HinovelDownload the book in the application

Chapter 1

Jonelle's Note :

This chapter is dedicated to you Ms. Darn. I like your story entitled "Never Fall In Love to a Gangster" at ung kay Bench. I like that too.

Maski ako , hindi ko alam kung sinong pipiliin kina Jai at kay Jullian. Un lang. :D

Hannah's Pov

"Lance, si Clare" kinakabahan kong hinawakan ang braso nya pero tinabig nya lang ako dahilan para mapalayo ako sa kanya . Natigilan ako. Anong nangyari sa kanya ?

"Lance, okay ka lang ba?" pag-aalala ko sa kanya. Nandito kasi kami sa school at nagkaroon kasi ng biglaang meeting ang mga teacher kaya heto kasama ko sya.

At aamin ko , masaya ako dahil kasama ko ngayon si Lance, sinabi ko na ba sa inyong gusto ko sya ? Hindi lang pala gusto kundi gustong gusto.

Pero nung naging sila ni Annika, nilayuan ko sya. Nasaktan ako pero ano nga bang magagawa ko ? Kailangang kong gawin 'yon , para maging maligaya si Lance gagawin ko lahat kahit ako pa ang masaktan . Ganun ang nararamdaman ko sa kanya.

Alam mo ba sweet yan . Lalo na nung nandito pa si Clare sa pilipinas kaso ngayon , para na syang bulang nawala . Nakakainis nga ung mga tsimosa dito sa campus, kesyo nagpatiwakal daw dahil hindi kinaya ang sakit dahil iniwan sya sa ere ni AJ. Mga epal sa buhay, bat di na lang nila pakialam ang buhay buhay nila hindi ung naninira sila ng buhay ng iba .

Well , balik samin ni Lance.

"Just leave me alone" sigaw nya sakin dahilan para maging estatwa ako dito . Ito ang unang beses na sigawan nya ako. At ngayon , alam kong wala akong nagawang mali.

Nilapitan ko sya pero tinulak nya ako at lumayo sya sakin. "Lumayas ka nga , hindi kita kailangan dito. Lahat kayo manggagamit" natigilan ako sa sinabi nya. Manggagamit ? Bakit nasali ako sa issue ng buhay nya ?

"Bakit ako nasali sa issue nyo ni Annika?" there nasabi ko na. Bitter pa kasi Lance , kahit isang taon na ang lumipas bitter parin sya.

"You really want to know the truth? Dahil babae ka" sigaw nya sakin na nag-echo sa buong paligid. Dahil sa pagkabigla ay napaupo ako sa sahig. Parang hindi na si Lance 'tong nasa harapan ko. Parang ibang tao na 'to. Hindi ko na sya kilala.

"Da-dahil ba-babae ako?" nanginginig na wala sa sariling pag-uulit ko na hindi ko na napansing ginamit na panahon ni Lance para lapitan ako .

"Akala ko kaibigan kita pero isa ka sa mga taong nagtulak sakin para gawin ang bagay na 'to" at pagkatapos nyang sabihin sakin 'yon ay basta na lang syang umalis ng hindi nya nililinaw ang kanyang sinabi. Hindi ko sya maintindihan . Ano bang ibig nyang sabihin dun sa sinabi nya ?

Nako naman Clare, nasaan ka na ba ? Bakit wala ka ngayong kailangang kailangan kita. Clare, hindi ko maintindihan si Lance ngayon at alam kong ikaw lang ang makakaintindi sa kanya pero wala ka.

Napabuntong hininga na lang ako at pinikit sandali ang aking mga mata at sandaling nanalangin.

Panginoon, kung nasaan po si Clare ngayon nawa po'y okay lang sya. Kinakabahan po ako , pero ang sabi nyo po wag pong mag-alala at magtiwala po sa inyo. Nagtitiwala po ako sa Inyo at Lord, kayo na rin po bahala kay Lance, lately hindi ko pa sya maintindihan eh

At pagkatapos ng panalanging 'kong 'yon ay kahit masakit parin ang pang-upo ko ay pinilit kong tumayo. Pinipigilan ko ring umiyak dahil ayaw kong iparamdam sa sarili kong mahina ako. Marami na akong problemang napagdaan at nalagpasan ko ang lahat ng 'yon ito pa kaya. Kakayanin ko 'to tutulungan ako ni Lord.

