HinovelDownload the book in the application

Chapter 6

"UMPISA pa lang 'yan" napalingon ako dito sa may kanan ko. Nakita ko si Jether na nakatingin sa kalangitan pero alam ko, ako ang kausap nya.

Pinunasan ko ang mga luha ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Magpakatibay ka ha" ibinaba na nya ang kanyang tingin sakin. Nakita kong ngumiti sya at maaaring dahil na rin sa mga ngiting 'yon ay napangiti na rin ako. Siguro , pinadala sya sakin ng Lord para magbigay ng wisdom .

Sandali kaming nabalot ng katahimikan hanggang sa biglang nagbalik sa isipan ko ang katanungan ko kanina na hindi ko naisaboses.

"Jether, bakit bigla ka lang sumusulpot" diretsahang tanong ko sa kanya. Nakatingin lang sya sakin. At sa tinging 'yon hindi ko nakita na nabigla sya bagkus ay diretso lang syang nakatingin sakin.

"Hindi ba mas maganda na bigla na lang akong dumarating sa oras na kailangan mo ng balikat na pwede mong iyakan?" natigilan ako sa sinabi nya. Medyo may tama sya pero hindi parin napapaliwang nito ang dahilan kung bakit bigla bigla na lang syang sumusulpot.

"Oo, pero ..." hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng sa muli kong paglingon sa kanya ay nakita ko syang papaalis na. Naguguluhan talaga ako sa lalaking 'yon pero bakit ganun ? Bakit ko man lang nagawang habulin sya ?

DUMATING ang uwian at naglalakad na ako sa may hallway ng sa hindi inaasahan ay nakita kong nakaharang sa dadaanan ko si Lance. Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan ko sya. Nakatingin lang sya sakin.

Teka, anong ibig sabihin ng mga tinging 'yan ?

"Lance ..."

"Are you cheating on me?" walang kaabog abog na saad nya. Napakaseryoso ng mukha nya. Hindi mo mababakas dito na nagbibiro lang sya. Lance, ano ba talaga ang totoo ?

"Anong --"

"Anong relasyon nyo ng lalaking 'yon?" ngayon nakatiim na sya ng bagang . Kinabahan na ako. Anong balak nya ?

Naglabasan na rin ang mga gabutil na pawis saking noo. Napaatras ako nung nagwalk forward sya sakin. Ganun lang ang ginawa ko, naglalakad ako papaatras habang sya nagmo-move forward hanggang sa hindi kinatagalan ay napasandal na ako sa pader.

Gusto kong tumakas kaso para akong preso na kinulong ni Lance. Hinarangan nya ang mga bisig nya para hindi ako makatakas.

Lalo akong napasandal sa pader nung nilapit ni Lance ang kanyang mukha sakin. Hindi ko alam kung anong gagawin 'ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang na hinawakan na ni Lance ang pisngi ko.

Para akong nabato ng ilang segundo. Napatulala lang ako sa kanya pero ginamit nya ang pagkakataong 'yon para nakawan ako halik. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit napapikit pa ako at hindi ko sya tinulak. Alam ko sa sarili kong nakalagay na ang dalawa nyang kamay sa mukha ko pero parang wala akong lakas na itulak sya.

Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagre-respond sa mga halik na binibigay nya sakin. Nilagay na rin nya ang mga kamay nya sa likod ng bewang ko samantalang ako ay ipinulupot ko ang mga kamay ko sa may batok nya.

Nanatili lang kaming ganun ng ilang minuto ng ako na mismo sa sarili ko ang unang humiwalay sa halik. Nakita ko syang nainis. Samantalang ako ay napatungo na lang dahil sa kahihiyan.

Grabe ! Sinong mag-aakala na ito ang first kiss namin ni Lance. Matagal ko na 'tong pinangarap tapos heto na sya naganap na. Hindi ko alam sa sarili ko kung masaya ba ako o ano ?

"You proved me wrong. Pwede ka na rin palang pagtyagaan" napa-angat ako ng tingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Don't tell me. Oh no !

"Tch! Don't worry . Hindi ko gagawin 'yon sayo. I wasn't planning to do that to my toys" at pagkatapos nun umalis na sya.

