HinovelDownload the book in the application

Chapter 08: Mediocre

(Klaire’s POV)

Pagkatapos sabihin sa akin ni Kaela kung saan pwedeng kumain ay umalis na ako sa bahay para simulan ng hanapin ang cafeteria.

Hindi ko alam kung saan na ako napadpad dahil sa sobrang laki ng school na 'to. Habang naglalakad ay napapansin ko rin ang mga estudyanteng nag-bo-bow sa tuwing dadaan ako.

Anong meron?

Agad akong napaurong nang mabunggo ako sa kasalubong ko na babae. Hindi ko napansin na hindi na pala ako nakatingin sa dinaraanan ko.

"Shit! Look what you've done!"

Nakatingin siya sa damit niya na tila gulat na gulat kaya napatingin din ako do'n. Nakita kong ang kulay gray na damit niya ay may kulay orange na ngayon.

Uh ow. This is trouble.

"Sorry miss. Hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko. Sorry." I bowed my head as a sign of sincerity.

Galit siyang tumingin sakin galing sa pagkakayuko pero ang ikinagulat ko ay ang pag-guhit ng gulat na ekspresyon sa mukha nya.

"B-bakit po?" I asked, baffled because of her reaction.

"S-sorry! H-hindi ko po sinasadya. Hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko," she apologized suddenly. Agad na nawala ang nagtataka kong ekspresyon nang bigla na lamang siyang lumuhod habang nakayuko.

Teka...

Anong nangyayari dito?! Bakit kanina galit na galit siya sa akin tapos ngayon nang nakita niya ang mukha ko bigla na siyang nagkaganyan?

"Ha? T-teka a-anong ginagawa mo? Tumayo ka diyan miss," natatarantang sabi ko at saka siya tinulungang makatayo. Pero mas lalo akong nagulat nang makitang sunod-sunod na tumutulo ang luha galing sa kaniyang mga mata.

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil wala naman akong dalang panyo. Hindi ko rin alam kung hahawakan ko ba siya para aluin o ano. Pero habang natataranta ako ay nakarinig na lamang ako ng bulung-bulungan galing sa mga estudyante sa paligid.

"Woah. First time ni Erissa umiyak ah. Natakot siguro kasi Superior na 'yong kaharap niya. Tsk. Buti nga sa kanya."

"Superior lang pala ang kahinaan niyang bitch na 'yan eh. HAHAHA! Loser."

"That's what you get, bitch. Hindi kasi alamin kung sinong kinakalaban eh."

"Hindi naman sobrang sama ni Erissa eh."

"Mapanghusga lang kasi talaga 'yong ibang tao. Akala nila porket masama ang isang tao eh masama na talaga. Malay mo may pinagdadaanan si bitch este si Erissa tapos dinadaan niya na lang sa pang bubully para 'di siya masabihang weak."

Napatingin ako sa huling nagsalita. Nakita kong parang nagulat siya dahil sa biglaan kong pagtingin.

Ngumiti ako sa kanya dahil sa narinig ko. Mas lalo siyang nagulat dahil sa biglaan kong pag ngiti sa kanya pero kalaunan ay ibinalik niya naman sa akin iyon.

Tama siya. Siguro nga may pinagdadaanan 'tong si Erissa kaya siya umiyak at ang ginawa niya lang dahilan ay ang nangyari ngayon.

"Why are you crying miss?" Tanong ko rito.

"W-wala po 'to. Dahil lang po 'to sa ginawa ko. Pasensya na po sa inasal ko," she replied.

I sighed

"Come." I walked out from the crowd and I felt her followed me kaya nagpatuloy ako.

Napadpad kami sa field na kasalukuyang walang tao. Nang makakita ako ng isang bench sa malapit ay pumunta ako roon at naupo. Tinapik ko naman ang space sa tabi ko para sabihin sa kaniyang umupo rin siya. Sinunod naman niya ako kahit pa naguguluhan.

"B-bakit nyo po ako dinala rito? Bawal po kaming sumama sa kahit na sino sa member ng Superiors at nasa rules po 'yon," she uttered, panicking.

I just smiled at her and shrugged. "It's okay. Ako naman ang nagsama sayo kaya ako ang mapaparusahan kung may parusa man."

Teka? Anong nangyayari sa akin? Parang kanina lang tinatakbuhan ko si Miss Castro tapos ngayon nagiging mabait na ako? Ganito ba ang epekto 'pag pumasok ka sa paaralan na 'to?

