Nakatingin lang ako sa kanya ng masama pero para sa kanya ay wala lang ang lahat. Sinadya ko syang puntahan dito sa bahay nila habang nakasuot ng hoodie.
Akala ko nung una hindi sya ung babaeng nagpapadala sakin ng mga sulat dahil nung isang araw ay nakita ko syang mag-isang naglalakad, nagandahan pa naman ako sa kanya nung unang beses ko syang nakita pero ngayon parang bula na itong nawala ng malaman ko ang lahat.
"Z-zian, bakit ka ganyan makatingin sakin?" kinakabahan nyang tanong sakin pero sa pagtatanong nyang yon ay lalo akong nainis at napakuyom ako ng kamao.
Nanggigigil lang akong nakatingin sa kanya.
"Alam mo ang lahat diba? Alam mo ang lahat kaya ilang taon ka ng nagpapadala ng mga sulat? Ok, fine. Akia, I can marry you right here, right now but in return please stop sending pathetic letters it's making me sick at congratulations nga pala, nanalo ka!"
Masama parin akong nakatingin sa kanya. Biglang nagbago ang tingin ko sa kanya. Ang buo kong buhay ay biglang nasira dahil lang sa isang iglap.
----
Ilang buwan ang lumipas at natupad din ang kagustuhan nila. Natupad ang plano nila. Umattend ako sa lahat ng seminar kasama ang babaeng ito na parang isang happy couple kahit sa loob loob ko ay nanggigigil na ako sa inis.
Hanggang sa araw na kinasal kami. Sadyang pinaghandaan nila ang lahat. Bumili pa talaga sila ng isang unit para sa aming dalawa.
Kaya hindi nawawala sa sarili ko na lalong mainis kapag nakikita ko sya sa araw araw na lang.
----
Akia Megumi Celestine-Auer's Pov
Akala ko nung una ay nagbibiro lang si Zian sa sinabi nya yon pero nagkamali ako dahil totoo pala lahat ng sinabi ni Zian pero aaminin ko ay nasaktan ako dahil isang arranged o fixed marriage lang ang lahat.
Alam ko na rin na may galit sya sakin dahil natali sya sa ganitong sitwasyon. Akala nya alam ko na ang lahat ng ito pero nagkakamali sya, kung hindi lang sya pumunta sa bahay ng ganun ay hindi ko pa sana malalaman ng lumapit sakin sina Mommy at Daddy at sinabing totoo ang sinasabi sakin ni Zian.
Kaya hanggang ngayon ay galit parin sya sakin at ang tanging naging kaibigan ko na lang sa ganitong sitwasyon ay si Dc. Parehas na kaming graduate at nandito lang kami sa restaurant ng parents ko.
Samantalang si Des ay sinuwerte sa buhay nya at tinanggap ang trabaho sa Seoul,South Korea kaya hindi na kami masyadong nagkikita.
"Isang taon na ang lumipas ah. Hanggang ngayon ba ay hindi parin sya nagbabago?" tanong sakin ni Dc pagkatapos nyang inumin ang kape na inorder nya kanina.
"Oo, wala parin" nalungkot kong saad.
Wala namang nagbago sa kanya e dahil nung binata pa sya at hanggang ngayon ay ganun parin sya. Masama parin ang tingin nya sakin at ayaw nya akong pansinin.
"Eh, kung ganun naman pala bat ayaw mong hiwalayan?" nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong sinabi nya at napalingon ako kay Dc, pero mukhang hindi sya nagulat dun sa sinabi nya.
"What?" inosente nyang tanong.
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Alam mo namang hindi ako naniniwala sa divorce or annulment diba?" pero nung narealize ko ung sinasabi ko ay napatungo ako. Mukhang matagal pa pala ako magtitiis sa sakal -- i mean kasal na to.
"Oh, iiyak ka na agad? Alam mo, Akia, kung hindi mo sana ako sinaktan ng pagkalupit lupit non edi sana yakap na kita ngayon pero thanks to you nakilala ko ang napakagandang babaeng --"
Hindi na nya natapos ang sinasabi nya ng may narinig kaming boses na nagmula sa may likuran.
"Sorry, I'm late, alam nyo naman traffic" napalingon ako dun sa babaeng nasa likuran at panandaliang nawala ang lungkot na nararamdaman ko ng makita ko ang ngiti sa mga labi ni Dc.
Nung kasing sinaktan ko si Dc ay pinilit nyang magmove on at saka sabi nya sakin na mas pahahalagahan nya ang friendship namin kaya heto ok na sya.
"Hello, Kylie" nakangiti kong kaway sa kanya pagkatapos nilang magyakap ni Dc.
---
Pagkauwi ko sa unit ay naupo muna ako sa sofa. Wala rin kaming maids dahil ang sabi sakin ni Mommy ay pag-aaralan na daw naming hindi umaasa sa ibang tao para magawa ang mga gawaing bahay.
Wala sa sariling napalingon ako sa wall clock at nakita kong mag-a-alas dyes na ng gabi at wala pa rin si Zian. Dun na rin kasi kami sa restaurant kumain ng dinner, naging kaibigan ko na rin kasi si Kylie simula ng ipakilala sya sakin ni Dc.
Well, balik sa kasalukuyan, nag-aalala na ako dahil hindi parin umuuwi si Zian. Baka kung saan na yon pumunta. Simula kasi nung tumira na kami sa iisang bahay ay gabing gabi na yan umuuwi.
Kaya kahit malungkot ay naglakad na lang ako papunta sa kwarto. Oo nga't naghahati kami sa iisang higaan dahil sinadya ng parents namin na ganito ang mangayari pero still wala parin kaming kibuan.
At dahil na rin sa paghihintay ay nakatulog na ako sa higaan.
Kinabukasan ay maswerte ko syang nakitang kumain ng almusal sa dinner table kaya masaya akong pumunta dun ay naghila ng umupuan pero tiningnan nya lang ako ng masama dahilan para matigilan ako.
"Zian, may ginawa ba akong mali?" tanong ko sya sa kanya dahilan para basta na lang syang tumayo mula sa kanyang pagkakaupo at tiningnan na naman ako ng masama bigla tuloy nanginig sa takot ang mga tuhod ko.
"Z-zian .."
"Ito ang tandaan mo ha, alam lang ng media na asawa kita pero hanggang dun lang yon dahil sa loob ng bahay na to, you are just a stranger to my eyes"