HinovelDownload the book in the application

Chapter 21: A Demon Inside

(Shakira’s POV)

Nakakainis na talaga si Klaire. Hindi na siya iyong dating mabait na Klaire na nakilala namin. Nag-iba na siya. Nag-iba na ang ugali niya.

"Hoy, Shakira! Sabi ng ikuha mo na ako ng pagkain eh! Bakit ba ang tagal tagal mo?! Gutom na ako!"

Napapikit ako nang mariin dahil sa sinabi ni Klaire. Nasa sala siya samantalang nasa kusina ako ngayon at nag-iisip kung lalagyan ko ba ng lason ang pagkain niya o hindi.

Sa huli ay napairap na lang ako sa hangin dahil sa naiisip pati na sa inis na nararamdaman.

Hindi pa kami umaalis sa lugar na ito. Magtatalong linggo na kami rito at still hindi pa rin namin nahahanap ang Book of Magistica. Ang tatlong expresionless 'yong naghahanap at kaming tira ay nandito sa bahay. Ewan ko ba do'n sa tatlong 'yon at ayaw pang umalis dito 'tsaka ayaw kaming isama sa tuwing naghahanap ng book? Ayoko na rito sa bahay na 'to kasama ang feeling reyna na kasama namin. Kaasar!

"Ito na po!" Sigaw ko pabalik, naiinis.

"Bilisan mo!"

Napairap na naman ako sa isinigaw niya. She really changed.

Dinala ko na ang tray ng pagkain at padabog na inilapag sa table na kaharap niya.

"Bakit ba ang tagal tagal mo?!" Bulyaw niya sakin. Napamaang ako at saka siya tinaasan ng kilay.

Ang kapal naman ng mukha nito!

"Eh bakit ba ang bossy bossy mo?!" Sigaw na pabalik ko sa kanya. Parang nakita kong biglang nag iba ang kulay ng mata niya at naging purong itim ito pero sandali lang 'yon at nawala rin agad. Huminga siya nang malalim at saka ngumiti. Tsk. Plastik!

"Sorry okay? Sige na bumalik ka na sa trabaho mo." Ngayon ay mahinhin ang pagkakasabi niya na tila hindi ako sinigaw-sigawan kanina.

Aba't talaga nga naman! Anong trabaho? Ang Prinsesa ng Light Palace, inuutos-utusan lang niya?!

"Anong sinasabi mong trabaho dyan?! Hoy 'wag kang feeling reyna dito Klaire! Nasa misyon tayo at wala sa palasyo!" Sigaw ko sa kanya dahil sa inis.

Nagtaka naman ako nang biglang may namuong luha galing sa mga mata niya at pagkaraan ay bigla na lang siyang humagulhol sa pag iyak. Argh! Ano na naman bang kaartehan 'to?!

"Anong iniiyak iyak mo dyan?!" Nagtataka ngunit pagalit na tanong ko sa kanya pero tanging pagsinghot lang niya ang narinig ko.

Natuod ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni Dash mula sa aking likuran.

"What did you do, Shakira?" Malamig ngunit may riin ang pagkakasabi nito.

Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang walang buhay niyang mata na nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng konting takot pero agad ko iyong iwinaksi dahil sa asar na bruhildang babaeng 'to na ngayon ay mas lumalakas ang pag-iyak.

"Bakit ako?! Eh siya nga itong utos ng utos! Akala mo naman kung sinong reyna! Duh! Nasa misyon tayo wala sa palasyo para maging ganyan siya!" Asar na sabi ko kay Dash. Bigla namang sumabat si Klaire sa pag uusap namin kaya napalingon uli ako sa kaniya. Kahit kailan talaga ang bruha niya! Ang sarap niyang tirisin!

"No! Hindi ko siya inuutusan! Katunayan nga nyan siya pa ang nag uutos sakin eh! 'Tsaka sabi pa niya no'ng hindi ko agad nasunod ang utos niya bakit daw ang bagal kong kumilos!" Umiiyak na sabi nito at mas lalo pang lumakas ang pag-iyak.

Napamaang na lang ako sa sinabi ni Klaire at bago napatawa sa sarili, hindi makapaniwala sa narinig. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat. Iyong binabaligtad ang sitwasyon.

Muli akong napalingon kay Dash nang magsalita na naman siya.

"Shakira, is that true?" Patanong iyon ngunut damang-dama ang diin sa boses niya na animo'y handa ng manakit.

"Are you seriously believing that girl, Dash? Alam kong matalino kang tao kaya dapat hindi ka basta-basta nagpapaniwala-"

"Leave Shakira," putol nito sa sinasabi ko. He pinched the bridge of his nose na parang nagtitimpi.

"Binabaliktad niya ang sitwasyon-"

"I SAID LEAVE!" Napatalon ako nang malakas siyang sumigaw. I could see the fire in his eyes na parang handang-handa na akong saktan.

I gritted my teeth. Marahas rin akong huminga bago muling tiningnan si Klaire na ngayon ay nakitaan ko ng multo ng ngisi sa kaniyang mukha habang umiiyak. Mas lalong umigting ang aking panga dahil doon. Padabog akong umalis sa sala at nagmartsa patungo sa hagdan.

Umakyat ako sa kwarto pero hindi sinasadyang napatingin uli ako sa kinatatayuan no'ng dalawa na ngayon ay magkayakap na. Nakita kong nakasmirk si Klaire at naging purong itim uli ang kulay ng mata niya. Nakita ko 'yon dahil sa may banda ng hagdan siya nakaharap.

Akala niya siguro hindi ko siya napansin pero nagkakamali siya. Now I know... alam ko na isang demonyo pala ang nagkukubli sa loob ng katauhan ni Klaire.

A demon inside her.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free