(Shakira’s POV)
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at naghahanda ng mga gamit. Almost three weeks of being here in the middle of this mountain with a bossy Klaire around is no joke. Walang araw talaga na hindi ako nabu-bwisit sa maya't-maya na utos ni Klaire.
Akala ko pa naman pati ugali niya na mabait ay kuha niya. I guess hanggang kamukha lang talaga ni Klaire siya. Mabuti na lamang at naisipan noong tatlo na isama na kami sa paghahanap ng book. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila iyon nahahanap. Ewan ko ba kung paano nila hahanapin ang book na sa tingin ko ay 'di naman nag-eexist.
Baka naman kasi nagkamali lang si Headmistress? Mukha namang hindi talaga totoo ang Book of Magistica.
Napatigil na lamang ako sa pagpapasok ng aking mga gamit sa bag nang may biglang kumatok ng sunod-sunod sa pintuan ng aking kwarto. Kunot-noo kong tiningnan ang pinto at hinintay iyong magbukas.
Napairap na lang ako nang pumasok si Zhia na tila aligaga.
"Shakira!" Aniya habang lumalapit sa akin. I narrowed my eyes on the thing that she's holding when I noticed the red mark on its front page.
Unti-unti ay nanlaki ang aking mata nang ma-realized na isa iyong libro sa restricted area ng library sa Academy! Ang red mark na nasa front page nito ang nagpapatunay na galing iyon sa restricted area. Paanong napunta sa kaniya ito?
"Kinuha ko sa restricted area," she answered the question in my head while making herself comfortable on sitting in my bed.
"Bakit mo kinuha? 'Tsaka paano?" Nagtataka kong tanong.
"Bakit ko 'to kinuha? Para magamit natin dito sa paglalakbay natin. Paano? Well, noong bago tayo umalis sa mission, pagkatapos ng meeting kay Headmistress ay pumunta ako sa library at nag-anyong pusa ako kaya nakapasok ako sa loob. HAHAHA! Hindi nga ako napansin no'ng librarian eh!" Matawa tawang sagot niya. Napailing na lang ako dahil sa kabaliwang ginawa niya.
Paano kung nahuli siya? Hindi talaga siya nag-iingat.
"Ano bang ipapakita mo sakin?" Tanong ko, naalala kung bakit siya narito sa aking kwarto. Tila natauhan naman siya sa sinabi ko at sunod-sunod na napatango.
"Ito, basahin mo." Ibinigay niya sa akin ang libro na siyang kinuha ko na naman. I read its title written on the front page.
"Mountain of Deaths Guidebook," I read. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko inakalang may guidebook pala ng Mountain of Deaths sa restricted area ng library. Binuklat ko ito sa medyo gitnang bahagi at mabilis na nakuha ng atensyon ko ang nakatitulo sa taas tungkol sa topic na nakasulat sa libro.
"Nymph in Mountain of Deaths," basa ko rito.
"Ang Mountain of Deaths ay ang pinakamapanganib na lugar sa Magic World. Maraming masasamang nilalang ang naninirahan doon kabilang na ang mga Nymph o Nymphae. Maraming sabi-sabi na ang Nymph sa Mountain of Deaths ay mapaglaro. Gustong gusto nila ang manguha ng wangis ng isang dayo sa Mountain of Deaths. May dalawang uri ang Nymphas. Good and bad ones. Ang mababait na Nymphas ay nagtuturo sa mga dayo kung ano o nasaan ang hinahanap nila. Ang masasamang Nymphas naman ay ang mga kumukuha ng wangis ng isang dayo at sinisira nila ang magandang imahe ng kinukuha nilang wangis sa mga kasamahan nito. May inuusal silang spell sa mga kinukuhanan nila ng wangis para hindi sila makita ng kasamahan nito. Mahirap kalaban ang mga masasamang Nymphas. Kailangang labanan ng kinuhanan ng wangis ang Nympha na kumuha sa wangis nito. At kung hindi nito matalo ang Nympha sa ikatlong pagpatak ng sinag ng araw sa Mountain of Deaths... mamamatay ang kinuhanan ng wangis."
Binalot kami ng matinding katahimikan ni Zhia nang matapos ako sa pagbabasa sa nakasulat sa libro. Nagkatinginan kaming dalawa ni Zhia bago tila may pumitik na kung ano sa aming isip at sabay kaming napasigaw.
"Si Klaire!" We both shout. We hurriedly went out from my room and searched for Dash or the others. Kailangan nilang malaman 'to!
Kaya pala... kaya pala ganoon na lamang ang bilis ng pagbabago ni Klaire. She's kind and all of a sudden, she changed. At dahil iyon sa masamang nympha na kumuha ng wangis niya. How dare she destroy Klaire's image to us?
Nanginginig ako. Nanginginig ako dahil sa galit at nangangati ang kamay kong patayin ang nympha na kumuha sa wangis ni Klaire. Saan niya dinala si Klaire kung gano'n?! We need to tell this to others dahil kung magkataon, baka tuluyan kong mapatay ang Klaire na kasama namin. Alam kong may mabubuong plano agad si Dash once na malaman niya ito.
That nymph also made me feel enraged towards Klaire. Nasasaktan ako sa mga naisip at nasabi ko kay Klaire. Hindi niya deserve ang mga naisip ko. Mabait siya... dapat nagtiwala ako sa kaniya.
But nevertheless, I will still save her... to pay for the things I have said.
I sighed.
Klaire, wait us. We'll save you.