Pagkarating ko sa lugar ay agad kong niyakap ng mahigpit si Des. Namiss ko lang gawin ang bagay na 'to dahil halos ilang buwan ko ring kinimkim ang galit ko sa kanya.
Nung mga nakaraan ay ipinabalita sakin ni Darren na wala na daw si Des, syempre nasaktan ako kasi kahit papano kahit hindi naman sya ang tunay kong bestfriend ay napamahal at naging kaibigan ko na sya kaya masakit sakin na hindi nya sinabi ang totoo nun. Pero okay na ako ngayon. Okay na!
"Musta ka na?" nakangiti nyang tanong sakin pagkatapos kong kumalas ng yakap. Pero imbis na sagutin ko ung tanong nya ay natawa ako dahilan para mapakunot sya ng noo.
"Ha? Bat ka tumawa? May sinabi ba akong nakakatawa?". umiling iling lang ako at lumingon sa ibang direksyon, direksyon kung saan may mga naglalarong bata. Hindi ko kasi alam kung anong pumasok sa kokote nitong babaeng 'to at park ang naisipan nyang maging meeting place namin.
Siguro, dahil sa dito sila unang nagkita ni Darren. Napangiti lang ako habang iniisip yon dahil may lovelife na ang kaibigan ko samantalang ako wala pa --- ahh! ano ba 'tong iniisip ko?
"Wala naman. Kaya ako natawa dahil simula bukas ay hindi na kita kaklase" diretsong saad ko dahilan para lingunin nya ako habang nakakunot parin ang noo nya.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan nyang tanong dahilan para lalo akong mangiti.
"Ikaw talaga! Nagiging makakalimutin ka na! Ang ibig ko lang namang sabihin ay hindi na tayo magkaklase dahil hindi ka pumasok ng isang semester which means advance na ako sayo". masaya kong saad. Umiling iling lang sya at natawa sa sinabi ko dahilan para matawa na rin ako.
-----
Nung sumakay na ako sa sasakyan ay nagpaalam na ako kay Des, nagpumilit na kasi syang wag ko na daw sya ihatid okay lang daw. Tapos ang sabi nya sakin ay tumutuloy parin sya sa kinilala nyang parents. Ang bait talaga nila Tito at Tita.
Tapos sinabi nya rin sakin na wala na daw si Aiden. At hindi ko rin inaasahan na kapatid nya pala 'to.
Naglabas na lang ako ng buntong hininga. Sino ba namang mag-aakala na sa loob lamang ng ilang buwang nakalipas ay marami ng nagbago sa buhay ko at pagkatapos ng 3 semester pa ay ga-graduate na ako.
Siguro pagkagraduate ko, mag-e-enroll ako ng Culinary sa isang Internation School para mas lalo akong matuto sa pagluluto.
"Ma'am ...". agad akong nabalik sa kasalukuyan ng tinawag ako ng driver.
"Ha?"
"Ma'am, nandito na po tayo sa post office" parang bigla akong mabuhayan ng loob dun sa sinabi ng driver namin at agad agad akong nag-ayos ng buhok at bumaba na ng sasakyan.
Magsisimula na sana akong maglakad papasok ng maalala kong naiwan ko pala sa loob ung mga letters kaya sandali akong pumasok sa loob at kinuha ang mga yon.
Pagkakuha ko ay lumabas na uli ako ng sasakyan at nilingon si kuyang driver.
"Kuya, wait lang ha" tumango lag sya at ngumiti kaya nagsimula na akong maglakad papasok sa loob.
Wala naman masyadong pila kaya agad akong nakapunta sa unahan.
"From?" tanong sakin ni kuyang nandito. Mukhang sya ata ang tumatanggap ng mga sulat na ipapadala.
"Ahm .." sadali akong nag-clear ng throat . "Akia Megumi Celetine". nakangiti kong saad at tinaype na nya sa computer ung name ko at whichin seconds ay naprint na agad ito at parang sticker nya lang itong dinikit sa isang plastic bag na may logo ng post office.
"To?" tanong ni kuya habang nakatingin sa computer.
