*at cafeteria*
"Hi, Dash baby!"
Habang kumakain kami ay may biglang lumapit sa table namin na isang babae at pagkatapos ay lumingkis kay Dash. Si Dash naman, poker face lang at cold pa rin ang mukha. Wala talaga siyang pakialam sa paligid niya.
"Get off me or I will burn you to ashes," malamig na sabi ni Dash habang patuloy pa ring kumakain. Napasimangot naman iyong babae at mabilis na umalis sa pagkakalingkis kay Dash.
"Ito naman! Hindi ka na mabiro!" Ani ng babae at saka tumawa na parang hindi siya pinagbantaan ni Dash. Pinagmasdan ko ito mula ulo hanggang paa. She's beautiful. Matangkad din siya, maputi, mahaba ang kulay itim na itim na buhok at makinis. Bagay sa kaniya ang kulay gray na uniform dahil nagcocompliment ito sa kaputian niya. Mukha tuloy siyang model ng school.
Pagkatapos ko siyang tingnan ay si Dash naman ang tiningnan ko na walang pakialam na nagpapatuloy sa pag-kain. Guwapo siya. Nakadagdag sa kagwapuhan niya ang tila patay na mga mata niya dahil sa kawalan ng emosyon. Moreno naman siya at may katamtamang laki rin ng katawan. Bumagay sa kaniya ang uniform ng Magistic Academy para sa Superiors. Matangkad siya kaya lalong nakalakas ng appeal niya iyon.
Maganda naman itong babae? Bakit ayaw ni Dash sa kaniya?
"Get lost Sabrina! Pwede ba? Umalis ka na nga dito!" Nabalik lang ako sa reyalidad nang biglang nagsalita si Shakira na tila asar na asar na makita ang babaeng nasa harapan namin.
Tiningnan naman ni Sabrina si Shakira at saka ito inirapan.
"I just want to be with my baby!" Maktol na sabi nito at saka ngumuso. Mukha siyang anghel na naka-pout.
Maganda siya as in. Hindi ko lang alam kung bakit naghahabol siya kay Dash.
"Shut the fuck up, Sabrina! Can't you see? Ayaw sa'yo ng tao but you keep on pushing yourself. Sayang ang ganda mo, girl," inis na sabi naman ni Zhia. Napatigil si Sabrina sa pagmamaktol at tila natauhan sa sinabi ni Zhia. Napansin ko ang unti-unting pamumuo ng luha sa mata niya ngunit bago pa man iyon tumulo ay mabilis na niya kaming tinalikuran.
Sinundan ko naman ito ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Bumalik na muli sa pag-kain ang iba na parang walang nangyari.
"Sino siya?" Tanong ko.
"A piece of shit," si Kaela ang sumagot. Natahimik naman ako dahil sa sinabi niya. Ang harsh naman ni Kaela. Nakakatakot...
Ipinagpatuloy ko na lamang ang pag-kain ko habang nag-iisip nang malalim.
Nagulat na lang ako nang biglang may humawak sa balikat ko kaya dahil sa bilis ng reflexes ko ay agad ko siyang nasampal.
"Aww! Ang sakit no'n, ah! Klaireey ang dami mo ng utang na sampal at hampas sakin, ah! Isama mo na pati ang pagbatok mo! Kaya ang parusa ko sa'yo at para na rin kabayaran mo, kiss me!" Ani Cyclone at saka ngumuso.
"Shut up, Cyclone!" Sabi naman ni Shakira at hinampas si Cyclone sa braso.
Humarap naman si Shakira sa'kin para ako ang kausapin.
"Klaireey pagpasensyahan mo na 'tong ugok na 'to ha?" Aniya at saka napatawa. Napatawa na rin ako at tinanguan siya.
"Anong sabi mo, bakulaw?!" Sigaw ni Cyclone kaya napatawa kami. Nanlalaki kasi ang ilong at mata niya kaya nagmumukha siyang kwago.
"Mukha kang kwago, Cyclone," tawang tawang sabi ko kaya lalong lumaki ang mata at ilong niya.
"Ano?!"
Nagtawanan kaming lahat except do'n sa tatlong expressionless na tinalo pa ang bato sa sobrang tigas ng ekspresyon. Sino pa ba? Edi si Kaela, si Krey at si Dash!
Ramdam ko ang tinginan ng nga estudyante sa amin dahil sa lakas ng mga tawanan namin. Isama pa ang katotohanang nasa Superiors kami kaya talagang takaw atensyon.
Nagtaka na lang kaming lima nang bigla na lang tumayo 'yong tatlong walang ekspresyon at umalis.
Saan sila pupunta?
Ilang minuto lang ay biglang tumayo si Zhia habng nagmamaktol
"Omg! Ang daya talaga nila!" Pumapadyak na umalis si Zhia kaya nagtataka namin itong sinundan ng tingin.
Maya-maya pa ay mabilis ding tumayo si Shakira at Zach, at kagaya ni Zhia ay nagmamaktol din ang mga ito.
"Ohmygosh! Ohmygosh! Hindi man lang nila pinaalala!" Parang batang sabi ni Shakira habang aligaga.
"Aish! Tara na nga! Lagot tayo nito, eh!" Ani Zack at pagkatapos ay umalis na rin sila. Kami na lang dalawa ni Cyclone ang natira na parehas nagtataka sa ginawa ng mga kasama. Parang may pumitik sa isip ko kaya mabilis akong napatayo kasabay ni Cyclone.
"'Yon!" Sabay na sigaw namin ni Cyclone. May pa-suntok pa sa ere si Cyclone nang maalala ang bagay na iyon. Mga walang'ya! 'Di man lang pinaalalang pinapatawag nga pala kami ni Headmistress! Aish!
"Bakit hindi mo pinaalala?!" Sigaw ko kay Cyclone. Maraming tumingin na estudyante sa gawi namin dahil sa ginawa kong pagsigaw at mukhang nagulat pa sila ng makitang si Cyclone ang sinigawan ko.
"Hindi ko rin naalala eh," kumakamot sa batok na sagot ni Cyclone.
"Aish! Tara na nga!" Nagmartsa na ako paalis sa cafeteria at naramdaman ko namang sumunod si Cyclone kaya nagtungo na kami patungo sa Headmistress' Office.
Pagkarating namin sa harap ng office ay agad akong kumatok sa pinto.
"Come in," rinig kong sigaw sa loob. Binuksan ko ang pinto at pumasok na kami ni Cyclone sa loob ng office. Nakita namin do'n ang ibang Superiors na prenteng nakaupo. Si Zhia at Shakira ay nakapeace sign at 'yong tatlong walang ekspresyon ay parang bored na bored. Si Zach naman ay may kinukutingting na libro sa isang tabi.
Umupo na lang kaming dalawa ni Cyclone sa isa pang mahabang sofa bago nagsimulang magsalita si Headmistress.
"So, dahil nandito na kayong lahat na Superiors, I have something to tell you," panimula nito
"What is it, Headmistress?" Excited na tanong ni Shakira. Ngumiti naman si Headmistress at sinagot ang tanong ni Shakira na labis na nagpakaba sa akin.
"You have a mission."