HinovelDownload the book in the application

Chapter 3

"HANNAH, nandito ka pala" cool na cool nya pang sabi. Hindi nya ba naaalala ung sinabi ko kanina ? Na ako na ang girlfriend nya ?

"Oo, nandito na ako ." walang emosyon saad ko. Mukhang naalarma ata ung babae at agad syang nagpaalam kay Lance pero hindi ko alam kung anong meron sa lalaking 'to at binigyan nya ang smack na halik sa labi ung babae at habang nakaharap talaga nila ginawa 'yon.

Hindi ba alam ni Lance na gusto ko sya ? Na gustong gusto ko sya ?

Nakita kong nagustuhan nung babae ung halik na binigay sa kanya ni Lance dahil parang nagnigning pa ang mga mata nya nung naghiwalay ang mga labi nila.

"Nag-enjoy ka ba?" nakangiti pang saad ni Lance. Tumango naman yung babae at akala siguro nito ay hahalikan pa sya dahil nilapit na naman nya ang mukha nya kay Lance.

"Good. Then we're done" at tumayo na si Lance. Nagulat ung babae sa sinabi ni Lance. Wow ha! Na-shocked pa talaga sya nun ?

"Lance , please i love you .." at nagsimula ng magmakaawa ang babaeng 'to na nasa harapan ko.

"Well , i don't" at pagkatapos nun ay basta na lang umalis si Lance na parang hangin. Maski, kasi ako ay nilagpasan lang nya. Parang hindi nya ako nakitang nakatayo dito sa may unahan nila.

"Ang sama sama nya. Hindi na sya marunong maawa. Ako na nga ang nanligaw sa kanya pero pagkatapos lang ng isang oras sinaktan na nya ako . Hindi nya ba alam na sya ang mapapangasawa ko?" napabalik naman ang atensyon ko dito sa babaeng iniwan ni Lance ng marinig ko ang boses nya.

Patuloy lang sya sa paghagulgol . Mukhang wala syang pakialam kung sino pa ang makarinig ng hinaing nya sa buhay.

"Ah, ate matanong lang ha .Sino nga palang kausap mo?" mukhang nabigla naman itong babae at nagpalinga linga sya sa paligid at mukhang naghahanap ng masasbwat.

"Ikaw?" patanong nya pang sagot.

"Sorry ate. Hindi tayo close" at pagkatapos nun ay umalis na ako. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nanatili ako dun sa room habang nagngangawa ung babae .

PAGKARATING ko sa cafetria ay hinanap ko agad si Lance at pagkatapos din ng nakakahilong paghahanap . Oo, nakakahilo ikaw kayang maglilibot ay maglilingon dito sa cafetria ikaw kayang hindi mapagod. Nahanap ko na rin sya.

Umupo ako sa table kung nasaan sya. Hindi na naman sya nagreact at pinagpatuloy lang nya ang pagkain nya.

"Bakit mo ginawa 'yon?" mukhang nabigla naman sya sa sinabi ko dahil agad syang napalingon sakin .

"Ang ano?" wow ha. Mukhang inosente pa sya ha.

"Bakit mo sinaktan yung babae kanina? Hindi mo ba alam na marami ng nasisirang buhay dahil sa pagiging heartbreaker mo?" natigilan naman sya sa pagkain nung sinabi ko yun at deretso sa mata nya akong tiningnan .

"Wala akong kasalanan kung masira ang mga buhay nila. Sinaktan ko lang sila un lang ang kasalanan ko" nakaramdam na ako ng pagkainis. Grabe , ang tigas tigas din pala ng puso ng isang 'to . Hindi man lang makaramdam sa iba .Manhid talaga.

Ewan. Sobra na talaga akong naiinis sa kanya. Kaya nag walk na lang ako. Bahala na lang sya sa buhay nya. Nakakainis sya. Parang wala syang puso .

Naglakad lakad lang ako dito. Wala na akong pakialam kung umiiyak na 'tong sikmura ko. Naiinis na talaga ako. Kaya kahit halos umiyak na ang sikmura ko ay umupo na lang ako dito sa may damuhan malapit dito sa isang puno. Ano ba 'tong punong 'to ? Naku! Wala na akong pakialam . Ang mahalaga lang sakin ngayon ay mailabas ko ang sama lang loob ko.

Tumungo ako at nakita ko ang mga damong 'to. Wala akong mapagdiskitahan kaya pasensyahan na lang kayo na lang muna. At saka okay lang naman diba ? Kasi gaya ng kabute ay basta basta nalang ring tumutubo ang damo.

"Epal. Insensitive. Walang puso ..." at nagsimula na akong magbunot ng mga kawawang damo. Oo na, sinisira ko ang kinabukasan ng mga damong 'to pero kung hindi ko 'to gagawin baka kagaya ng isang bomba ay bigla na lang akong sumabog.

Hila lang ako ng hila dito hanggang sa may narinig akong nagsalita mula sa may taas ng puno .

"Alam mo, kapag nahuli ka ng hardinero ng school baka mapagalitan ka pa dahil dyan sa ginagawa mo" napalingon naman ako dun sa nagsalita. Nakita kong bumaba muna sya ng puno at nilapitan ako at umupo sya kalapit ko. Nakita ko rin na suot suot nya ang ngiti sa kanyang mukha.

