginawa ko na ang morning rituals ko at pagkatapos ay bumaba. Nakita ko roon si Kaela na nakaupo na sa hapag habang nakatingin sa akin ng malamig.
Nakayuko akong lumapit sa kaniya at dahan dahang umupo sa harapan niya. Magkasama kami sa dorm dahil sabi niya ay dito muna raw siya pansamantala.
Nagsimula na kaming kumain ng tahimik at hanggang sa makatapos ay walang nagsasalita sa aming dalawa.
Pagkatapos noon ay umalis na kami sa bahay at nang makalayo layo na kami ay nilingon ko ang bahay at namangha ako dahil unti unti na muling nagiging invisible ang bahay namin.
Ang galing!
Nagpunta na kami sa room namin at nagulat at nagtaka ako dahil walo lang kami sa room kasama na ako.
"Kaela bakit walo lang tayo sa room?" Tanong ko sa kaniya. Umupo muna siya sa isang upuan malapit sa bintana kaya naupo na rin ako.
"Dahil tayo lang ang pinili ng puno," she simply answered. Napatango tango na lang ako at tinignan ang iba pang Superiors. Nakatingin sila samin ni Kaela at gulat na gulat ang reaksyon nila.
Nangunot ang noo ko dahil doon pero nang maalala ang sinabi ni Cyclone kahapon na hindi nakikipag-usap basta-basta si Kaela sa hindi niya kilala ay napatango na lamang ako sa isip.
Cold nga pala talaga 'tong si Kaela. Ewan ko kung anong nakain niya kahapon at hindi naman ganito ang pakikitungo niya sa akin.
"Klaaiirree!!" Sigaw ng isang nilalang sa maganda kong pangalan. Pagtingin ko, nakita ko si Cyclone na pawis na pawis. Bigla na lang parang may dumaang hangin sakin at agad na nawala ang butil ng pawis na nasa mukha ni Cyclone.
Oo nga pala. Air nga pala ang kapangyarihan nito.
"Problema mo?" Pagtataray ko sa kaniya pagkaupo niya sa tabi ko. Bale pinagigitnaan ako ni Kaela at Cyclone. Si Kaela sa may tabi ng bintana tapos ako tapos si Cyclone.
Akala yata niya ay nakalimutan ko na 'yong kahapon. Pft. Epic talaga ng mukha niya.
"Wala lang! HAHAHA! Gwapo ko talaga!" Mahanging sabi niya. Hindi ko alam kung nasaan ang connect sa sinabi niya. Paanong napunta bigla sa ang gwapo niya?
"Alam mo? Bagay na bagay talaga sayo ang kapangyarihan mo! May pagkamahangin ka rin eh no?" Nakahalukipkip na sabi ko at saka siya inirapan.
"Ito naman! Bakit hindi ba totoo?" Tanong niya at kumindat kindat pa. Napairap na naman ako sa ere dahil sa sinabi niya ngunit napatigil ang tingin ko sa isang lalaking may perfect na mukha!
Shet! Ang gwapo niya! Kahit cold ang itsura ng mukha niya gwapo pa rin!
Nagulat ako nang biglang tumingin sa direksyon ko si Mr. Cold Handsome Guy kaya naman mabilis kong iniiwas ang aking paningin. Grabe! Ang lamig ng tingin niya! Nakakapanlambot!
"Huy! Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Cyclone at saka ako kinulbit.
Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko kaya humarap ako kay Cyclone upang tanungin ang pangalan noong gwapong lalaki na malamig kung makatingin.
"A-anong pangalan no'ng lalaking malamig kung makatingin?" Bulong ko sa kaniya, nahihiya.
Agad namang napatingin si Cyclone kay Mr. Cold Handsome Guy kahit wala pa akong tinuturo kung sino iyong tinutukoy ko. Pagkatapos niya itong tingnan ay saka siya humalakhak nang malakas na naging dahilan ng pagtingin ng iba sa amin. Mabilis ko namang tinakpan ang bunganga ni Cyclone at awkward na ngumiti sa iba.
Nang bitawan ko si Cclone ay nakangisi na ito sa akin. "Si Dash? Bakit? Crush mo siya 'no? Ayiiiee!!" Mahinang sabi niya at sinusundot sundot pa ang aking tagiliran.
"Sshh," pagpapatahimik ko sa kaniya at saka tiningnan si Kaela na ngayon ay nakatingin lamang sa labas. "'Wag ka nga maingay," dugtong ko at saka siya pinalo sa kamay.