Pero komportable ako dito.

"So, tell me. What's your problem?"

I felt her stiffened from her seat na tila nagulat sa sinabi ko.

"Problema? W-wala po," aniya nang nakayuko.

"Erissa, don't deny it. Alam ko meron."

Mas lalo siyang nagulat dahil sa pagbanggit ko sa pangalan niya.

"A-alam n'yo ang pangalan ko? H-how?" She asked, puzzled.

"Hindi na mahalaga kung paano ko 'yon nalaman. Ang mahalaga rito ay mailabas mo kung ano 'yang bigat na dinadala mo sa dibdib mo."

She sighed. Unti-unti ay may namumuo na namang luha sa kaniyang mga mata.

"Tell me. Anong problema ang dinadala mo? Don't worry, I'll listen." I tapped her shoulders para malaman niyang nandito lang ako at makikinig. Dahil sa ginawa at sinabi kong iyon ay mas lalo siyang napahagulhol.

"I felt useless... walang nagmamahal sakin. Lahat ng tao ayaw sakin. Sabi nila ang sama raw ng ugali ko. Sabi nila ang selfish ko daw. At kahit ang mga magulang ko sinasabi 'yon! Pero... ang gusto ko lang naman ay ma-prove ko ang sarili ko sa kanila. Hindi ba nila alam na tao rin ako at nasasaktan? Hindi ba nila alam na sa bawat masasamang ginagawa ko eh konsensya ang binibigay nito sakin? Hindi nila alam ang nararamdaman ko dahil wala naman silang pakialam. Hindi nila nakikita ang worth ko. They're just seeing the bad side of me. Bakit... bakit hindi nila tingnan ang mga nagagawa kong mabuti? Gusto ko ng i-give up ang buhay ko... A-ang hirap maging mahina," she cried.

Parang kinurot ang puso ko dahil sa sinabi ni Erissa. Kahit kailan sa buhay ko ay hindi ko naramdamang hindi ako mahal ng mga magulang na kumupkop sa akin. Lagi nilang pinaparamdam sa akin na mahal nila ako.

I felt bad for her...

"Erissa, it's not bad to become weak. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay lagi ka na lang malakas. Minsan may kahinaan rin ang malalakas na katulad mo. Parang sa isang labanan, hindi naman pu-pwedeng laban ka lang nang laban at sugod ka lang nang sugod. Kailangan mo rin ng pahinga," hinawakan ko ang dalawang balikat niya at tiningnan siya sa mata, "gusto mong mapatunayan ang sarili mo sa kanila pero dahil sa gusto mong 'yon nakakalimutan mo na ang ibang taong nakapaligid sa'yo. Change for the better Erissa. Kung alam mo kung anong tama do'n ka. And don't try to give up. Because giving up means you have not enough courage to face the problems you are facing right now."

Isang luha ang pumatak sa mga mata niya ng may kasamang isang matamis na ngiti.

"Thank you. You don't know how much your words helped me a lot," aniya.

I smiled. "Just call me Klaire."

Ngumiti rin siya at saka ako tinanguan.

"Erissa!"

Napatingin kaming dalawa sa dalawang babaeng dumating na hingal na hingal at hinahabol ang paghinga.

"Jayrelle? Sheira?"

Tumayo si Erissa at saka sinalubong ang dalawa.

"Erissa, sorry! Patawarin mo kami sa ginawa namin. Alam na naming hindi ikaw ang may gawa no'n kay Keisha. Patawarin mo sana kami sa mga masasamang ginawa at sinabi namin sayo. Sorry bes!" Ani noong tinawag niyang Jayrelle.

"Oo nga. Give us another chance please?" Segunda naman ni Sheira.

Ngumiti si Erissa sa dalawa at saka sila niyakap. "Forgiven," she said, still hugging the two.

"Yes!" Sabay na sabi ng dalawa nang kumalas si Erissa mula sa yakap. "Tara na sa clinic! Gising na si Keisha at hinahanap ka niya! Tara na dali!" Excited na sabi naman ni Sheira.

"Talaga? Sige tara!"

Tumingin siya sakin kaya tumango ako at ngumiti. Nakita kong tumingin din ang kasamahan niya sakin at nagulat sila dahil sa damit ko.

