Hannah Mikaella's Pov
Ilang linggo. Isang linggo na ang lumipas simula nangyari 'yon. Ung mga salita nyang wari mo'y mga malalakas na sampal na hindi mo man lang nagawang umilag dahil hindi mo inaasahan na sasaktan ka nya ng ganun ganun na lang.
Ang hina hina ko. Natawa lang ako nung naisip ko 'yon. Grabe, kinain ko lahat ng sinabi ko. Ang sabi ko kakayanin ko lahat pero bakit ganito ? Bakit ngayong inamin ko na sa kanya ang lahat , bakit ngayon pa ako sumuko ?
Marahil masakit talagang tanggapin na sa mismong mga labi pa talaga ng taong mahal na mahal mo nanggaling ang mga salitang 'yon.
Hindi kita mahal. Wow ! Grabe , sinong mag-aakala na sa tatlong salitang 'yon lang ako bibitaw sa mga salita ko. Sa tatlong salita lang palang 'yon ako masasaktan ng ganito .
Alam ko namang masakit pero mas masakit pa pala 'to.
"Alam mo, pag pinagpatuloy mo yang pananakit sa sarili mo , hindi lang ikaw ang masasaktan . Masasaktan din ang mga taong nakapaligid sayo" nilingon ko si Jether. As always , nandito na naman sya. Siguro palagi syang masaya kaya laging positive ang bukang bibig nya. Ang swerte siguro ng magiging girlfriend nito.
"Eh, ano naman ngayon, diba? Sa ginagawa ko, masasaktan ba si Lance ? Hindi diba? Siguro nga magpapaparty pa un dahil nalaman nyang mahal ko sya at parang baliw na ako ngayon, diba?" Mas lalo akong naluha sa sinabi kong 'yon.
Grabe, hindi ko inaasahan na hahantong sa ganito ang lahat.
"Sa tingin mo ba, magiging masaya sya pag nakita ka nya ngayon?" nilingon ko lang si Jether. Sandali akong natigilan.
Sa totoo lang, ano ba talagang mararamdaman nya? Matutuwa ba sya , magagalak ,magpaparty o malulungkot?
"Hannah ..." napalingon ako dun sa nagsalita. Nakita ko si Lance na may hawak hawak na paperbag . Mukhang kagagaling nya lang sa 7 eleven. "Tara, kain tayo"
Pag-aaya nya sakin. Tumango lang ako at sumabay sa kanyang kumain. Masaya lang kaming nagkwentuhan. Hindi rin matanggal itong mga ngiti sa labi ko dahil deep inside sobra kong saya dahil kasama ko sya ngayon.
Napatungo na lang ako ng maramdaman ko na naman ang mainit na fluid na dumadaloy dito sa may pisngi ko. Kahit kailan talaga, naalala ko lang sya naiiyak na ako.
Diba, dapat isipin ko kung paano ako makakapagmove on dahil nalaman ko na ang totoo . Ung totoo na hindi naman nya ako gusto at hindi nya ako mahal. Dapat tigilan ko na ang sarili ko na mahalin ang isang katulad nya.
"Jether, be my boyfriend .." saad ko out of the blue. Nakita kong nabigla si Jether sa sinabi ko. Pero pagkatapos din ng ilang segundo ay naibalik nya ang sarili nya sa emotion nya kanina.
"I'd love to but ayokong maging panakip butas mo dyan sa puso mo. Ayokong mabahiran ng dugo ang sarili ko. Someday, you'll find that someone who will mend that broken heart of yours" napatulala ako sa sinabi nya. Parang sa sinabi nya biglang naglakbay sa kawalan ang utak ko. Isang lugar kung saan kahit anong takbo ko, hindi ko parin alam kung saan ako pupunta o kung kailan ako titigil sa pagtakbo.
Nung natauhan ako ay nilingon ko na si Jether pero paglingon ko ay walang Jether akong nakita . Napabuntong hininga na lang ako.
Grabe, ilang taon kong tinago ang lahat pero sa isang iglap ang tinago kong 'yon nasira at nawasak lang ng tatlong salita.
I promise. I promise na titigil na ang puso kong ito na magmahal para sa isang Lance Damian Villacruz. Mahirap man gagawin ko.
Dalawang buwan. Dalawang buwan kong tiniis ang lahat . At sa dalawang buwang 'yon mukhang naging okay na ang lahat. Mukhang nagbalik na sya sa pagiging heartbreaker nya. Kahit masakit , pilit kong tiniis ang lahat.
Tiniis ko ang lahat. Tiniis ko ang lahat na araw araw syang makitang may kasamang ibang babae. Tiniis kong makitang may kahalikan syang babae. At tiniis kong laging mag-isa.
Tiniis ko ang lahat ng 'yon dahil umaasa akong sa pamamagitan non mabubura na sya dito sa puso ko.
"Miss, pwedeng maki-share?" napa-angat ako ng ulo dun sa nagsalita. Literal na napatungaga ako sa kanya. Hindi ko alam kung sino 'tong lalaking to pero isa lang ang masasabi ko. Gwapo sya.
"Ahh . Ahh . Ahh" un na lang ang mga salitang lumalabas dito sa bibig ko.
Nakita ko syang ngumiti. Teka, parang familiar sakin ang mga ngiting 'yon .Parang nakita ko na 'yon dati, pero masasabi kong hindi 'yon kay Jether dahil simula nung nalaman kong sinagot na si Jether nung babaeng nililigawan nya , halos hindi ko na rin nakikita si Jether.
