HinovelDownload the book in the application

Chapter 16

Matyaga kong hinintay ang resulta. Lima na ang binili ko para accurate. Huminga muna ako ng malalim bago ko ito tiningnan.

Pumunta ako sa table kung saan ko nilagay ung limang p.t. at halos mapaluha ako sa nakita kong resulta.

Puro positive lahat. Hindi ko na napigilang mapaluha pero nung narealize kong dahil lamang ito sa gabing lasing si Zian ay bigla na lang akong naramdam ng lungkot.

Hindi naman ito ginawa ng pagmamahal kundi dahil lamang sa kalasingan at pagnanasa.

Umiyak na ko habang hinihimas ang tyan ko.

"Pangako ipaparamdam ko sayo ang lahat ng pagmamahal na hindi pinaramdam sakin ng tatay mo, anak"

Gusto ko mang sabihin kay Zian ang good news na ito pero naisip kong baka hindi nya tanggapin. Baka sabihin nyang hindi nya ito anak. Ayokong masaktan ang magiging anak ko.

----

DUMATING ang gabi at dumating na rin si Zian. Kagaya ng dati ay hindi nya parin ako pinapansin. Umaasta syang isa lamang akong hangin.

Pakiramdam ko ay naninirahan akong mag-isa.

Tapos na akong magluto at naghain na rin ako sa lamesa para ako'y makakain na. Hindi naman kasi ako sinasabayang kumain ni Zian kaya nasanay na ako.

Nagluto ako ng adobong baboy at umupo na ako sa upuan ng makita kong naghila ng upuan si Zian at umupo na. Nakatingin sya sa adobong nilagay ko sa tasa kaya tumayo na ako at pinaghain sya.

Ito ang unang beses na ginawa ko ito dahil noon ay nagagalit sya pag pinaghahain ko sya dahil ang sabi nya hindi na sya kakain dito dahil ayaw nya akong makita.

Pagkatapos ko syang ipaghain ay nagsimula na syang kumain. Tahimik na lang din akong kumain hanggang sa natapos na kaming kumain. Tumayo na ako para maghugas ng pinggan ng pinigilan nya ako at sinabi nyang sya na daw ang maghuhugas ng pinggan.

Napatulala ako sa narinig ko. Ito ang unang beses na kinausap nya ako ng hindi sya galit. Parang naiiyak ako pero pinigilan ko ang sarili ko.

Nagpasalamat ako at pagkatapos ay dumiretso na ako sa kwarto at hindi maalis sakin ang ngiti.

Naging mabait sya sakin.

Nilagay ko ang kamay ko sa tyan. "Mukhang nagiging mabait na sya. Nakakatuwa naman" at napaluha na ako..

----

PAGSUSUKA ang nakapagpagising sakin. Dali dali akong tumakbo papuntang banyo. Sumusuka ako pero wala akong maisuka kundi tubig. Umiling iling ako at napaluha.

"Kailangan ko na bang pumunta ng hospital?" tanong ko saking sarili.

Pagkatapos ko sa banyo ay naglakad na ako pababa ng sala at nakita ko si Zian na tahimik lang na nanunuod ng tv. Mukhang wala ata syang shooting ngayon ha.

Maglalakad pa sana ako ng maramdaman ko namang masusuka ako kaya agad akong tumakbo papuntang banyo. Pagkatapos ay dumiretso na ako ng kwarto para makapagbihis na, pagkatapos kong magbihis ay naglakad na ako papuntang sala papunta na sana ako ng pinto ng mahagip ng mata ko ung oyster sauce at ung orange na nasa fruit basket.

Bigla akong nakaramdam ng pagkatakam at agad pumuwesto sa may upuan at naglagay ng oyster sauce sa platito at nagbalat ako ng orange at duon ko isinaw saw sa sauce ung orange. Bigla akong nakaramdam ng kasiyahan. Ang sarap pala ng ganitong combination.

"What are you doing?" agad akong napalingon dun sa nagsalita.

"Eating. Gusto mo?" nakangiti ko pang saad.

Umiling iling na lang si Zian at aagawin na sana ang orange na isasaw saw ko pa lang sa sa oyster sauce ng may biglang nagdoor bell.

Pinagpatuloy ko lang ang aking pagkain samantalang si Zian na ang nagbukas ng pinto.

"Nasaan si Akia?" boses agad ni Thower ang narinig ko dahilan para agad akong tumayo at puntahan sila sa may sala.

"Thower!" nakangiti kong saad ng makita ko sila sa sala. Ang nandito ay si Darren, Thower at Jess.

"Akia!" nakangiti nitong bulalas at agad tumakbo para yakapin ako. Naamoy ko ang damit nya at inamoy amoy ito. Nakakatuwa pala ang pabango ni Thower, ang bango bango.

Niyakap ko lang sya ng mahigpit. Habang patuloy paring inaamoy ang damit nyang mabago.

"Ahh. Akia, masama na ang tingin sakin ni Zian pwede mo na akong bitawan" napakunot ako ng noo sa narinig ko.

Masama na ang tingin ni Zian? Unbelievable. Hindi yan magseselos.

"Ganun ba?" nakaramdam na ako ng lungkot kaya ako na ang kumalas at naiiyak na rin ako at tumalikod na ako papaakyat ng hagdan.

Darren Thomas Fabio

PINAGMAMASDAN ko lang ang kinikilos ni Akia. Why does the sudden change of mood?

"Kung ayaw nyo na sakin, tatanggapin ko. Gusto ko lang naman ay ung mabangong amoy ni Thower eh" nagmamaktol na saad ni Akia dahilan para mapalingon kami kay Thower.

Alam kong may gusto itong si Zian kay Akia pero hindi nya lang maamin. Sadyang tinatago kasi sa lungkot ang pagkagusto sa asawa nya ee.

Masama na nakatingin si Zian kay Thower na parang anytime ay kaya ng mambugbog ni Zian.

Pinagpatuloy lang ni Akia ang kanyang paglalakad hanggang sa nakarating na sya ng kwarto nila ni Zian.

Umayos lang ako ng upo dito habang sina Zian ay nanunuod ng palabas sa tv at heto ako at pinag-aaralan ang lahat.

Ilang buwan na ba ang lumipas simula nangyari yon? Dalawang buwan? Maaari kayang ...

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free