HinovelDownload the book in the application

Chapter 8

Hindi ko na napansin na nakaalis na pala ung dalawang lalaking kasama kong nakaupo sa sahig kanina at hindi na rin nakatingin sakin ung mga estudyante dito pero nananatili parin akong nakatingin kay Lance.

Hanggang sa hindi ko na napansin na isa isa na palang bumabagsak itong mga luha ko. Mukhang napansin naman ito ng lalaking gwapong kasama ko kaya tinanong nya ako.

"Okay ka lang ba?" tumango na lang ako. At pagkatapos ay sumagot ako ng oo.

Napatingin na naman ako kay Lance. Sa totoo lang , ang awkward ng pakiramdam ko kaya aalis na lang ako.

Kaso, sa hindi ko malamang dahilan ay pinigilan ako ni kuyang gwapo na ang cute cute .

"Oh ? Aalis ka na?" nakangiti nya pang sabi. Sa totoo lang , kung wala 'tong si Lance sa eksenang 'to ng buhay ko ay maaaring kinikilig na ako ngayon at marahil ay nakasalampak na ako sa sahig at nagtatalon sa sobrang kilig pero hindi ko magawa .

Alam nyo ba kung bakit ? Dahil nandito lang naman ang lalaking sumira at nagwasak dito sa puso ko. Oo, sinira at winasak nya at ang masakit pa inapakapakan nya ba . Hindi na sya naawa sa isang tulad ko. Matagal na akong may gusto sa kanya.

Matagal kong tinago ito tapos ngayong nagkaroon ako ng lakas ng loob na umamin tyaka nya sinabi ang tatlong salita na sumira at nagwasak dito sa puso ko.

Napaka-insenstive nya diba? Tapos nandito sya. Nandito sya habang kasama ko tong lalaking gwapo na tinatak ko na sa sarili kong magiging boyfriend ko kahit sa pasimula ay maging panakip butas lang sya.

Sabagay , ano nga bang mapapala ko kung hindi ako kukuha ng panakip butas diba ? This is my way of moving on pero wala. Sinira nya ang chance ko. Sinira nya.

"Oo, pasensya ka na bigla na lang kasing sumama ang pakiramdam ko" pagiinarte ko. Mukha namang maniniwala na'tong si kuyang gwapo ang kaso nga lang maglalakad na sana ako papaalis ng biglang hawakan ni Lance ang kamay ko.

Natigilan ako bigla. Para akong napaso nung bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Pero hindi ako nagpahalata sa naramdaman ko kaya pilit ko lang kinukuha ang kamay ko pero ayaw nyang bitawan ito.

"Let go of my hand!!" wala sa sariling saad ko. Hindi ko napansin na nasaboses ko pala 'yon. Nasa utak ko lang ang thought na 'yon pero dahil siguro sa pagkairita ay nasabi ko na lang without thinking.

"Damian, why don't you let go of her hand" napalingon naman ako dun sa nagsalita . Hindi ko napansin na hanggang ngayon pala ay nandito parin 'tong si Kuyang Gwapo.

"You're not the boss of me, Zake" napalingon ako kay Lance dahil may pagkairita ang tono ng pananalita nya. Diretso lang syang nakatingin dito kay kuyang gwapo. Ung mga tingin na may galit sya.

Teka, ngayon ko lang napagtanto. Zake pala ang pangalan ni kuya. Pero kaano ano nya si Lance?

"Such childish act, Lance. Sa tingin mo ba matutuwa sina Papa sa ugali mong 'yan ?" para akong nabato ng ilang segundo dito sa kinatatayuan ko. Teka, I have a hint na kilala nila ang isa't isa pero kung magkakilala sila , bakit hindi ko kilala si Zake ?

"Ano naman sayo 'yon ? Diba matutuwa ka pa dahil maibibigay nila sayo ng buong buo ang kumpanyang matagal mo ng hinangad" Ipaprocess ko palang sana sa utak ko ang sinabi ni Lance ng walang pasabing bigla na lang nya akong hinigit at dinala sa kung saan.

Kumpanya ? Buong buo ? Hinahanggad ? Agad akong tumigil at pilit na tinatanggal ang pagkakakapit ni Lance sa pulso ko.

"Ano na naman bang balak mo ha ?" iritable nyang tanong .

Tiningnan ko lang sya ng masama. At tinabig ang kamay nyang balak na namang hawakan ng mahigpit ang pulso ko.

"Tell me the truth" diretsang saad ko pero tinalikuran nya lang ako and the next thing I knew was hinihingit na naman nya ang pulso ko.

Kaya nung hindi na ako nakapagpigil ay agad ko syang nasampal gamit ang free hand ko. At dahil sa ginawa ko ay nabitawan nya ang kamay ko at tumigil rin sya sa paglalakad.

