NAKATITIG lang ako sa masayang mukha ni Lance habang kumakanta. Naiinis ako, diba dapat ako ang hinaharana nya dahil a-ako ang girlfriend nya ? D-diba dapat ako ang nginingitian nya ng ganyan dahil matagal na akong may gusto sa kanya .Pero bakit parang nabali wala lang lahat ng 'yon .
Naikuyom ko na ang kamao ko at nagtiim bagang na ako. Pinagpatuloy ko lang ang pagtitig sa masayang mukha ni Lance ng isa isa ng bumagsak ang mga luha ko.
For crying out loud! I can't take this any longer.
Nagsimula na rin akong maglakad . Basta basta ko na lang hinahawi ang mga babaeng humaharang sa dadaanan ko. Wala na akong pakialam. Wala na akong pakialam kung magalit sila ngayon.
Pakiramdam ko may black aura na bumabalot sakin. At ang lahat ng humarang sa dadaanan ko ay hindi ako magdadalawang isip na tanggalin sya sa daraanan ko.
Kailangan kong gawin ang nararapat.
"Hoy, ano sa tingin mo ang ginagawa mo ?" tumigil ako sa paglalakad ng narinig kong nagreklamo ung babaeng nasa likuran ko. Mabagal ko syang nilingon.
"Ba-bakit ka na-nang-aapak ng paa?" nanginginig nyang tanong sakin habang hindi sya makatingin sakin ng diretso. Alam kong natatakot na sya. Pero wala akong pakialam . Hindi ko na sana sya papansinin pa pero tinulak nya ako sa limits ko.
Unti unti ko syang nilapitan habang sya naman ay umaatras. "Pa-pakiusap , huwag mo na akong takutin. So-sorry na" Pero hindi ko pinansin ang pagmamakaawa nya bagkus ay tiningnan ko lang sya ng parang kaya ko na syang patayin habang patuloy parin akong lumalapit sa kanya.
"Kulang ang salitang sorry para sa ginawa mo" straight face kong saad. May mga babae namang humarang sa daan dahil nanghingi ng saklolo itong babaeng 'to.
Napangisi lang ako. At may kung anong dinampot na malapit lang sakin. Aba! Kung sinuswerte ka naman talaga, isang tubo pa ng tubig. Lalo akong napangisi nung tiningnan ko ung tubo at pagkatapos dun sa mga babaeng pakilamera.
"Ate, please wag" pagmamakaawa nung isa pero pinagtawanan ko lang sya at walang awang pinaghahampas sila ng tubo. Lahat sila ay nagsibagsakan .
"A-aray" nanginginig na sabi nung isa. Sandali ko silang tiningnan habang suot suot saking mukha ang ngising 'yon. Napalingon sakin ang mga babae na kanina lamang ay nanunuod sa kalandian ni Lance pati nung babae nya. Tiningnan ko lang sila at hindi pa ako nagsasalita ay nagsikaripasan na sila ng pagtakbo.
"Only one to go" napalingon naman ako dun sa babaeng halos nakadikit na sa may dingding na hanggang ngayon ay nanginginig parin.
Nakatingin sya sakin at suot suot ng kanyang mga mata ang pagmamakaawa. Mabagal ko syang nilapitan habang ang mga mata ko ay diretso lang nakatingin sa kanya.
"Pakiusap . Gusto ko pang mabuhay" pagmamakaawa nya pero wala akong pakialam sa kanya. Sinipa ko lang ang mukha nya dahilan para bumagsak sya at ngumudngod sya sa sahig.
"A-ano bang ginawa kong masama sayo?" nanginginig na saad nya. Aba ! Magaling ah . Pinipilit nya pa talagang tumayo. Wala naman syang laban sakin.
"Sinira mo ang lahat. Maisasagawa ko ang plano ko pero umeksena ka kaya walang kapatawaran ang ginawa mo. Oras na para mamatay ka" tinaas ko ang tubo na hawak ko at sa isang iglap ay naging espada ito. Napangisi ako . Sandali kong tiningnan ang espada at pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin sa babaeng 'to.
"Any last words, mistress?" itinutok ko na sa leeg nya ang espada. Sobrang bilis ng paghinga nya na akala mo ay hinahabol sya ng ilang mga elepante. Napapikit na rin sya. Napangiti naman ako at ...
"You know, hindi tama ang ginagawa mo. Killing a person in your imagination is like killing a person in reality. Hindi matutuwa si God sa ginagawa mo" agad namang akong napamulat . Nagpalingon lingon ako. Teka, hindi nangyari ung ..
"Seriously , Hannah, that's not you" napalingon naman ako dito sa kanan ko. Halos mapatalon na ako sa gulat. Napalagay ako ng kamay ko sa may bandang puso.
"Anong ginagawa mo dito?" pero dahil nga sa hindi ko mawariang kadahilanan iba ang isinagot ng lalaking 'to.
"Kung sa tingin mo hindi pagpatay ang ginagawa mo kanina, nagkakamali ka. Kung pinapatay mo ang isang tao sa utak mo ay parang pinapatay mo na rin sya sa realidad." natigilan naman ako sa sinabi nya at napatingin lang ako sa kanya. Nakita ko syang ngumiti at may sinabi uli sya pero hindi na sya nakatingin sakin.
"It's written in the bible. The Lord Jesus Christi Himself said those words" un na lang ang sinabi nya at pagkatapos nung paglingon ko muli sa kanya ay bigla na lang syang nawala na parang bula.
That person is really mysterious.
Nilingon ko na lang ung lalaking nasa unahan habang hinaharana nya ung babae. Aminin na natin, nasasaktan , naiinggit , nagseselos ako pero may salitang nakaharang na 'Hindi naman kami' . Wala akong karapatan dito sa nararamdaman ko.
Tumalikod na ako at humakbang ng isa . Naramdaman ko na lang na nagiinit na ang mga mata ko. Kaya kahit pigilan ko man ay natalo parin ako dahil isa isa ng bumagsak ang mga luha ko.
"Lance, mahal kita" bulong ko sa sarili ko. Muli ko uli syang nilingon habang patuloy ang pagbagsak nitong mga luha ko. Pero pagkatapos din ng ilang segundo ay binalik ko na ang tingin sa daan at nagsimula na akong maglakad papaalis.
Habang ang mga babae dun ay nananatiling masayang nanunuod dun sa dalawang tao na mukhang mahal na mahal naman ang isa't isa.
Sabagay , ano nga bang laban ko sa dalawang 'yon. Mahal nila ang isa't isa, samantalang ako , ako lang naman ang nagmamahal kay Lance at panigurado hindi nya alam na mahal ko sya.
NUNG nakalayo na ako sa kanila ay kumaripas ako ng takbo. Takbo lang ako ng takbo kahit wala naman akong patutunguhan. Bahala na. Mukhang ok na 'to para makalimot ako.
Takbo lang ako ng takbo dito ng parang bigla na lang bumigay ang mga tuhod ko at napasalampak na lang ako sa may sahig.
"Ma-mahal . Ano ba talaga ang ibig sabihin ng salitang pagmamahal?" saad ko habang patuloy na umiiyak.
Napatakip na lang ako ng mukha. Nakakahiya naman talaga oh. Ako na nga lang 'tong magmamahal sa maling tao pa talaga.
Nag-angat ako ng tingin sa kalangitan. Mukhang sobrang payapa.
Lord, kung nyo po nilaan si Lance sa buhay ko kayo na po ang bahala pero kung nilaan nyo po sya sakin , tatanggapin ko po sya ng buong buo . Tulungan mo ako Lord.