Sinabi ko sa sarili ko na , tatanggalin ko na dito sa puso ko si Lance . At may ipapalit akong bago sa kanya , ang kuya nya 'yon . Si Zake. Hindi kasi ako matahimik nitong mga nakaraang mga araw kaya nagre-search ako at nalaman kong bunso pala sa pamilya si Lance .
Paborito ng mga magulang ni Lance si Zake dahil daw ay may direksyon ang buhay nito hindi kagaya ni Lance na wala daw ginawa kung siraiin daw ang buhay nya kasama ng mga kaibigan nya, well sa pagkakaalam ko kami yun.
Hindi ko naman alam na ganyan pala ang buhay ni Lance . Hindi naman kasi halata sa kanya . Lagi kasi syang nakangiti nun , lagi syang masaya na hindi mo mapagkakamalan na may problema pala sya .
Dalawa lang silang magkapatid pero para silang sampu dahil sa kompetisyong 'to .
"Do you really want to know more?" Napalingon naman ako kay Jether . At kapag sinabi kong nagresearch ako , i meant nagparesearch ako dahil tinatamad ako ngayong araw kaya tinawagan ko sya at sinabi kong pumunta sya dito .
Bossy much ba ? Haha . Pag pasensyahana nyo na . Sadyang broken hearted lang ako kaya nagkakaganito ako .
Kaya naman nung dumating si Jether kasama nya pa ang girlfriend nya . At dahil nga sa kasama nya ang girlfriend ay akala ko nung una ay aarte ito . Ung mga kesyo , bakit ganito? bakit ganyan? . Pero nagkamali ako . Mabait itong girlfriend ni Jether . Napaisip ako bigla kung paanong panliligaw ang ginawa ni Jether para sagutin sya ni ate .
"Bakit may more pa ba?" Sandali kong pinunasan ang mga luha ko . Nakakainis , kada naiisip ko kung anong nangayari nung nakakaraan bigla na lang akong naiiyak .
"Honestly , I really want to tell you more pero hindi ka na bata kaya kailangan mong malaman ang lahat on your own" natigilan ako. Gash ! Kung makapagsalita itong lalaking 'to . Akala matanda na sya . Grabe naman . So , ibig sabihin sadyang mabilis lang talagang mag mature ang utak ng mga lalaki. Unfair !
"Seryoso , ikaw ba ang nawawala kong ama?" sarcastic kong tanong sa kanya at nagcross arms. Nakita ko namang natawa itong girlfriend nya kaya siguro ay nahawa na rin ako dito at pinagtawanan na rin si Jether.
"Cut it out will you !" seryoso nyang saad dahilan para matigilan kami ng girlfriend nya sa pagtawa.
"Sorry" napatungo kong saad.
"You should be" masungit na saad ni Jether. Tiningnan ko lang sya at nakita kong medyo natatawa sa kanya itong girlfriend nya dahilan para dito naman mabaling ang atensyon nya.
"Alissa, stop laughing." naiinis na saad ni Jether pero hindi tumigil sa pagtawa ung babae bagkus at hinawakan nya ang kamay ni Jether at nagintertwined ito.
Natigilan ako ng ilang segundo. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nabuhay ang inggit dito sa puso ko. Marahil siguro na naiingit ako dahil ni minsan ay hindi kami nagkaganyan ni Lance . At siguro ay hindi na rin magiging kami.
"Hannah, are you okay?" nagbalik naman ako sa kasalukuyan ng marinig kong sabi ni Alissa. Tumango lang ako at slight na ngumiti . Nagpaalam na rin ako sa kanila na aalis muna ako.
Pagkaalis na pagkaalis ko ay isa isa ng nagsibagsakan itong mga luha ko. Ang hina hina ko talaga.
Sandaling naaalala ko lang si Lance pero nagkakaganito na ako. Lagi na lang akong naiiyak kapag naalala ko si Lance. I'm such a pathetic loser.
"Hannah ..." natigilan ako sa pag-iyak ng may narinig akong isang boses na tumawag sakin. Nilingon ko sya at laking gulat kong si Zake pala 'tong nasa harapan ko.
"Zake ..." wala sa sariling bigkas ko ng pangalan nya pero imbis na magsalita o kausapin nya ako ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na yakap yakap nya. At sa hindi ko maipaliwanag na kadahilan ay pakiramdam kong maagaan ang pakiramdam ko ngayon . Ung pakiramdam na kahit umiyak ako sa harapan nya ay okay lang. Ung kahit umiyak ako sa harapan nya ay hindi ako mahihiya.
Kaya pagkatapos ng ilang segudong pag-iisip ay pinabayaan ko na lang ang sariling umiyak habang yakap yakap nya ako. Naramdaman kong mas lalong humigpit ang yakap nya sakin sabay sabing ..
"Shh. Iiyak mo lang 'yan. Nandito lang ako" nanatili lang kami sa ganung posisyon hanggang sa hindi ko na namalayan na kumalas na pala sya sa yakap at nilapit nya ang mukha nya sakin. Nakita kong may pangungulila sa kanyang mga mata na hindi ko maintindihan.
