AT dahil nga sa nagkaroon na ng eksena dito sa may likuran ko ay pinagkaguluhan na ung mga nadulas. Natamik na lang ako dahil baka mamaya ay ako pa ang masisi.
Pero dahil nga sa may salitang kontrabida ay bigla na lang akong pinagalitan ni Lance. Akalain mo 'yun diba, kanina hinahanap ko lang 'to tapos ngayon ito sya pinapagalitan ako.
"How childish of you ,Hannah. Hindi ka ba nag-iisip?" nagtitiim bagang nyang sabi sakin.
"It's not what you think—"
"Don't play with me. You're so pathetic, gumagawa ka talaga ng paraan para mapansin kita" galit na galit na saad nya. Hindi ko lang kung anong gagawin ko. Nakatingin lahat sakin ng estudyante dito dahil nga sa eksenang ginawa ni Lance.
Hindi ko rin maangat ang ulo ko dahil sa kahihiyan. Alam mo 'yun ung parang tinapunan ka ng kanin baboy kahit hindi naman talaga. Ganun ang nararamdaman ko ngayon. Kahihiyan .
"Hannah, mag-isip ka muna. Nakakahiya sa mga nakakakita" at tumalikod na sya. At parang sa pagtalikod nya ay sya ring pagbagsak nitong mga luha kong kanina ko pinipigilang bumagsak simula nung pagalitan nya ako hanggang sa ngayong ipahiya na nya ako.
"At Hannah ..." nagsimula na syang maglakad pero hindi pa sya masyadong nakalalayo ay nagsalita uli sya. "I hate stupid, pathetic persons like you" at pagkatapos nun ay umalis na sya.
Sandali akong pinagtinginan ng mga tao dito. Nanliliit ako sa sarili ko. Alam ko kahit nakatingin lang sila ngayon sakin , alam ko sa sarili kong hinuhusgahan na nila ako. Alam kong minamata na nila ako at alam ko sa loob loob nila pinagtatawanan na nila ako.
Kaya kahit paano para makaiwas sa mga mapanuri nilang mga mata ay tumayo na ako habang patuloy parin ang pagbagsak nitong mga luha ko.
Akala ko nung malaki ang pinagkaiba ni Lance sa mga estudyanteng nandito sa Crown Academy pero nagkamali ako. Halos wala pala syang pinagkaiba. Pakiramdam ko tuloy ngayon , wala na talaga akong kaibigan .
"Hannah, saan ka pupunta?" tumigil ako sa paglalakad ng nakita ko si Jether. May dala dala syang tray ng pagkain na inorder nya.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit kinuha ko sa kamay nya ang tray at nilapag ito sa pinakamalapit na table at niyakap sya ng mahigpit.
At sa pagyakap ko sa kanya ay bigla na lang akong napaluha. I feel like I'm the most pathetic loser ever , parang hindi ko alam ang salitang 'Good sport' .
"Shh, stop crying" pagko-comfort nya sakin. Pinagpatuloy ko lang ang pag-iyak hanggang sa parang wala ng luhang kayang ilabas ang mga mata ko.
Umupo lang kami dito sa may bench. Marahil dahil sa sobrang kadramahan ko ay hindi na namin napansin ang oras. Halos na-miss ko na ang history class dahil sa kaartehan kong'to. Inabutan naman nya ako ng panyo at tinanggap ko naman 'yon.
"Salamat nga pala sa panyo at pasensya ka na pala dahil sa namiss mo pa ung klase dahil sa kaartehan ko"
Nakita ko naman syang napangiti. "Okay lang 'yun. Ang mahalaga ngayon ay may isang tao akong na-comfort kaysa naman sa nakikinig ako sa lecture pero nasa 'yo ang utak ko"
Napangiti naman ako sa sinabi nya. Ang sweet sweet naman nya.
"Hannah, pwedeng magtanong?" nilingon ko naman sya.
"Ano 'yun?"
"Boyfriend mo ba ung kanina?"napakunot ang noo ko. Boyfriend ? Wala naman akong boyfriend ah ?
"Boyfriend ? Wala naman akong boyfriend ah"
"Talaga? Kasi sa nakikita ko, sobra kang nasaktan kanina. Do you have feelings for Damian?" hindi ko alam sa sarili ko kung bakit parang naluluha na naman ako. Maybe dahil sa totoong may feelings ako para kay Lance.