Pero hindi ko parin inaalis ang masamang tingin sa kanya.Gosh ! Naaalala ko na naman, okay na sana ako kung hindi lang talaga sya umeksena.

"Lance, tell me the truth" paguulit ko sa sinabi ko kanina. Hindi nya lang ako tiningnan . Nung una akala ko hihigitin na naman nya ako pero nagkamali ako dahil narinig ko syang naglabas ng isang buntong hininga.

"Anong gusto mong malaman?"

"Lahat ! Lahat lahat kung bakit bigla ka na lang umeksena . Lahat kung saan anong koneksyon mo kay Zake" awtoritadong saad ko. Bahala na.

"I just don't want to see my friends to get hurt -" hindi ko na sya pinatapos sa kanyang sinasabi ng bigla na lang lumipad ang palad ko sa mukha nya. Oo, sinampal ko sya .

"Hindi ko alam kung nagpapatawa ka ba o sadyang iniinis mo lang talaga ako"

Akala ko matatakot ko sya pero parang ako pa ata ang natakot nya dahil nakita ko syang napangisi pero ayokong matuwa sya dahil naramdam ako ng takot kaya tinago ko ang takot ko.

"You really don't know everything ..."makahulugan nyang saad na mas lalong natulak sakin na alamin ang lahat. Alam kong mali ang maging tsismosa pero iba ang pakiramdam ko sa lahat. Pakiramdam ko may koneksyon ito sa kin. Pasensya na kung may pagka-assumera ako pero hindi ko lang talaga mapigilan sa sarili ko 'tong nararamdaman ko tungkol sa totoo.

"Then tell me everything." diretsahang saad ko. Nilapitan ko sya at hahawakan ko na sana ang kamay nya kaso bigla kong naalala na baka ipagtulakan lang nya ako muli kagaya nung basta na lang nawala si Clare na parang bula.

Tinalikuran ko na lang sya at aalis na sana ng marinig ko syang nagsalita.

"Kung sa tingin mo, mas bagay kayo ni Zake nagkakamali ka. Sasaktan ka lang sya at iiwang luhaan. Paiibigin ka lang nya at pagkatapos para kang basura nyang itatapon." biglang nag-init ang dugo ko sa sinabi nya kaya agad ko syang hinarap at binigyan ko sya ng malakas na sampal.

At pagkatapos ko syang sampalin ay hindi ko na napigilang isa isang tumulo ang mga luha ko.

"Anong karapatan mo ? Anong karapatan mong magsalita ng ganyan ? Ang sabi mo kanina, ayaw mong nasasaktan ang mga kaibigan mo pero sinungaling ka . Sinaktan mo ako. Hindi lang isang beses Lance. Masyado ka ng manhid . Masyado ka ng insenstive na merong isang Hannah Mikaella Gonzales na nandito na nagmamahal sayo ng totoo pero inapak apakan mo lang ang pag-ibig kong 'yon tapos ngayon pipigilan mo akong maging masaya. Grabe ! Ang ramot ramot mo naman" I shouted at the top of my lungs. Wala na akong pakialam kung pagkatapos ng mga salita 'tong sinigaw ko ngayon ay mawalan na ako ng boses mamaya. Ang mahalaga naiparating ko sa kanya ang gusto kong sabihin.

Napahagulgol lalo ako. Siguro nga ay hindi ko pa sya mas lalong kakilala. Siguro nga , hindi ko pa talaga kilala ang lalaking minahal ko.

"Kung alam mo lang sana ang lahat. Hindi ka magsasalita ng ganyan. Kapatid ko si Zake . At kung iniisip mong mas karapat dapat sya kesa sakin then you will be my guest. Basta sa huli wag mo akong sisisihin kung itapon at pagsawaan ka lang nya" at pagkatapos nyang sabihin 'yon ay iniwan na nya akong parang bato rito na hindi makagalaw. Halos hindi ma-process sa utak ko ang lahat ng sinabi nya.

Pero naniniwala ako , nagsisinungaling lang si Lance sa mga sinabi nya tungkol sa kapatid nya. Sinadya nya ang lahat para pasakitin lang ako. Ni minsan naman ay wala syang pakialam sakin.

Kaya gagawin ko ang gusto ko. Gagawin ko ang nararapat. Pag niligawan ako ni Zake , sasagutin ko sya at ipapamukha ko kay Lance na mali lahat ng sinasabi nya sa kapatid nya.

At kapag nanyari ang araw na 'yon . Makikita kong umiiyak na lang si Lance na parang bata na inagawan ng candy.

Lance, kung ayaw mong maranasang mahalin at magmahal, wag mo akong idamay sa mga issue mo sa buhay.

Buo na ang desisyon ko. Gagawin ko lang lahat ipamukha lang kay Lance na isa syang nilalang na dapat ay apak apakan na lang dahil sinaktan nya lang ang isang tulad ko.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free