"Aray naman!" Daing niya saka nag-pout.
Hindi ko na lang siya pinansin at iniba ko na rin ang topic. Nagkwentuhan na lang kami ni Cyclone ng kung ano-ano nang bigla namang dumating ang isang teacher na sa tingin ko ay nasa late thirties.
"Good Morning Superiors!" Masiglang bati nito habang nakangiti.
Tatayo na sana ako upang bumati ngunit pinigilan ako ni Cyclone at saka sila sabay-sabay na bumati habang nakaupo.
"Good Morning, Ms. Cassy," they also greeted.
Inilibot ng nagngangalang Miss Cassy ang kaniyang tingin at tumigil iyon nang mapadako sa akin. Ngumiti muna siya at saka nagsalita.
"It looks like may napadagdag na isa sa inyo. Pwede ka bang magpakilala sa unahan, Miss?" She said while smiling. Tumango ako at dahan-dahang tumayo sa kinauupuan ko. Nakasunod ang tingin nila sa akin kaya mas lalo akong kinakabahan.
Nakakakaba ang tingin nilang lahat. Para ka nilang kinikilatis base pa lamang sa actions na ginagawa mo.
Nang makarating sa unahan ay pinilit ko ang sarili kong ngumiti at saka ako nagpakilala.
"Hi! I'm Klaire Hyannie Mendoza. 17 years old," maikling pagpapakilala ko sa sarili at akma ng aalis nang pigilan ako ni Miss Cassy.
"What's your power or element?" Tanong niya.
Ito na nga ba sinasabi ko. Hindi ko alam...
Ngumiti na lang ako sa kaniya ng pilit at saka umiling.
"Hindi ko pa po alam, kung meron man," i said. Napatingin naman ako sa iba pang Superiors na ngayon ay tila pinag-aaralan ako, ngunit natigil ang tingin ko kay Mr. Cold Handsome Guy na malamig na nakatingin sa akin.
"Oh!" Rinig kong gulat na sabi ni Miss. Inalis ko na ang pagkakatingin kay Mr. Cold Handsome Guy at naupo na uli ako sa upuan ko. Nagdiscuss naman na si Ms. Cassy ngunit habang nasa kalagitnaan siya ng pagdidiscuss niya ay nagulat ako nang biglang may nakipag usap sakin gamit ang isip.
'So you're calling me Mr. Cold Handsome Guy huh?' Sabi ng isang may malalim at malamig na boses. Inilibot ko ang aking paningin at napako ang paningin ko sa lalaking nakita ko kanina na tinawag kong Mr. Cold Handsome Guy na may maliit na ngiti sa labi.
Napagtanto kong siya iyon dahil tumingin siya sa akin ng ilang segundo habang nakangiti bago muling ibinalik sa unahan ang tingin ngunit bumalik na uli sa expresionless ang mukha niya.
Siya nga!
'H-ha? A-anong ibig mong sabihin?' Pagmamaang-maangan ko.
I heard him chuckled kaya napatitig ako sa kaniya. Expresionless ang mukha niya pero ang sexy ng tawa niya sa isip ko!
'Don't deny it lady. I read it from your mind,' aniya na siyang ikinagulat ko kaya wala sa sarili akong napapalo sa lamesa. Agad namang napatingin sa akin ang iba pati na rin ang dalawa kong katabi.
"A-ah hehe. Wala po. A-ano... may lamok sa lamesa kaya pinalo ko. Baka may dala silang dengue kaya mahirap na," I smiled awkwardly and made a peace sign. Tumango naman si Ms. Cassy at bumalik na uli sa pagtuturo. Ang iba naman ay bumalik na uli sa pakikinig ngunit halata namang boring na boring na sila sa sinasabi ni Miss.
'Hahaha! You're cute.' Natatawang sabi ni Mr. Cold Handsome Guy sa aking isip. Muntik na akong manlambot dahil sa narinig na pagtawa niya. Tiningnan ko muli siya at kitang kita ng dalawang mata ko ang ginawa niyang pagkagat ng labi upang mapigilan ang kaniyang pagtawa.
'Che!' Nasabi ko na lang upang maitago ang kilig ko.
Hindi ko inakalang makakausap ko ang lalaking matigas pa sa bato ang eskpresyon!
I'm so lucky!