"Oh! Bakit ka malungkot dyan? Diba dapat masaya ka dahil today is a great and wonderful day because God made it" and another smile. Mukhang walang problema ang isang 'to.

Hindi ko alam ang gagawin ko at nakatingin lang ako sa kanya ng tumawa sya . Ung cute na tawa ha. Ung tawang nakakain love.

"By the way Jether nga pala . Jether Gideon Rivera" nilahad naman nya ang kamay nya at nakipag shake hands ako sa kanya.

Seryoso, hindi talaga matanggal sa kanyang mukha ang kasiyahan noh ?

"Jether, ganyan ka ba talaga?" bigla ko na lang nasabi .

"Ang ano?" nakangiti nya paring tanong. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Inaasar na ba ako nito ?

"Ung ganyan , lagi kang nakangiti"

"Ahh, ito ba ? Well, ano namang mapapala mo kung sisimangot ka diba ? Besides , there are million reasons para ngumiti ka isang example na dun ay ung nandito ka ." at parang may kinuha syang kung ano sa may bulsa nya.

Pinanuod ko lang sya hanggang sa may panyo syang inabot sakin. Napakunot ang noo ko. "Para san 'to ?"

"Use it. Alam kong kanina mo pa gustong umiyak kaya napagdiskitahan mo ang bunutin ang mga damong 'yan" sabay turo nya pa sa mga damong walang awang pinagbubunot ko kanina. Napatungo naman ako sa kahihiyan.

Nakakahiya. Nakita nya pa talaga ang ginagawa ko kanina.

Tinanggap ko naman ang panyong inaabot nya sakin. At alam mo un, ung parang moment na hinawakan ko ung panyo ay bigla na lang akong humagulgol ng iyak . Iyak lang ako ng iyak dun hanggang sa naramdaman ko na lang na nakasandal na pala ang ulo ko sa balikat nya.

Natigilan ako pero sabi nya 'ituloy ko lang daw' kaya pinagpatuloy ko na lang ang pag-iyak ko. At nung natapos akong umiyak ay nagpasalamat ako sa kanya dahil sa panyo.

"Salamat nga pala sa panyo. Nakakahiya naman sayo. Nakita mo pa ang kaartehan ko"

"Hindi kaartehan ang pag-iyak minsan pinapakita lang nito na hindi mo na kaya at kailangan mong ilabas kung ano yang bigat dyan sa dibdib mo"

Hindi ko napansin sa sarili ko na napangiti ako sa sinabi nya. Sandali rin akong napatulala sa kanya ng bigla kong naalala na hindi nya pa pala alam ang pangalan ko.

"Hannah. Hannah Mikaella Gonzales nga pala" at nakipagshake hands ako sa kanya. Napangiti naman ako. Dahil pakiramdam ko nagkaroon na akong panibagong kaibigan .

Nagkwentuhan lang kami at sa maikling panahong magkasama kami , pakiramdam ko sobrang saya ko dahil close na kami ni Jether . Ang bait bait nya, kung hindi ko lang talaga mahal si Lance baka nahulog na ako dito kay Jether. Promise ang sweet sweet nya.

"Oh, naglunch ka na ba?" tanong nya sakin. Gosh , kinikilig ako. Pigilan nyo ako.

"Hi-hindi pa nga eh" nahihiya kong sagot. Totoo naman eh, nakakainis naman kasi si Lance. Epal sa buhay , kung hindi lang ako nainis sa kanya kanina sana nakapaglunch na ako. Pero hindi.

"Ganun ba ? Sige , hintayin mo na lang ako dito , ako na lang ang bibili ng lunch para sayo" napangiti naman ako.

Sana ganito na lang si Lance. Napabuntong hininga ako.

Pagkatapos ng ilang segundo ay napansin kong medyo makalat ang table kaya ang ginawa ko ay nilinis ko 'to. Tinaggal ang paper cup , ung mga mga basa dito pinunasan 'ko , ahh, basta inayos ko ang table na 'to kasi I know mas maganda parin kung maayos ang lahat.

"Pare, nandun na pala si Dina tara puntahan natin" narinig kong sabi nung lalaking nasa likuran ko. Hindi ko na lang sila pinansin . Bakit ? Ano bang pakialam ko sa kanila ,diba ?

"Sige , bro" mukhang naglakad na sya dahil may narinig akong mga yabag papaalis.

At dahil nga sa naging mabilis ang tadhana ay bigla na lang akong nakarinig ng isang tao na parang nadulas sa may likuran ko. Hindi ko na sana titingnan 'yun kaso may narinig ako.

"Tae , pare, sino bang naglagay ng paper cup dito? Hindi ba nila alam na makakasagi 'to?"

"Oh, pare , bakit ka nasa sahig --" hindi pa natatapos nung lalaki ang sinasabi nya ng parang may kung anong nadulas na naman sa may likuran ko.

"Tae" bulalas nya. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako natatawa .

Mananatili na lang akong tahimik na ako ang may kasalanan ng lahat. Nakakahiya.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free