"Can you keep a secret?" nakita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata at saka sya tumango.
"I fell in love with the heartbreaker , okay" at napatungo na lang ako dahil sa kahihiyan .
"So, I was right"
"Ha?" napaangat naman ako ng mukha at nilingon ko sya.
"Hannah kung hindi ako nagkakamali kaibigan mo si Lance at sa ilang taong pagkakaibigan nyo , nagkagusto ka sa kanya , tama ba?" halos parang naging bato ako dito sa pwesto ko.
Gosh ! Sinong nagsabi sa kanya ng ganyan .
"You're creepy" bulalas ko.
Pero imbis na magalit sya ay narinig ko pa syang tumawa. Ang galing ah, hindi nya sineryoso ang sinabi ko. Pero kung sasabihin ko kay Lance yan , panigurado lagot ako dun.
"Yeah, I get that alot." at pagkatapos ay natahimik na kaming dalawa.
Napaka-awkward dahil sa nakaupo lang kami dito sa may bench pero hindi kami nag-uusap at parang hindi kami magkakilala.
"I think he likes you ..." out the blue-ng saad nya. Nabigla ako sa sinabi nya.
"Sino ?" pero imbis na sagutin nya ang tanong ko ay nakita ko lang syang tumawa at pagkatapos ay umalis na.
Anong nangyari sa tanong 'yon ? One moment he's normal and the next thing he's creepy, weird and mysterious. Ano na bang nangyayari sa storyang 'to ? Akala ko ba Romance at Humor 'to ? Bakit naging Creepy , Weird and Mysterious na rin ?
UWIAN na at agad ko ng niligpit ang mga gamit ko. Pinapupunta pa kasi ako ni Mama sa fast food chain kung saan ako nagtatrabaho para daw magresign na ako. Dahil daw sa magfocus daw muna ako sa pag-aaral dahil this past few days daw ay pumapayat daw ako.
Wala naman talaga akong magagawa dun dahil gabi na rin ako umuuwi. Hindi na rin kasi ako nakakakain pag-uwi ko dahil pagkauwi ko ay natutulog na lang ako.
Nung naayos ko na ang mga gamit ko ay sinakbit ko na sa magkabilang balikat ko ang bag ko at lumabas na ng room. Nadaanan ko ang isang grupo ng mga babae na nagkukumpulan . Wala naman talaga akong balak na maki-usi pa pero dahil na rin sa may pagka-chismosa ako ay naki-usi na rin ako.
Nakisingit pa ako sa kanila. At habang nakikisingit ako ay sari-saring mga amoy ang naamoy ko. May mabahong hininga, ung nasa unahan at kalapit ko kanina ay pa ang pagsasalita kung ano ano nakakairita sa tenga. May mga mababaho naman ang kilikili, halatang mga kagagaling lang sa gym ng ilan dito , hindi man lang nakuhang maglagay ng tawas o deodorant man lang at ang masaklap pa ay hindi ba nila naamoy ang sarili nila?
May mga naamoy naman akong mabahong paa. May naaamoy naman ako dito na sobra ang pabango na sa kapag dumikit ka ay mahihimatay ka lang at kapag minalasmalas ay magpapaalam ka ng maaga dito sa earth.
Kahit halos hindi ko na makaya ang amoy ng mga 'to ay pinilit ko para lang malaman kung anong nangyayari.
Pinagpatuloy ko lang ang pagtulak sa mga naunahan ko hanggang sa napunta ako sa may unahan. Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa nakikita ko.
Si Lance may hawak na gitara at sa nakikita ko , mukhang hinaharana nya 'tong babaeng 'to.
Hindi pa nga ako nakakapagmove on sa nangyari kanina ito na naman ?
// Jonelle's Note //
Hello, magpa-plug lang po. Kung nagtatanong kayo kung sino si Clare , trying my story entitled . Love Contract. Malalaman nyo po dun ang kwento nila at syempre , malalaman nyo din kung anong ugali ni Lance bago sila naghiwalay ni Annika at kung anong ugali nya ung nawala sa buhay nila si Clare. :D. Un lang , God Bless :D