HinovelDownload the book in the application

Chapter 04: Magistic Academy

When the blinding light disappeared, I slowly opened my eyes to see what happened. I gaped because of the sudden changes in my clothes.

Nag-iba ang damit ko at naging kulay puti itong bestida na may 1 inch above the knee ang haba at may linings ng gold. May metal na gold na nakakabit sa may gilid ng dibdib at may nakaukit itong pangalan na pa-curve. Binasa ko ito at Magistic Academy ang nakasulat na sa tingin ko ay pangalan ng school nila. Sa baba ay nakasulat ang Superiors na sa tingin ko ay sections nila. May nakaukit din na sa tingin ko naman ay logo ng school nila. Dalawang lion na magkaharap at sa unahan nito ay may naka-ekis na dalawang espada.

Nang matapos kong masuri ang nangyaring pagbabago sa damit ko at mangha akong napatingin sa babae na ngayon ay nakatingin pala sa akin na pakiwari ko ay kanina pa ako pinagmamasdan. Nakangiti rin siya na parang sinasabing tama ang mga sinabi niya sa akin kanina.

"See? Hindi ka isang ordinaryong tao. May kapangyarihan ka rin dahil nag-iba ang damit mo. Sa tuwing may pumapasok dito na mga estudyante nag- iiba rin ang kulay ng damit nila at ang damit nilang yun ay nakabase sa magiging section nila sa Academy," paliwanag niya. "Kulay itim ang damit kapag sa Lowercritus ka. Kulay gray kung sa Mediocris at puti kung sa Superiors. May nakaukit din naman sa metal na nasa school uniforms natin at sa Superiors ka nga. Well, magkaklase pala tayo. I wonder kung anong kapangyarihan mo," dugtong niya.

Napatingin ako sa damit niya at nakitang kulay puti nga ito. Bagay na bagay sa kan'yang maputing balat.

Inilibot ko ang paningin sa kinatatayuan namin at saka siya tinanong. "Kung ito ang daan papuntang Academy, paano?"

I looked around the whole area, searching for any possible portals but she only laughed because of my actions.

"Dito lang sa loob ng bilog pwedeng mag cast ng spell para makapaggawa ng portal papuntang Academy," she said, smiling.

Napatango-tango na lamang ako sa sinabi niya at siya naman ay pumikit na tila nag-co-concentrate. Siguro ay gagawa siya ng portal.

Hindi nga ako nagkamali dahil may sinabi siyang mga salita habang nakabukas ang palad.

"Alora Porta!"

Nagkaroon ng liwanag sa kamay niya at tumama iyon sa may katawan ng puno. Pagkatama noong liwanag sa puno ay siya namang pagkakaroon ng kulay violet na portal.

Napamaang ako dahil doon at naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.

Humarap sa akin ang babae at tahimik na hinawakan ang kamay ko bago niya ako mabilis na hinila hanggang sa makapasok na kami sa loob ng portal na ginawa n'ya. 

Napapikit ako nang mariin nang maramdamang tila bumabaliktad ang sikmura ko. Parang hinahalukay ang mga lamang-loob ko dahil doon at pakiramdam ko rin ay umiikot ang aking buong paligid. Hindi ko gusto ang pakiramdam na iyon dahil tila lalabas ang lahat ng lamang loob ko sa katawan.

Wala pang ilang segundo ay nawala na iyong masamang pakiramdam ko at naramdaman kong bumagsak ako sa lupa. Pagmulat ko ng aking mata ay napasimangot ako dahil nakatayo iyong babae samantalang ako ay muntik ng makahalikan ang lupa. Tss.

Nakasimangot akong tumayo at pinagpagan ang aking damit. Unang araw ko pa lang ay magdudumi na agad ang aking damit. Puti pa naman...

"Welcome to Magistic Academy, the school where Magics truly exists," she said while looking in front of her.

Pagkatapos ko sa pagpapagpag ko ng aking damit ay tiningnan ko na rin ang kaniyang tinitingnan at halos mapamaang ako dahil sa nakita.

There is a huge gate in front of us. Nakakalula!

Maganda ito at hindi mo aakalaing school dahil dinaig pa nito ang mga palasyo sa ibang bansa!

"Woah!" Amusement was written all over my face. Pakiramdam ko rin ay tutulo na ang laway ko dahil sa mangha kaya naman agad kong itinikom ang aking bibig na ngayon ay naka-nganga

'Magistic Academy: School of Magic' basa ko sa aking isip sa nakaarkong mga letra na nakalutang at nag-go-glow. May parang glitter pa na kumikislap kislap na siyang nagpadagdag sa ganda nito!

"Let's go!" Biglang sabi ng babaeng aking kasama at hinawakan na naman ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob.

Teka, kanina pa 'tong hawak ng hawak sa kamay ko. Tibo ba siya? 

"Hindi ako tomboy," she said. I stopped walking and so as she. Paano nya nalaman ang nasa isip ko?

"I can read your mind," she smirked. My jaw automatically dropped again because of her remark. I took a step backward, feeling the beat of my heart.

"You're invading my privacy!" I exclaimed but she only laughed at me! Kung ano-ano pa naman ang laman ng utak ko! 

She, again, grabbed my hand so we could continue walking. Pumasok na kami sa loob ng gate na automatic na nag-bukas nang tumapat iyong babae sa gate nito. Nang makapasok kami sa loob ay pansin na pansin agad ang mga estudyanteng naglalakad na napapatingin sa amin at mabilis na nag-bo-bow.

O—kay? What was that?

"Don't mind them," she whispered. Tumango na lamang ako at hindi na pinansin pa ang weird na ginagawa ng mga estudyanteng nakakasalubong namin.

Dumiretso kami sa Headmistress' office para daw makapag-enroll na ako dahil simula daw ngayon ay dito na sa Magistic Academy ako papasok.

The thought of staying here saddens me. I know, I should be grateful dahil isa ako sa mga nabiyayaan ng kakaibang kakayahan. Pero, paano iyong buhay ko sa labas? Sina Sister Jane? Paniguradong nag-aalala na ang mga iyon sa akin. Paano kung... paano kung wala pala akong kapangyarihan? Tapos nagkamali lang ang puno?

Pero mukha naman na hindi pa nagkakamali ang punong iyon.

Palihim kong inilibot ang aking tingin sa buong lugar. Malawak ang loob nito at maraming puno at halaman ang pumapalibot sa bawat buildings na nakatayo, pero, may shape ang mga ito na tila laging pinapangalagaan. Buhay na buhay ang buong school marahil ay dahil sa mga estudyanteng masayang nakikipagkwentuhan sa kanilang mga kakilala.

Ito na siguro ang magiging bago kong buhay. Dito ko na siguro mahahanap iyong matagal ko ng hinahanap na puwang sa puso ko.

I sighed as I mentally smiled. "This is it," I whispered at the back of my mind.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free