(Klaire’s POV)
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Excitement? Nervousness? Mixed emotions! Naiiyak ako dahil sa kaba! Ito na ata ang unang beses na kinabahan ako sa tanang buhay ko!
"Geez. Let's go," cold na sabi ni Kaela. Napatingin naman ako sa kaniya at saka napalabi. Saan ba 'to pinaglihi at bakit lagi na lang parang galit sa mundo?
Umalis na kami sa bahay at pumunta sa may gate ng Academy. Do'n daw kasi ang kitaan pag nagkakamission sabi ni Zhia sa'kin kahapon bago kami maghiwa-hiwalay.
Pagkarating namin do'n ay kami na lang pala ni Kaela ang hinihintay.
"Tss. What took you so long?" Krey asked, a bit annoyed.
"Sorry!" Pagpapaumanhin ko at saka nag peace sign pero inirapan lang ako ni Krey!
Ibang klase!
"Tsk," sabi naman ni Dash kaya napatingin ako sa kaniya. Hindi rin 'yon nagtagal dahil sa mga titig niyang nakakatakot.
Tsk. What is he? A bipolar? Minsan sweet, minsan naman cold. Aish. Magsama sama na silang tatlo nina Kaela at Krey.
Bigla namang dumating si HM kaya napaayos kami ng tayo.
"Kumpleto na ba kayo?" Tanong niya.
"Yes po."
"Okay. Tara na sa field."
Nagsimula namang maglakad si HM paalis na siyang sinundan namin
Bakit sa field?
"Do'n kasi gagawa ng portal si Headmistress patungo sa Mountain of Deaths," bulong ni Shakira sa'kin kaya agad akog napatingin sa kaniya habang gulat na gulat.
"Gano'n na ba talaga kabilis mabasa ang nasa isip ko?" Napatawa naman siya sa sinabi ko bago umiling-iling.
"Madaling mabasa ang mukha mo, eh," pagco-correct niya. Napangiwi na lang ako dahil sa kaniyang sinabi. Gano'n na ba talaga kadali mabasa ang nasa isip at expression ko?
"Okay. Humanda na kayo."
Hindi ko namalayan na nasa field na pala kami at nakagawa na agad ng portal si HM.
Nakakatakot siguro ang Mountain of Deaths. Pangalan pa lang ay ikamamatay ko na ata. Pati kulay ng portal nakakatakot. Kulay abo ito na malapit na mag-itim. Napasapo ako sa dibdib ko dahil bigla iyong bumilis. Pwedeng magback out?
"Klaireeyy! Tara na!" Sigaw ni Cycylone na siyang nagpanumbalik sa akinh ulirat. Hindi ko napansin na papasok na sila at naiwan ako do'n sa may gilid ni Headmistress. Tumakbo ako patungo sa kanila at sabay-sabay kaming pumasok sa portal.
Napapikit na naman ako nang mariin dahil para na naman akong nasusuka. Parang pinipilipit ang aking mga lamang loob at sa tingin ko ay ito ang maiisuka ko.
Ilang minuto lang ay nawala na ang pakiramdam na 'yon at naramdaman kong nasa lupa na kami kaya idinilat ko ang mata ko. Halos mapahalakhak namaan ako dahil sa aking nakita.
Naka-sabit si Zach sa may puno, si Zhia nakasubsob sa putikan, si Shakira nakabaliktad at nakasuot ang ulo sa isang butas at si Cyclone, basang basa! Sa tubig kasi sya napapunta pero ako? Muntik ko na makahalikan ang lupa. Tapos yung tatlong blanko ang ekspresyon nakatayo lang na parang sanay na sanay na sila! Unfair...
Inayos na namin ang sarili namin para masimulan na namin ang aming paglalakbay.
"Saan tayo unang pupunta?" Tanong ni Shakira do'n sa tatlo. Malamang na alam nila kung sa'n kami pupunta. Sila ang may hawak ng map na binigay ni HM, eh.
"Bottom of this mountain." Si Krey na ang sumagot dahil tila walang balak sagutin ng dalawa ang tanong ni Shakira. Napatango na lang ang huli at nagpatuloy sa paglalakad.
Habang naglalakad kami ay inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar. Nakakatakot ang ambiance dahil madilim dito at walang buhay ang mga halaman na halatang hindi nasisikatan ng araw.
"Mountain of Deaths nga, diba?" Biglang sabi ni Cyclone na nasa tabi ko na pala. Kanina kasi katabi 'to ni Zhia, eh.
Mabilis namang umasim ang mukha ko at hinampas siya sa braso. "You're invading my privacy!"
"Sorry! Hehe. Ang ingay kasi ng isip mo, eh! Nakalimutan mo atang sarhan. 'Yan tuloy sinagot na kita," aniya habang nakapout. Napataas naman ang kilay ko sa kanya at saka humalukipkip
"Fyi, hindi ako nanliligaw sayo 'no!" Sagot ko na siyang tinawanan naman niya bago napailing-iling.