NANG mga sumunod na araw ay mas lalo akong naguluhan kay Lance. Alam mo 'yun, nung nandito pa si Clare lagi kaming magkasama pero ngayon lagi na lang akong magisang nagla-lunch. Hindi ko tuloy mapigilang malungkot. Iniisip kong ano kayang ginagawa ni Clare ngayon at nasaan kaya sya ? Hindi rin kasi ako naniniwala sa kumakalat na isyu dito sa school.

Tapos nitong mga sumunod na mga araw mas naguluhan ako sa mga nalaman ko. Si Lance, may bago ng girlfriend ? Hindi ko napigilan sa sarili ko ang masaktan pero ano bang magagawa ko ? Kaibigan ko sya kailangan ko syang suportahan sa mga bagay na makakapagpasaya sa kanya.

Natagpuan ko si Lance na nandito sa isang silid dito sa school na hindi masyadong ginagamit dahil nitong mga nakakaraang school year kakaunti ang nag-enroll.

Akala ko nung una si Lance lang kaso nagkamali ako dahil pati pala ung bago nyang girlfriend nandito . Nakaakbay lang si Lance dun sa babae habang masaya silang nagkukwentuhan. Pero panigurado ko may nagbago dito kay Lance. Dahil alam mo yun, nag-ayos talaga sya. Kasi dati hindi talaga 'to nag-aayos. Kahit nung sila pa ni Annika , hindi yan nag-aayos pero ngayon ...

Nakita kong hinalikan ni Lance ung babae at mas kinabigla ko ung mga sumunod na nangyari. Unti unting gumalaw ang mga labi ni Lance at ganun din ang babae.

Pinilit kong wag maging maingay dito sa pwesto ko at para hindi nila mahalata na nandito ako at pinapanuod sila. Aaminin ko kahit masakit para sakin makita ang mga ganitong eksena ay kailangan kong tanggapin.

Kaibigan ko si Lance. Mahal ko sya pero hindi nya ako mahal.

Naramdaman ko na lang uminit ang mga mata ko at parang ilang segundo na lang ay babagsak na ang mga luha ko kaya napakagat ako sa lowerlip ko habang pinapanuod na patuloy lang sila sa paghahalikan dun at habang nilalagay nung babae ang kamay nya sa may likod ng leeg ni Lance.

Madiin akong pumikit at nagdesisyon sa sarili kong aalis na lang ako para kahit papaano ay hindi na madagdagan pa ang sakit. Marahas ko na ring pinunasan ang mga luha ko at tumalikod na at hahakbang na sana ako ng marinig kong sumigaw si Lance.

"AYOKO NA. BREAK NA TAYO" sigaw ni Lance dahilan para bumalik ako sa pwesto ko kanina. Anong nangyari sa dalawang 'to?

"But, darling ? Why are you breaking up with me?" malandi pang saad nung babae habang nilalapitan si Lance at hinahawakan ang mga kamay nito pero tinabig lang ito ni Lance.

"Why do you care anyway ? Ayoko na sayo . Tapos!" at pagkatapos ay iniwanan nya ung babae na nakanganga. Oo, literal na nakanganga. Sabagay, maski ako nabigla sa sinabi ni Lance . Hindi ko inaasahan na ganun sya ka-hard. Grabe, hindi na naawa dun sa babae. Babae 'yon.

"Ano namang ginagawa mo dyan?" napalingon ako dun sa nagsalita . Si Lance. Gosh ! Lagot na ,nalaman na nyang nandito ako.

"Ano kasi .."

"Just shut up" hindi na nga nya ako pinatapos sa sinasabi ko , aalisan nya pa ako. Ayos ah.

Ano ba talagang nangyari sa isang 'to ? Hindi ko talaga sya maintindihan. Kanina nung pinapanuod ko sila, mukhang mahal na mahal nya ung babae nakaakbay pa nga sya kanina eh tapos ganun ganun na lang nya 'to iiwan.

Grabe. Naging playboy na ba ang kaibigan ko ?

Wala sa sariling muli kong binaling ang paningin dun sa loob ng silid kung saan iniwan ni Lance ung babae. Nakita ko ung babae na umiiyak na ngayon at hindi lang talaga iyak kundi hagulgol talaga.

Gosh! Could this be that ... Ung kaibigan kong minahal ko. Ung kaibigan ko.

Could this be that I Fell In Love with the Heartbreaker.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free