HinovelDownload the book in the application

Chapter 11

Hannah Mikaella's Pov

Umuwian na . At magkakaroon na muli ako ng pahinga, ang sabi ng teacher namin magkakaroon daw kami ng tatlong araw na walang pasok dahil daw may pupuntahang seminar at kung ano anong kachu-chuhan ang eskwelahan at syempre dahil nga sa mabait ang manangement ng school na ito ay binigyan kami ng tatlong araw na walang pasok.

Aba , syempre mga naiingit ang mga neighborhood colleges and universities out there. Kasi ba naman tatlong araw. Ang tagal kaya nun. Ung bang 24 hours times 3 tapos pag nakuha mo na ang sagot ay hindi ka titigil dun dahil pagkakuha mo ng sagot ay hihimay himayin mo muna un. Iko-convert mo muna sa minutes, tapos seconds at hanggang sa mapunta ka sa multi-seconds. And before you know it, nakaubos ka na ng ilang minuto ng tatlong araw na binigay sa inyo. Ayos diba.

"Hannah .." napalingon ako dun sa tumawag sakin. Ahh. Kaklase ko pala. Si Gabie.

"Oh, Gabie" nakita ko namang ngumiti si Gabie. Oo nga pala, babae po si Gabie.

"Free kaba sa tatlong araw na darating ? Un bang wala kang pupuntahan or something?" nakakacurious naman yan .

"Wala naman, bakit?" nakakunot noong saad ko.

"Yes" bulalas nya habang tumatalon talon pa. Teka, anong nangyari dito ?

"Oh! Anong meron?" nakakunot noo paring tanong ko. Hindi ko kasi sya maintindihan. Anong meron at parang masaya pa sya.

"Ano kasi. Sasama ka ba samin para sa overnight swimming sa Le Villacruz Resort" bigla akong natigilan. Le Villacruz Resort ? Teka, resort nila Lance un ha .

Just thinking about the resorts name makes me want to go back to the past.

"Wow naman. Ang layo naman nito" saad pa ni Clare habang nililibot ang paningin sa lugar samantalang ako ay hindi ko matanggal ang ngiti dito sa king mukha. Grabe , ito na . Mamayang gabi ko na sasabihin sa kanya na gusto ko sya.

"Pasensya na kayo. Pero promise hindi kayo magsisisi , worth it ang lahat" napakamot ulong sabi ni Lance. Tinawag na rin nya ang mga tauhan ng resort para dalhin ang mga gamit namin.

Ang sabi kasi ni Lance ay nagstay daw kami sa resort kahit daw dalawang araw lang tutal wala naman daw pasok dahil bakasyon.

"Hannah, anong masasabi mo sa lugar?" tanong sakin ni Clare na hindi ko napansin dahil currently akong nakatingin sa gwapong mukha ni Lance.

"Hannah" halos pasigaw na nyang saad.

"C-clare .." nauutal ko pang saad . Pero hindi na sya nagsalita pa bagkus ay umiling iling na lang sya at sabay sabing ...

"Hoy, Lance kung magkatuluyan kayo ni Hannah . Ipangako mong dito kayo ikakasal ha." bigla akong namula sa sinabi ni Clare. Grabe , hindi ko inaasahan na sasabihin nya 'to.

"Oo ba. At anong kung ? Magkakatuluyan talaga kami . At magkakaroon kami ng apat na anak , diba Hannah?" sabi nya habang nakaharap sakin dahilan para mas lalong mamula ang mukha mo.

Napatakip na lang ako ng mukha habang naririnig kong inaasar kami ni Clare.

"Lance and Hannah sitting on a tree. K-I-S-S-I-N-G."

"Hannah" agad akong nabalik sa kasalukuyan ng marinig kong sumigaw ang kaklase ko. Napakamot naman ako ng ulo .

"Pasensya na" napangiti pa ako.

"Ayy, oo nga pala.Kaibigan mo pa pala nun si Lance siguro mahirap para sayo. Pasensya ka na—"

"No. No. Okay lang . Sa katunayan ay gusto ko ring magrelax"

DUMATING ang tatlong araw na wala kaming pasok. Magiging sinungaling na ako sa inyo kung sabihin kong hindi ako nagbubunyi dahil wala kamign pasok. Aba ! Syempre naman ako'y sobra sobrang nagbubunyi dahil 3days straight kaming walang pasok.

At pabayaan nyo na lang ako dahil ito na rin kasi ang way ko para papaano ay makalimot ako. Dun sa kissing scene namin ni Zake, ung nakita ni Lance na naghahalikan kami at ang lahat ng sakit na binigay sakin ni Lance.

