Clark Zian Auer's Pov
Mabilis kong natapos ang advance engineering book na pinabili ko kahapon. Binaba ko na ito sa kama at sandaling tumayo mula sa pagkakaupo para ilagay ang libro sa shelf.
Pagkalagay ko nito ay sinuot ko na ang head phones ko sa ulo ko at nakinig na ng music.
Hindi pa ako nakakarating ng sofa para basahin ang panibagong librong kinuha ko ay may kumatok sa may pintuan.
"Young master .." narinig ko ang boses ng butler namin kaya sandali ko munang binaba ang libro na hawak ko at binuksan ang pinto.
Nung una ay akala ko ay mukha lamang ng butler ang makikita ko kundi nakita ko din ang mukha ng manager ko.
"Zian, you've in your room the whole day. Wala ka bang balak na maglakad lakad man lang o wala ka bang balak na ibalik ang image mo sa limelight?" bored ko lang tiningnan ang manager ko.
"What's with that look? Zian, hindi mo ba alam dahil sa wala kang projects o guestings, trabaho ko ang nakasalalay dito. Hindi lahat ng tao kasing yaman mo" tumikhim lang ako sa sinabi nya at sandaling binalingan ng tingin ang butler namin at sinabi kong makakaalis na sya.
"So, what are you saying?" lumabas na ako ng kwarto ko at naglakad na kami pababa ng hagdan papunta sa may living room.
"Ang sinasabi ko lang naman ay ibalik mo ang sarili mo sa limelight? Like hello, Si Ethan, Darren, Jess and even Thower nananatili parin sila sa limelight pero ikaw you chose not to be" napacross arms lang ako sa sinabi nya at umupo na lang sa sofa habang nakatayo sya at nage-explain.
Kalalaki nyang tao, kaiingay nya!
"Bakit kailangang kong nasa limelight?" bored na tanong ko?
"You need to be seen by the people so that people would want to see you more" nanlaki ang mga mata nya habang nage-explain.
"Why?" bored kong tanong. At dumating na ung food na sinerve ng maids. Kumuha na lang ako ng juice at sandaling ininom ito at pagkatapos ay muli ko itong nilapag sa table.
"Are you not getting this? Gosh! Look, nakaharang ang trabaho ko dito kaya kung wala kang kinikitang pera means wala rin akong kinikitang pera" desperado na nyang sabi. Pero nananatili parin ang boredom habang nakatingin ako sa kanya.
"Tell me, why is this so important to you?" tanong ko sa kanya pero na-amaze ako sa sinagot nya.
"Because this is my dream job at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para matupad ito" wala sa sariling napatawa ako ng malakas sa sinabi nya dahil sa itsura nya ay para syang elementary student na nagbibigay ng speech tungkol sa movie na pinanuod nila.
"What's so funny?" agad akong natigil sa pagtawa ng makita ko si Kuya Nico na nasa may likuran ng manager ko. Nakangiti lang sya habang nakatingin sakin.
"Anong nakakatawa,bro?" at hindi pa sya nakuntento at lumapit pa sya sakin sa upuan habang nakatingin sa manager ko na nakatigil na para bang estatwa.
"Bakit ka ba nandito,Kuya?" iritable kong saad at ilalagay ko na sana ang head phones ko ng nagsalita si Kuya Nico.
"I finally saw her" nakangiti nya pang saad.
"Who?" nakakunot na noong tanong ko at nilagay ko na ung head phone ko sa ulo ko pero hindi ko pina-play ung music.
"Akia Megumi Celetine" dahil sa gulat ay bumagsak ako sa kinauupuan ko.
"A-akia?" pag-uulit ko habang tumatayo papunta dun sa sofa.
"Yeah . She is my student."
"Tss. Dual personality" saad ko na lang at tumayo na para pumunta sa kwarto ko.
My brother, Jan Nicolas Auer is a college professor at may pagkadual personality yang lalaking yan dahil sa labas ng ekwelahan ay karaniwan syang tao pero pag nasa loob na ng eskwelahan ay mapapadalawang isip ka kung sya ba talaga ang si Nico.
Papaakyat na ako sa hagdan ng muli kong nagsalita si Kuya Nico na syang ikinatigil ko.
"She's actually beautiful and according to her data, she lives in this subdivision"
Napaligon ako para harapin si kuya Nico para umalis na sya. Teka, lives in this subdivision? Don't tell me?
"Yes, Sir, ang mga Celestine po ang may-ari ng subdivision na 'to" napapikit na lang ako ng madiin. Grabe naman oh! Kung inaasar ka nga naman ng tadhana oh!
"Sige po, salamat po kuya" at nagpaalam na ako sa security guard na at nagsimula ng maglakad papauwi dahil malapit lang naman.
Hindi na rin ako nagdisguise dahil hindi naman maingay si kuyang guard di kagaya ng mga fans kong babae.
Nang makarating na ako sa tapat ng bahay ay wala sa sariling natigilan ako sa paglalakad papasok ng may nakita akong napakagandang babae na nakasuot ng uniform ng isang college at naglalakad sya habang bumulong. Hindi ko man maintindihan ang binubulong nya ay hindi ko na lang pinansin yon dahil pinansin ko na lang kung gaano sya kaganda na nagpalingon sakin.
Don't get me wrong pero marami na akong nakitang magagandang babae sa loob at labas ng showbiz pero iba talaga ang kagadahan nya.
Lalo ko pa sanang pagmamasdan ang napakaganda nyang mukha ng may biglang dumaang sasakyan dahilan para mapalingon sya dito sa kinaroronan ko pero mabuti na lang at mabilis akong nakapasok ng bahay.
Sino kaya sya? Ano kayang pangalan nya?