HinovelDownload the book in the application

Chapter 10

Hannah Mikaella's Pov

Napakabilis ng pangyayari because the next thing i knew was Zake is already lying on the ground with a blood on his lips. Napalingon agad ako sa taong nasa kanan ko and there I saw Lance with that anger in his eyes. Sa nakikita ng mga mata ko ngayon, should I ask myself kung si Lance ba talaga ang taong 'to ?

Sandali syang nakatingin kay Zake na hindi parin nakakatayo at pagkatapos ay nilingon nya ako at pagkatapos ay basta basta na lang nya akong hinila.

Habang hinihila nya ako papunta sa kung saan ay wala na akong ginawa kundi magpumiglas at magsisigaw pero parang bingi 'tong kasama ko at hindi ako naririnig.

Nalagpasan namin ang isang grupo ng mga babae na masama ang tingin sakin. Hindi ko na lang pinansin 'yon at nanatili na lang ako sa pagpupumiglas hanggang sa tumigil kami sa isang lugar dito sa campus.

Hindi na ako nagaksaya ng panahon pa ay sinampal ko sya. At dahil sa sampal na 'yon natigilan sya, napangisi naman ako.

"Anong eksena na naman ba ang ginawa mo kanina ha?" tanong ko sa kanya. This time , matalim na tingin na ipinukol ko sa kanya . Well, ganun din sya.Great . Maganda 'to parehas kaming galit sa isa't isa.

"It's not a scene. It's helping" sagot nya habang iniiwas ang tingin . Well, in a nakakaasar na way.

"Oh, for crying out loud! Saang parte ng eksena mo kanina ung sinasabing mong pagtulong?" iritable kong saad . Naiinis na talaga ako sa isang 'to.

"Are you some kind of blind?" hindi ko na kaya ang nangyayari. Lalo lang akong naaasar sa kanya . At sa tingin ko, mukhang wala namang patutunguhan itong pag-uusap namin kaya tinalikuran ko na lang sya.

"Great. That's your way of denying it? You know what, Hannah sa ginagawa mong 'yan pinapakita mong mas malala ka pa sakin. Pinapakita mong mas masama ka pa sakin ..." hindi ko na kinaya ang sinasabi nya kaya hinarap ko na sya at pinagsasampal ko sya. Hindi ko sya titigilan.

"Crap. Stop it already" galit na saad nya pero hindi parin ako tumitigil sa pagsampal sakanya. Hanggang sa nuong napagod na ang mga kamay ko at napagod na ako ay tumigil na rin ako.

"Lance, you don't know what I'm feeling. Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan. Sa araw araw na lang , iba ibang babae ang kasama mo tapos pinaparamdam mo sa kanila na mahal na mahal mo sila . Pero ako? Paano naman ako ? Matagal na akong nasa tabi mo ah ? Paano naman ako?" And that's it. Nagsibagsakan na ang mga luha ko. Akala ko kanina , makokontrol ko pero hindi pala. Mahina parin pala ako kagaya ng dati. "Matagal na akong nasa tabi mo. Kaibigan mo ako. Tiniis ko lahat pero nung isang beses lang. Gosh ! Isang beses lang , sinaktan mo ako. Akala ko malala na lahat ng pananakit mo sakin pero hindi . Ang sama sama mo. Ang sakit sakit ng tatlong salitang 'yon" napatakip na ako ng mukha habang umiiyak. Alam kong wala naman syang pakialam sa lahat ng sinasabi ko pero gustong malaman nya kahit mukhang wala namang halaga para sa kanya.

"Tapos ngayon , aarte ka na parang apektado ka. Aarte ka na parang may nararamdaman ka para sakin ? Aarte ka na parang mahal mo ako ? Please . Maaawa ka Lance, kung panibago mo na namang 'tong trip , pakiusap maawa ka sakin. Lance, gusto kong maging masaya . Gusto kong maranasan din na mahalin at magmahal na ni minsan ay hindi mo pinaranas sakin. Lance ... "

Lance Damian's Pov

Marahas nyang pinunasan ang mga luha nya. May kinuha akong panyo mula sa bulsa ko at inabot ito sa kanya pero tinabig nya lang ang kamay ko dahilan para mabitawan ko ang panyo.

"Lance, ayoko na. Nakakasawa ng masaktan . Nakakasawa ng saktan ng taong hindi ka naman mahal. I've made my decision, I will find someone better. Magmo-move on na ako. Pero mukhang this is the first time na nakikisama ang tadhana dahil nakilala ko ang kuya mo. Siguro kailangan ko ring magpasalamat sayo. Alam mo kung bakit ? Dahil kung hindi mo ako sinaktan ng ganito, maaaring hindi ko magugustuhan ang kuya mo" at pagkatapos nyang sabihin 'yon ay iniwan na nya ako.

Bakit parang biglang tumigil ang mundo ? Bakit parang tanging pagkasira ng puso ko lang ang tangi kong naririnig ?

Hindi ko na napigilan at isa isa ng bumagsak ang mga luha ko. At dahil na rin sa frusration ay sinuntok ko ang pader. Hindi naman nagkaroon ng marka sa pader pero nagpatuloy lang sa pagdugo itong kamao ko. Napangi pa ako.

Alam kong parang kabaliwan kong ginagawa ko na nakangisi pa ako habang pinagmamasdan ang patuloy na pagdugo nitong kamao ko pero wala lang 'to.

Mas masakit parin itong iniinda ng puso ko. Kasalanan ko ang lahat kung bakit nagkaganito at kung pipigilan ko si Hannah sa kagustuhan nya ay parang lalo ko syang sinaktan .

Kaya nakapagdesisyon na ako. Kahit masakit . Tatanggapin ko ang napili mong desisyon.

"LANCE, little brother nandito ka pala" nakangisi nya pang saad ng puntahan ko sya rito sa may condo nya.

"Binabalaan na kita . Ingatan mo si —" hindi na nya pinatapos ang sinasabi ko dahil sumabat na sya.

"Oh! About that ..." at natatawa nya pang saad.

Bigla akong nakaramdam ng kaba at inis.

"Anong ginawa mo sa kanya?" agad ko syang kinuwelyuhan pero nakangisi lang sya dahilan para mas lalo akong maaasar.

"Wala pa naman pero ingatan mo sya . Wait, Oh! Oo nga pala galit nga pala sya sayo" at tumawa pa sya dahilan para mabitawan ko sya.

Nagtiim bagang na ako at naikuyom ko na rin ang kamao ko. At talagang ginagalit ako ng isang 'to.

"Wag mong idamay si Hannah sa away nating magkapatid" i said through gritted teeth. Pero tumawa lang sya at sa hindi ko inaasahan ay bigla na lang nya akong sinuntok dahilan para mapahiga ako sa sahig.

"Akala ko kilala mo na ako pero hindi pa pala. Mahina ka parin kagaya ng dati. Lance, alam kong alam mong hindi ako patas lumaban kaya sinasabi ko na sayong ingatan at bantayan mo sya" tatayo na sana ako ng bigla nya akong sinipa.

At tumalikod na sya. Pero hindi pa sya masyadong nakakalayo ay muli syang nagsalita. "Wala naman talaga akong balak na idamay pa sya pero dahil sa sumali na sya sa laro. Gagamitin ko na sya para masira ka"

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free