HinovelDownload the book in the application

Chapter 11: Introducing Themselves

*riing*

Agad akong tumayo nang marinig ko ang bell. Buti naman at natapos din ang discussion. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi ni Miss Cassy sa unahan dahil dinaldal ako nang dinaldal ni Cyclone. Kesyo, ang gwapo niya daw at marami raw ang naghahabol na girls sa kaniya. Hindi ko tuloy alam kung dahil ba air ang kapangyarihan niya kaya ang hangin-hangin niya.

Wala pa ring tatalo kay Mr. Cold Handsome Guy, 'no!

"Klaire! Tara na!" Hinawakan ako ni Cyclone sa aking braso at agad akong hinila.

"T-teka! San tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Sa cafeteria!" Nakangiting sagot niya at tuwang-tuwa akong hinila na parang bata.

"Anong gagawin natin do'n?" Tanong ko pa habang pasimpleng inaalis ang kamay niya. Mabilis naman akong napasimangot nang lalo niyang hinigpitan ang kapit sa akin na tila alam ang ginagawa ko.

"Ano bang ginagawa sa cafeteria? Kakain malamang!" Tumawa siya ng malakas kaya napairap na lang ako at napatango. Tuluyan na niya akong hinila papunta sa iba pang Superiors kaya wala akong nagawa kun'di magpadala sa hila niya.

Pagkarating sa harapan nilang lahat ay binitawan na rin naman ako ni Cyclone.

"Hi guys! Meet my girlfriend, Klaire," pakilala ni Cyclone sa akin kaya mabilis na nanlaki ang mata ko sa gulat at agad siyang hinampas sa braso. Napahawak naman siya sa braso niya at napadaing.

"Aray! Okay! Hindi ko siya girlfriend," bawi niya sa sinabi kaya nginisian ko siya. Sinimangutan niya ako kaya agad akong napatawa. Pero napatingin uli ako sa mga taonh kaharap namin nang biglang magsalita ang isang babae.

"Hi, Klaire! I'm Zhia Coleen Cooper and I'm an Earth Manipulator!" She introduced then kissed me on my cheek. Mabilis naman na nanlaki ang aking mata dahil sa gulat ngunit inalis ko rin. Akala ko ay makikipag-shake hands lang siya sa akin.

"Hi Klaireeyy!! I'm Shakira Yu! And I'm a Light Manipulator! Nice to meet you!" Bubbly na pakilala ni Shakira at niyakap pa ako.

Nakakagulat naman sila.

Akala ko ay tatarayan nila ako dahil wala akong power o element tapos ganito pa nila ako i-welcome. Ang sama ng first impression ko sa kanila!

"Ah hehe hello," I greeted to them shyly. Bumitaw na naman siya sa yakap at si Kaela na ang nagpakilala. Well, hindi ko pa alam ang surname niya at hindi ko rin sure kung Ice nga ang element niya.

"I'm Kaela Verzie Cosgrove and Ice is my element," pakilala nito sa buong pangalan habang nakatitig ng malamig sa akin. Wala sa sarili naman akong napatango dahil sa lamig na dinudulot ng pagtitig niya sakin. Bakit ba naging malamig na siya? Kahapon ay 'di naman, ah? Bipolar talaga siya.

Iniiwas ko ang tingin sa kaniya at napatingin ako sa lalaking ngayon naman ay nakangiti ng malaki sa akin. Napahakbang naman ako ng isa paatras dahil sa takot na baka lumaki bigla ang kaniyang bunganga ako kainin ako.

Pero mukhang harmless naman siya...

"Hi Klaire! Zack Blake Milbourn is my name! And I'm Water Manipulator!" Masiglang sabi ni Zack at yayakap sana siya sakin ng hilahin siya ni Cyclone at siya naman ang nagpakilala.

"Klaireeey!! Alam kong kilala mo na ako pero magpapakilala ako nang mas maayos. I'm Cyclone Justin Walker and I'm an Air Manipulator! Ako nga pala ang long time boyfriend mo!" Proud na sabi niya kaya nabatukan ko siya. Para siyang boy version ni Shakira dahil sa taas ng energy na ibinibigay nilang dalawa.

"Haist! Oo na nga! Break na tayo!" Banat pa niya kaya agad ko siyang nasapak.

"Klaireeyy! Nakakarami ka na!" Maktol niya kaya napatawa na lang kami.

Napatingin ako sa lalaking ngayon ay malamig na nakatingin sa akin at may malakas na aura pero hindi kagaya ng nararamdaman ko kay Mr. Cold Handsome Guy.

"Krey Ethan Edwards. Lightning Manipulator," pakilala niya sa isang malamig at firm na boses. Nakipagshake hands lang ako sa kaniya at tumango.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko nang mapagtantong si Mr. Cold Handsome Guy na ang susunod. Alam ko Dash ang pangalan niya sabi ni Cyclone pero mas mabuting alam ko ang buong pangalan niya pati na ang element niya.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili dahil sa tingin ko ay mapapaupo ako ng wala sa oras. Nanginginig tuhod ko at nakakamanghang nakakaya ko pa ring tumayo ng tuwid. Kinakabahan akong tumingin sa kaniya at tila nalunok ko na ang dila ko nang magsalita naman siya.

"Ashton Dash Reihman. Fire Manipulator," tipid na pakilala nito sa isang malamig na boses.

Nakalimutan ko na atang huminga nang marinig ko ang malalim at manly na boses niya.

Ang sexy ng boses!

"K-klaire Mendoza," I stuttered. I extended my hand to shake hands with him. Akala ko ay hindi niya iyon tatanggapin kaya ibababa ko na sana ang kamay ko. Ngunit nagulat ako nang agad niya iyong kinuha at nakipag shake hands sa akin. Hindi matigas at hindi rin naman malambot ang kamay niya. Sakto lang. Ako tuloy ang na concious sa kamay ko.

'You don't need to be concious. Your hands are okay,' sabi ng isang tinig sa isip ko.

Napatingin ako sa mukha niya at kita ko ang pag-smirk niya kaya napatungo uli ako at napatingin sa kamay namin na magkahawak kamay pa rin. Pasimple ko iyong inaalis ngunit hinigpitan niya ang hawak do'n kaya muli na naman akong napatingin sa kaniya. Kita ko ang pagpipigil ng tawa niya dahil alam niyang hindi na ako komportable.

"Ehem ehem! Tara na sa cafeteria!" Sigaw ni Cyclone kaya mabilis ko ng inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

Mabilis akong tumabi kay Cyclone upang matigil ang naghaharumentado kong puso. Kung mananatili ako sa harapan niya ay baka tuluyan na akong himatayin! Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko na parang nanggaling ako sa karera!

'Cute,' huling sabi niya sa isip ko na parang natatawa.

Napakagat ako ng labi upang maitago ang aking kilig. Bakit ganon? Ang lakas ng epekto niya sa akin? Nakakaasar!

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free