Aaminin ko hindi ganung kadali na makalimot ako pero diba lahat naman ng malalaki nagsisimula sa maliliit diba ? Kaya ganun ang ginagawa ko ngayon.

Hindi ko parin kasi maiwasan na maluha kapag naaalala ko ang lahat. The fact na hindi na ako mahal ni Lance, at ung katotoohanang masama ang plano kong maging kami ni Zake na kapatid ni Lance.

Alam kong mali ung iniiisip ko at balak ko pero nakita ko kay Zake ung characteristics na wala si Lance. And sadly, hindi man lang makita ni Lance ang mga bagay na 'yon.

"Hannah, handa na ba lahat ng gamit mo ?" tanong sakin ni Papa dahilan para magbalik ako sa kasalukuyan . Tumango na lang ako at ngumiti .

"Opo, Papa" nakita ko namang ngumiti si Papa. Sinabi ko na rin kina Papa at Mama na ang overnight swimming namin ay sa Laguna. Oo, Laguna. Dahil dun located ang resort nila Lance.

At dahil sa kalayuan, hindi ako pinayagan nila Papa nung una pero kalaunan at sa rami ng pagpapaliwanag ko ay pumayag na rin si Papa. Ang sabi nya sakin, nagtitiwala sya kay Lance. At mabait na bata daw si Lance kaya papayagan nya akong sumama sa overnight swimming na 'to sa laguna.

Oo, tama kayo. Nuon kasi para pumayag si Papa sa swimming namin nun. Pumunta pa si Lance at Clare para lang mapapayag si Papa. At dahil nga sa hindi naman makakalimutin si Papa ay agad nyang naalala si Lance.

At alam nyo ba, nung mga panahong 'yon sabi ni Papa at Mama na botong boto daw sila kay Lance dahil mabait, responsable at mapagkakatiwalaan bata. Tapos nung mga panahong 'yon crush na crush ko palang sya pero ngayon mas malalim na 'tong nararamdaman ko para sa kanya.

"Saan ba kayo magkikita kita ng mga kaklase mo ?" tanong sakin ni Papa.

"Pa, ang sabi nila , susunduin daw nila ako —" hindi pa natatapos ang sinasabi ng biglang nagvibrate ang phone ko dahilan para kunin ko 'to sa may bulsa ko.

'Hannah, papunta na kami dyan. Be ready.'

Binasa ko ng malakas un text. Pagkatapos kong basahin 'yong text ay tiningnan ko si Papa. At nakita kong nag-aalala sya.

"Papa, what's wrong?" pero imbis na sagutin ako ni Papa ay niyakap nya ako ng mahigpit.

"Anak, ingatan mo ang sarili mo ha. Mahal na mahal ka namin ng Mama mo" hindi ko na napigilan ang sarili ko at isa isa ng bumagsak itong mga luha ko. Niyakap ko na rin ng mahigpit si Papa.

"Papa, mahal na mahal din kita" patuloy na pagbagsak luhang sabi ko. Pero hindi pa ako masyadong tumatagal na kayakap si Papa ng biglang lumabas si Mama habang may hawak hawak na tissue paper sa kanang kamay nya. At halata sa kanyang mukha na umiiyak sya.

"Mama .." kumalas ako sa yakap kay Papa at niyakap ko ng mahigpit si Mama. At katulad kanina ay naluha ako. Pero pakiramdam mas lalo itong luha ko ngayon.

"Hannah, mahal na mahal ka namin ng Papa mo ha. Ingatan mo ang sarili mo ha. Wag na wag kang magpapakalasing or better yet wag kang iinom. Ayokong magkasala ka sa Panginoon at makagawa ka ng bagay na pagsisisihan mo balang araw." mahabang lintaya ni Mama.

Mahal na mahal ko sila. Ganito rin sila Mama nung magswi-swimming kami nung nila Lance at Clare sa resort nila Lance pero bakit pakiramdam ko bakit parang mas malala pa yata ang iyak nila ngayon ?

Don't tell me ? NO. Hindi . Erase. Burahin sa utak ang hindi tamang thoughts. Tanggalin sa utak ang masasamang bagay.

Nananatili kong kayakap sina Papa at Mama ng biglang may kumatok sa may pintuan. Kumalas ako sa yakap sa kanila at gumuhit dito sa mukha ko ang kasiyahan.

"Ma, Pa" tiningnan ko muna sila bago ko buksan ang pintuan. Naglabas ako ng isang malalim ng buntong hininga bago ko tuluyang buksan ang pintuan .

At pagkabukas ko ..

"Hannah ..." sabay sabay nilang sabi . Hindi ko na napigilan at napangiti ako. Pakiramdam ko magiging masaya itong araw na 'to para sakin.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free