HinovelDownload the book in the application

Chapter 15: Not Just A Book

(Zhia’s POV)

Matapos ang labanang nangyari sa amin 'tsaka do'n sa mga nakakairitang mga halaman ay umalis na agad kami sa lugar na iyon at nagpatuloy sa paglalakad.

"Are we there yet?" Tanong ni Cyclone. Actually pangsampu na ata niyang tanong 'yan.

"Not yet," bagot na sagot ni Krey. Sa kanilang tatlo ay si Krey lamang talaga ang sumasagot ng ayos kahit parang tamad na tamad ito magsalita.

Tumango tango si Cyclone at nagpatuloy sa paglalakad. Napaface palm na lang ako sa isip nang pagkaraan ng ilang minuto ay umimik na naman siya.

"Are we there yet?"

"Sheez! Cyclone shut up!" Hindi na nakatiis si Shakira at binulyawan na si Cyclone. Agad namang napanguso si Cyclone na parang bata.

"Eh! Napapagod na kaya ak—" hindi na natuloy ni Cyclone ang sasabihin niya nang biglang tumigil 'yong tatlo at pinatahimik siya.

Anong meron?

"Bakit? Anong meron?" Isinaboses na ni Zach ang nasa isip ko.

"I think someone is following us," ani Kaela. Mabilis kong inalerto ang aking sarili at pinakiramdaman ang paligid, kagaya nila. Nangunot naman ang noo ko nang may maramdamang kakaibang aura sa paligid.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar ngunit hindi ko maaninag ng husto ang paligid. Madilim ang lugar dahil wala namang liwanag na tunatama rito. Nakakarinig na rin ako ng pag-ungol ng mga hayop na nakakadagdag ng kaba sa dibdib ko.

'Ramdam niyo 'yon?' Tanong ni Shakira sa amin gamit ang isip. Um-oo naman kami at mas inalerto ang mga sarili sa maaaring mangyari.

'Be alert,' Dash ordered. Inihanda namin ang aming mga sarili habang nakatalikod sa isa't isa na parang gumagawa ng bilog. Si Dash ang Team Captain sa mission at ang Leader namin kaya agad naming sinusunod ang mga utos niya. Afterall, hindi naman siya mag-uutos ng ikapapahamak namin. He's a good leader.

May narinig kaming kaluskos sa paligid kaya mas tumalas ang senses ko. May nararamdaman akong pares ng mga mata na nakatingin sa direksyon namin kaya lalo kong inihanda ang pagpapalabas ng aking element.

Ang creepy.

Tumahimik ang paligid at nawala ang kaluskos. Mas lalong nakadagdag sa tensyon ang katahimikan. Magkakadikit na kaming walo at wala ni isang nagsasalita. Malikot ang aking mata at inililibot ang buong tingin sa buong lugar pero halos mabato ako sa kinatatayuan ko nang may biglang nagsalita.

"SINO KAYO?!" Nakakapangilabot at nakakataas ng lahat ng balahibo sa katawan ang boses na iyon na tila nanggaling pa sa kailaliman ng lupa. Nahigit ko ang paghinga ko dahil doon.

"We're here to find the Book of Magistica." Si Dash na ang sumagot dahil mukhang hindi ito natatakot sa nilalang na hindi pa namin nakikita.

"HAHAHA! AKALA NYO BA IBIBIGAY KO ITO SA INYO?!" The unseen creature said. Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit? Nasa iyo ba ang librong iyon?" Mataray na tanong ko rito, tuluyan ng nakarecover sa pagkatakot sa nilalang na kausap.

"HANGAL!" Anito at may bigla na lamang lumabas mula sa isang patay na puno. Nagulat kami nang makita ang isang nakakatakot na nilalang.

Isa itong kulay itim na unicorn at ang buntot niya ay tila usok na itim. Itim na itim rin ang mata niya na parang pag tiningnan mo ay nang-hihipnotismo.

"Just tell us where the Book of Magistica is," bagot na sabi ni Krey. Mukhang hindi ata natakot yung tatlo dito sa unicorn.

Ang creepy kaya!

"I'll tell you where the Book of Magistica when you give that girl to me," the unicorn said then pointed his horn to Klaire's direction.

Agad na nalaki ang aking mata dahil sa sinabi nito kaya mabilis kong iniharang ang aking sarili kay Klaire.

"No! Magkakamatay muna tayo bago mangyari iyon!" Sigaw ko rito na tinawanan niya.

"Ano? Hindi ninyo ba ibibigay ang babaeng iyan sa akin? Mukha naman siyang mahina kaya paniguradong hindi iyon kawalan sa inyo kapalit ng libro ng Magistica." The unicorn smirked. I clenched my fist because of its statement.

How dare this creature belittle Klaire?!

Handa ko na sana itong sagutin bago sugurin nang magsalita si Dash.

"No. We will never give her to you." Mariin ang pagkakasabi ni Dash na tila pinipigilan ang sariling mawapan ng pasensya. Tumawa nang mas malakas ang unicorn at nag-echo pa ang tawa nito sa buong lugar. Unti-unti ay humupa na rin ang tawa nito bago muling nagsalita.

"You've passed the test," seryosong sabi nito at unti-unting naglaho. Pero bago iyon ay sinabi niya ang isang kataga na nag-iwan ng isang malaking tanong sa aming isipan.

"It's not just a Book."

Naiwan kaming nakatanga at nagtataka dahil sa mga huling sinabi niya.

A-anong...

Anong ibig sabihin niya roon?

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free