"Miss ..." sabi nya. Hindi ko na napigilan sa sarili ko na mapangiti. Grabe, ang cute cute nya.
"Oo, ang cute cute mo talaga" wala sa sarili kong sabi habang nakatulala lang sa gwapo nyang mukha.
Narinig ko naman syang natawa. At dahil sa tawang 'yon nabalik ako sa sarili ko.
"Ha?" and another laugh.
"Miss, sabi ko pwede bang maki-share ng upuan" sabi nya habang nakangiti . Kaya dahil sa ngiti nyang 'yan napangiti na rin ako.
Alam mo 'yon . Ung parang ayaw sayo ng lahat tapos may biglang darating na kasing gwapo nitong lalaking 'to. Gosh ! Blessing na 'to. Blessing.
Kanina bitter na bitter ako sa love. Ayoko sa lalaki dahil sinaktan ako ng isa pero ngayon gustong gusto ko ng love at love na love ko ang boys , well specially itong nasa harapan ko.
"O-oo ba. Sige" nakita ko naman syang napangiti. Am I flying ? Nasa cloud nine na ba ang mga paa ko.
Grabe, kinikilig na talaga ako. Teka, nahahalata nya ba ? Sana naman hindi.
Kaya para kahit papaano ay maitago ko tong kilig na nasa loob ko na kanina pa gustong kumawala ay naisipan ko na lang na ipagpatuloy ang pagkain ko.
Nakatungo ako habang kumakain pero hindi ko mapigilang hindi sya pasimpleng tinginan . Tae ! Ang cute cute at ang gwapo gwapo nya pero parang may kahawig sya , di ko lang talaga maalala.
"So, how's the food" kulang na lang na lang ay mabuga ko sa pagmumukha nya 'tong apple flavored juice na iniinom ko. Dahan dahan ko munag nilunok itong juice na iniinom ko bago ako sumagot sa tanong nya.
"O-ok lang.." Tae ! Bakit ako kinakabahan ng ganito ? Bakit nanginginig ang mga kamay ko. Last time I check, hindi naman ako pasmado pero ano 'to ? Nakakahiya . Baka ano na lang isipin ng gwapong 'to.
Narinig ko na namang syang tumawa. Gosh ! The feels. Pwede na akong matunaw. Ang gwapo gwapo talaga nya.
"Hindi mo naman kailangang kabahan. Wala naman akong balak na masama" Alam mo 'yung pakiramdam na sa sinabi nyang 'yon parang nahulog ka na sa gwapong nasa harapan mo ngayon. Grabe . Nakakainlove naman ito . Mabuti pa sya. Mabuti pa sya ,mabait di tulad ni La-- . Gosh ! Kalilimutan ko na lang. Hindi ako yayaman pag patuloy ko pa syang inisip.
"Kinikilig na talaga ako" bulong ko sa sarili ko. Napapikit na lang ako ng madiin at tumungo dito na para bang may kinukuha lang ako sa ilalim ng table pero ang totoo nyan ay kinikilig na talaga ako.
Ini-harang ko pa sa daanan ang paa ko . Gwapo gwapo nya talaga. Wala naman sigurong magtatangkang dumaan dito diba.
Nasa ilalim parin ng table itong ulo ko ng maalala kong baka kung ano ng isipin nitong gwapong 'to sakin. Kaya inangat ko ang ulo ko at pinagpatuloy ang pagkain ko na para bang walang nangyari . Hindi ko parin tinatanggal itong paa kong nakaharang sa daanan . Tiwala kasi akong wala namang magtatanggakang dumaan dito.
Siguro bulag na sya kung dadaan pa sya dito . Alam na nyang may nakaharang na paa dadaan pa sya diba.
Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko habang pasimpleng sinusulyapan itong lalaking tahimik na kumain.
"Tol, sinasabi ko na ang totoo. Mahal na mahal ko talaga sya" pagmamalaki lang nung lalaking nasa likuran ko.
"Okay, sabi mo eh --" hindi na natapos ni kuya ang sinasabi nya ng may naramdaman akong mga paa na dumaan sa paa ko.
Naging mabilis ang pangyayari. Hanggang sa napunta na lang ako sa sahig habang nakalagay ang kamay ko sa binti ko kasama ang dalawang lalaking 'to na halatang nasaktan .
Ang sama sama ng tingin sakin ng dalawang 'to. Naku ! Lagot na.
"Miss, minsan huwag mong ihaharang ang paa mo. Nakakasagi eh"napatungo na lang ako. Parang naiiyak na ako. Grabe, nakakahiya. Napahiya pa ako dahil sa kaanuhan ko.
"Let me lend you a hand" napaangat ako ng mukha. Nakita ko 'tong gwapong kanina ko lang kausap na ngayon ay inaabot ang kamay nya para tulungan akong tumayo.
Inabot ko naman 'yon at inalalayan nya akong tumayo. Wala sa sariling napayakap ako ng mahigpit sa kanya. Marahil dahil na rin sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon.
Alam kong halos lahat ng mga estudyante nakatingin sakin. Well, samin dahil ngayon nakayakap ako kay kuyang gwapo.
Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at isa isa ng bumagsak itong mga luha . I'm such a loser. I'm such a weak pathetic loser.
"Damian .." wala sa sariling napalingon ako dun sa tinawag ni kuyang gwapo na ngayon ay yakap ko. Sandali akong natigilan.
Bakit kailangan ko syang makita kung kelan may isang lalaking sumulpot sa kung saan na parang handa kong ibigay ang pag-ibig ko sa kanya. Na handa kong burahin sa puso ko si Lance at ipalit si kuyang gwapo dito.