Great . Just great. First hinalikan nya ako and then sasaktan nya ako. He's really a heartbreaker. At anong tingin nya sa sarili ? Tapos laruan ? Tinawag nya akong laruan. Anong klase sya.

Kaya ang ginawa ko ay tumakbo ako para mahabol sya . Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa naabutan ko sya. Nakakainis naman kasi, ang haba haba ng pata nya hindi ko sya maabutan .

"Ano na namang kailangan mo?" iritableng saad nya.

"You're treating me like a toy , tama ba ? Nalimutan mo na ba na ako si Hannah , kaibigan mo ako"

"And then? Anong pakialam ko? Listen , Hannah, people change" hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal ko sya. Ung sampal na alam kong magiiwan ng marka. Natigilan sya at natulala .

"Anong karapatan mong sabihin 'yan ? Wala ka talagang puso mo?" hindi ko na napigilan ang sarili ko at isa isa ng bumagsak ang mga luha ko. "Gosh! For crying out loud ! Lance, ang tagal kong nagtiis . Ang tagal kong tinago sa sarili ko ang nararamdaman ko para sayo . Tapos ano 'to ? Tatapakan mo lang ako ? You're treating me like a toy ! Hindi mo lang ako napansin" napatakip na ako ng mukha habang patuloy parin ako saking pag-iyak.

"You don't know what you're talking about." at tumalikod na sya pero hinila ko lang ang damit nya dahilan para humarap muli sya.

"Kung sa tingin mo hindi ko alam ang sinasabi ko. Go , explain it. Ipaliwanag mo kung bakit nasasaktan din ako. Ipaliwanag mo kung bakit alam mo sa sarili mong ikaw lang ang nasaktan pero may isa pang taong nasasaktan dahil sayo"

Tumungo sya. "Hangga't maaga pa tigilan mo na 'yang kalokohan mo"

Hindi ko na kaya . Kanina pa ako nagtitimpi. "PAANO KO TITIGILAN KUNG PUSO KO MISMO ANG SUMISIGAW. MAHAL KITA LANCE, MATAGAL NA" nag-echo sa buong paligid ang sinabi ko.

Nakita kong natigilan sya. Siguro'y hindi sya naniniwala, sabagay sino naman maniniwala sakin diba ? Ilang taon ko rin 'tong tinago at wala ni isa ang nakahalata. Si Lance pa kaya diba ?

"I'm sorry . Hindi kita mahal" at pagkatapos nun ay iniwan nya ako. Napaupo lang ako sa sahig habang patuloy lang sa pagbagsak itong mga luha ko.

Masakit palang tanggapin na sa mismong bibig pa talaga ng taong mahal mo , mo mataman na wala ka namang puwang sa puso nya. Na hindi ka nya mahal.

Bakit ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Napakamalas ko naman. Sa isang heartbreaker pa talaga ako nagmahal.

Lance Damian's Pov

"PAANO KO TITIGILAN KUNG PUSO KO MISMO ANG SUMISIGAW. MAHAL KITA LANCE, MATAGAL NA"

"I'm sorry . Hindi kita mahal"

Tumatakbo na ako dito sa may hallway kahit wala naman akong patutunguhan pero paulit ulit paring nagpapaulit ulit sa isipan ko ang pangyayari kanina.

Nasaktan ko sya.

Napaupo na lang ako dito sa sahig at nung pag-upo ko ay syang isa isa ng pagbagsak nitong mga luha ko. Naiinis ako sa sarili ko . Pati ang kaibigan ko sinaktan ko.

"Anong karapatan mong sabihin 'yan ? Wala ka talagang puso mo?gosh! For crying out loud ! Lance, ang tagal kong nagtiis . Ang tagal kong tinago sa sarili ko ang nararamdaman ko para sayo . Tapos ano 'to ? Tatapakan mo lang ako ? You're treating me like a toy ! Hindi mo lang ako napansin"

"You don't know what you're talking about."

Kung alam mo lang talaga ang lahat Hannah. At kung alam ko lang sa sarili ko kung paano tatanggalin itong galit na 'to di sana matagal ko ng napasaya ang babaeng muling napatibok dito sa puso ko.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free