"Miss Superior," the two said and bowed their heads. Nakangiti akong umiling sa kanila para malaman nilang hindi na kailangan ng pag-yuko. Tumunghay rin naman sila pagkatapos.

"Go on. Puntahan nyo na ang kaibigan nyo. I'm sure kanina pa siyang naghihintay sa inyo."

"S-sige po," they said.

"Tara na!" Excited na sabi ni Erissa kaya tumakbo na sila palayo sakin. Pero hindi pa man nakakalayo si Erissa ay tumigil ito sa pagtakbo at humarap sakin and she mouthed 'Thank you'. I just nod at her with a bright smile. Tumalikod na uli sya at hinabol ang mga kasama nya.

Napabuntong hininga ako at saka napaupo. Sobrang saya ko dahil may natulungan ako kahit ngayon lang ako nakarating dito.

Ilang minuto lamang akong umupo ay agad na rin akong umalis sa field at naglakad lakad na uli sa Academy.

Nawala na tuloy ang gutom ko.

Hindi ko namalayang napadpad na pala ako sa tingin ko ay garden ng Academy.

Umupo ako sa bench na nakita ko at nagmuni-muni.

This place is the place I wanted. Nakakakalma ng sistema.

"Sana maging maayos na ang buhay ko rito. Mama, papa alam kong binabantayan niyo ako r'yan sa langit, sana masaya kayo dahil nahanap ko na ang lugar na dapat sa katulad ko. Pero bakit niyo po itinago ang katotohanang may kapangyarihan ako? May kapangyarihan din po ba kayo?" Pagkausap ko sa hangin.

Hindi ko sinabi kay Kaela na namatay na ang parents ko dahil ayaw kong kinakaawaan ako. Kaya rin pangalan ng mga magulang ko ang inilagay ko sa form ko ay dahil sa kagustuhan na rin nina Sister Jane pati ng aking mga magulang. Gusto nilang sila pa rin ang inilalagay kong magulang sa mga forms.

Sina Sister Jane na ang sumunod na nag-alaga sa akin matapos mamatay nina Mama. Mas tumingala ako dahil sa nagbabadyang luha.

Gulat akong napatayo at mabilis na nawala ang luha sa mata ko nang bigla na lamang may nahulog galing sa puno.

"Aww!" Daing niya dahil sa bato ata tumama ang kaniyang kamay. Mabilis ko siyang nilapitan at tinanong.

"Are you okay?"

Napatingin naman siya sakin at biglang nanlaki ang mata niya na parang gulat na gulat nang makita ako.

"I-ikaw," he stuttered. Tinuro niya ako habang nanlalaki ang mata kaya nagtataka ko naman siyang tiningnan.

"Bakit po? Anong meron sakin?" Tanong ko na naging dahilan ng pagbabago ng kaniyang ekspresyon. Para itong bigo...

"Ha? Ah eh ikaw! Oo ikaw yung hindi pamilyar na mukha na nakita ko noong isang araw," aniya na siyang pinagtakhan ko.

Isang araw? Kakapasok ko lang ngayon, e.

"Po? Pero kakanina lang ako nakarating dito," natatawang sabi ko na lang.

Agad siyang namutla at hindi mapakali sa kinatatayuan niya. Gwapo sana siya pero mukha siyang natatae.

"Natatae ka ba? Bakit parang di ka mapakali sa kinatatayuan mo?"

Mabilis naman siyang umiling na sinabayan pa ng kaniyang kamay.

"No! Hindi ako natatae no! A-ano... kasi... wala! Ano palang pangalan mo?" Pag-iiba niya ng topic. Hindi ko na lang pinansin ang reaksyon niya at in-stretch ko ang kamay ko para makipag shake hands sa kaniya at makapagpakilala.

"I'm Klaire Hyannie Mendoza. I'm 17 at kakapasok ko lang dito kanina," I introduced.

Kinuha niga ang kamay ko at saka naman siya nagpakilala ng sarili.

"I'm Cyclone Walker. And my element is Air. Yours?" Tanong niya at bumitaw na kami ng kamay bago ko sinagot ang kaniyang tanong.

"Ah actually hindi ko pa alam eh. Ngayon ko lang din nalaman kay Kaela na may iba pala akong kakayahan kagaya ninyo," sabi ko.

Nangunot naman ang noo ko nang makita ko kung paano siya napalunok at nanlaki ang mata.

"S-si Kaela? Nakausap mo siya?!"

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free