Wala sa sariling nilapit ko rin ang aking mukha sa kanya hanggang sa magdikit na ang mga ilong namin. Napatitig ako sa kanyang magandang mga mata .
"Hannah, gusto kita ..." hindi pa napo-proseso sa utak ko ang sinabi nyang 'yon ng bigla nyang angkinin ang mga labi ko. Nung una ay nabigla ako sa ginawa nya pero sa hindi ko maintindihang kadahilanan ay parang niyayaya pa nya akong sabayan sya sa kanyang paggalaw.
Kaya unti unti kong pinikit ang aking mga mata at nagrespond sa mga halik na binibigay nya sakin . At sa bawat halik na ibinabalik ko sa kanya ay isa isa ring nagbabalik sa akin ang masasayang alaala namin ni Lance.
"Hannah, bakit mo ako nilagyan ng cake sa mukha?" nakita kong naiinis na sya kaya pinagtawanan ko muna sya at pagkatapos ay nagsimula ng tumakbo. Sumunod naman sya at tumakbo na rin.
"Hahahaha. Lance, bakit ka ba nagagalit ? Bagay naman sayo diba ? Kamukha mo na ung aso nung kapitbahay nyo"tumatawa ko pang saad ng sa hindi ko na namalayan na kalapit ko na pala sya at pinahid nya sa mukha ko ang natitirang icing ng cake.
"Aba't talagang ..." naasar kong saad habang kumukuha rin ng icing at pinapahid sa mukha nya.
Parang akong biglang natauhan . Agad kong minulat ang aking mga mata at pilit na tinutulak papalayo sakin si Zake pero masyado syang malakas kaya kahit anong tulak ko sa kanya papalayo ay wala paring epekto sa kanya.
Lance Damian's Pov
Katatapos ko lang makipaghiwalay sa ex girlfriend ko ngayong araw. At kagaya ng dati ay umiiyak na naman ang mga babaeng hinihiwalayan ko. Kung ako sa kanila, dapat pa nga akong magsaya dahil hindi ko kinuha ang pagkababae nila. Dahil sa totoo lang , wala naman talaga sa plano ko ang bagay na 'yon .
Nagbago ako dahil sa galit at poot na kumain sakin ng buong buo. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sa twing naaalala ko ung araw na nalaman kong dalawa pala kami sa puso ni Annika. Nagalit ako. Gusto ko syang saktan nung araw na 'yon pero hindi ko ginawa dahil mahal na mahal ko sya . Hindi ko kayang saktan ang babaeng mahal na mahal ko kaya iniwan ko sya nun.
Ilang mga buwan ang lumipas at pinilit kong itago itong galit na unti unting kumakain sa pagkatao ko. Galit na sana noon palang sinaktan ko na sya pero hindi ko magawa, hindi ko magawa.
Pinilit kong maging okay lang ang lahat. Pinilit kong pigilan ang sarili ko na saktan ang lahat ng mga babaeng nakakasalamuha ko sa daan. Hanggang sa dumating sa buhay ko sina Clare at Hannah. Naging kaibigan ko sila , at sila na rin ang unti unting nagtanggal ng galit dito sa puso ko.
Akala ko unti unti ng mabubura dito sa puso ko ang galit ko sa nakaraan kaso nagkakamali pala ako. Nagkrus na naman ang landas namin ni AJ. Ang lalaking pinagsabay sakin ni Annika. Ung oras na nakita ko sya ay gusto kong wasakin ang mukha nya pero hindi ko ginawa dahil boyfriend sya ng kaibigan kong si Clare.
Nagiging masaya si Clare kapag kasama nya ang lalaking 'yun. Kaya kahit mahirap ay tinago ko na lang sa sarili ko ang galit na nararamdaman ko para sa lalaking 'yon.
Hanggang sa dumating ang isang araw. Ang araw na sinabi ni AJ ang lahat. Sinabi nyang ginamit lang nya si Clare.
Pinanuod ko kung paano nasaktan at umiyak ang kaibigan ko. Naiinis ako sa sarili ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kasalanan ko kung bakit nung umpisa pa lang ay hindi ko sinabi kay Clare ang lahat.
Hanggang sa dumating ang isang araw na nawala na lang syang parang bula. Nung moment na 'yon bumalik na naman ang lahat ng galit dito sa puso ko and before I know it ,nakain na ako ng buo ng galit na 'yon .
Galit na masyado na akong binulag nito na hindi ko na napansin na nasasaktan ko na pala ang babaeng mahalaga para sakin.
"Zake ..." isang mahinang ungol na napatigil sakin sa paglalakad at mismong mga mata ko ang nakakita ng hindi ko inaasahan. Naikuyom ko na ang kamao ko at nagtiim bagang na ako.
Humakbang na ako papunta sa kanila. Wala na akong pakialam kung kapatid ko ang sasaktan ko ang mahalaga, makuha ko si Hannah papalayo sa kanya.
[ Jonelle's Note ]
Hey! Medyo mahaba ang update na 'to. Hello sa lahat ng nakapagbasa ng love contract dahil alam kong nakarelate kayo sa pagkukwento ni Lance. At dun naman sa hindi pa , pag may time kayo basahin nyo ang love contract , pramis malalaman nyo ang lahat. Anyway, un lang.