Huminga ako ng malalim. Wala namang mga tao na sa paligid, kami lang ni kuya ang nandito kaya hindi ako dapat matakot!
"Miss, para kanino?" may tono ng pagkainip ang boses ni kuya kaya nanghingi muna ako ng paumanhin bago ko sinabi ang pangalan.
"Para po kay C-clark Zian Auer" nakangiti kong saad kahit kinakabahan.
Akala ko ay ita-type na ni Kuya ung sinabi kong pangalan pero hindi nya ginawa dahil tiningnan nya ako ng paniniguro.
"Miss, nagbibiro ka ba?" naghihinalang tanong ni kuya sakin kaya lalo tuloy akong kinabahan. Pakiramdam ko ay namamawis na ang paa ko at palad ko dahil sa kaba at sa tanong ni kuya.
"Hindi ako nagbibiro, k-kuya" lalo akong kinabahan dahil napansin ni Kuya na nautal ako kaya mas lalo nya akong pinaghinalaan.
Lalo tuloy akong kinabahan.
"Watashi wa kyofu o kanjiru node, sonoyoni watashi o minaide kudasai" hindi ko na napansing napa-japanese na pala ako dahil sa kaba.
(Translation: Please, don't look at me like that because I feel terrified)
Nanlaki ang dalawang mata ni kuya na syang ikinabigla ko.
"Minumura mo ako? Minumura mo ako?" madiin nyang tanong sakin habang bang taas ng boses nya. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tinakpan ko na lang ang tenga ko para sana hindi marinig ang sinasabi ni Kuya pero hindi gumana dahil naririnig ko parin ang sinasabi nya.
"Alam mo bang tinitiis ko ang trabaho ko tapos mumurahin mo lang ako? Alam mo bang ilang butiki na ang nabilang ko sa kisame dahil sa paghihintay ng mga darating tapos ngayon ay mumurahin mo lang ako? Alam mo bang hindi ako nag-apply sa posisyong ito para ---" aaminin ko nakakaramdam na ako ng pagkairita dahil sa sinabi ng lalaking 'to, nakakaasar sya! Ang sabi ko kay Kuyang driver ay sandali lang ako pero hindi ! Hindi ! Dahil itong lalaking ito ay pinagpipilitan sa sarili nyang minura ko daw sya kahit hindi naman.
"FYI lang kuya hindi kita minura at ang ibig ko lang sabihin kanina ay wag mo akong tingnan ng ganun dahil nakakaramdam ako ng takot tapos dun sa tanong mo kanina na nagbibiro ba ako dun sa sinabi kong gusto kong padalhan ng sulat? Kuya, hindi ako nagbibiro!" halos hingalin na ako sa aking pagsasalita sa sobrang bilis, hindi ko inaasahan na magsasalita ako ng ganitong kabilis.
Nung sinabi ko un ay naiwang nakanganga si Kuya habang nanlaki ang kanyang mga mata. Siguro ay pinoproseso nya pa sa isipan nya ang lahat ng sinabi ko at saktong pagkatapos ng 30 seconds ay nagbalik na sya sa dati.
"Okay" bored nyang saad at muling binalik ang mata sa screen"
At mukhang tinayp na nya ang pangalan ni Zian. Napangiti ako ng palihim. Nakakatuwa! Kung nagawa ni Chiara sa social media pwes ibahin mo ako, ibalik ang dati dahil panigurado ako lang ang nagbibigay sa kanya ng snail mail.
"Meron ka bang address nya?" bored na tanong sakin ni kuya. Grabe! May pagka-biopolar din pala ang isang to dahil kanina ay okay lang sya tapos naging mapaghinala tapos ngayon bored sya na sa sobrang arte nya ay nakakasar na sya , alam ko yun gusto ko na syang sabunutan.
Umiling iling lang ako. "Wala e"
Muli na naman syang nagtype sa computer at bumulong well kung bulong pa ang tawag dito dahil rinig na rinig ko!
"Ambisyosa ng babaeng 'to! Di naman maganda! Mukhang pwet ng baso".
Umakto na lang akong hindi ko narinig ung sinabi ng lalaking 'to.
"Oh! Ayan na! Okay na" masamang loob na saad nya.