"Tara na nga. Baka mamaya magising pa natin ang mga fairies dito." Ngayon ay pabulong ang pagkakasabi niya kaya napakunot ang noo ko. Kanina kasi normal lang ang pagsasalita namin pero ngayon halos hangin na lang ang lumalabas sa bibig niya dahil sa sobrang pabulong.
"Bakit? Ano bang meron sa mga fairies dito?" Nagtataka ko namang bulong pabalik. Para kaming tanga dalawa dahil nagbubulungan kami habang naglalakad.
"Shh... ang Mountain of Deaths ay kilala bilang pinakadelikadong lugar sa buong dimension ng Magic World. Maraming mababangis na creatures dito at sa pagkakaalam ko ay nandito lahat ng pinaka-kinatatakutang mga nilalang sa buong mundo ng mahika." Mabilis na nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi niya.
Nakakatakot naman pala rito!
Napatingin ako sa paligid upang mapasadahan ito ng tingin. Nakita ko ang isang napakagandang bulaklak na parang nang-aakit. Lumapit ako rito at hahawakan na sana iyon nang may biglang humawak sa aking kamay. Pagtingin ko sa nagmamay-ari nito ay nanlaki ang aking mata.
"Tss. Don't touch it," malamig na sabi ni Dash. May halong inis ang pagkakasabi niya ngunit nawala rin naman iyon.
"P-pero ang ganda niya," I unconciously said while looking at the flowers again.
Narinig ko siyang nag-tsk kaya naman napatingin uli ako sa kaniya.
"Don't be deceive by looks, darling," aniya. Ibinalik ko ang akig atensyon sa bulaklak at nagulat ako nang biglang ang isang napakagandang bulaklak ay naging parang isang halamang kumakain ng tao. Nagkaroon ito ng parang ngipin na matutulis at naglalaway pa ito.
"Shit," rinig kong mura ni Shakira. Napatingin ako sa lahat ng Superiors at napansin ko ang biglaang pagkaseryoso ng mga ito. Kung isa lang itong pang-karaniwang araw para sa amin ay puro kalokohan at kabaliwan lang ang nasa isip ng iba. Pero dahil nasa isang seryosong misyon kami at pwede kaming mamatay ano mang oras ay nag iiba sila. Seryoso sila kapag seryoso ang bagay na ginagawa namin. Walang halong kabaliwan at kalokohan ang nasa mukha nila. Determinasyon ang nakikita ko. Determinasyong makalabas dito ng buhay.
Nag-iba na lahat ng bulaklak na kanina lang ay napakaganda. Naging para silang halimaw at parang gutom na gutom.
Nakakatakot!
"Get ready," maawtoridad na sabi ni Dash kaya napatango kami. Buti na lang bago kami umalis binigyan ako ni HM ng pwedeng magamit na pang self defense.
Biglang nagsuguran ang mga halaman na tila handang-handa na kami nitong patayin. Naglabas ng fire blaze si Dash at itinira iyon sa mga halaman. Nakakairita at nakakarindi ang pag iyak ng mga halaman! Sobrang tinis!
Bumuo si Shakira ng light ball at itinapon sa mga halaman na malapit na sa tayo namin. Nagulat ako nang biglang naging abo ang mga ito.
"Takot ang mga taga Mountain of Deaths sa liwanag," simpleng sagot ni Shakira kahit hindi ako nagtatanong. Siguro ay nabasa niya ang ekspresyon ko. Napatango na lang ako sa sinabi niya at hinarap ang mga halaman at pinutol ang mga iyon.
Nagulat uli ako nang bigla namang nabunot ang mga halaman at nawala sa lupa kaya napatingin ako kay Zhia na nakangisi. Lumiwanag naman ang langit at gumuhit ang nakakapanindig balahibo na kidlat at tinamaan ang mga halaman kaya naging abo din sila. Tinignan ko ang mga kasama ko at lahat sila ginagamit ang element nila. Ako lang ang walang nagagawa sa grupo namin.
"Shakira! Make a big ball of light! Hindi sila nauubos dahil mas lalo silang lumalakas kapag ibang element ang ginamit. Kailangang maging abo sila para hindi na uli mabuhay!" Sigaw ni Kaela. Napansin ko rin ang pagdami ng halaman at ang pagkabuhay ng iba pang napatay na ng ibang element nila.
Tumango si Shakira at pinikit ang mata at nag-concentrate. Nakabukas ang palad niya at nakita kong unti-unting may nabubuong malaking liwanag sa mga palad niya hanggang sa lumaki ito nang lumaki. Napapikit kami dahil sa nakakasilaw na liwanag na gawa ng element niya.
Rinig na rinig ang matinis na sigaw ng mga halaman bago ito tuluyang nawala. Nang mawala na ang liwanag ay idinilat ko na ang aking mga mata. Tumambad sa amin ang madilim na muling paligid na tila walang nangyari.