HinovelDownload the book in the application

Chapter 12

Akala ko magiging masaya ako sa sasabihin ni Zian pero pakiramdam ko nasaktan pa ako sa sinabi nya kaysa natuwa.

"Kung gusto mo siya, sayo na"

Pakiramdam ko ay pinagbagsakan na ako ng langit at lupa dahil sa sinabi nyang yon hanggang sa umuwi ako. Hindi parin nabubura sa puso't isipan ko ang sinabi nya. Maging ang lunch na ibibigay ko sana kay Zian ay hindi ko na naibigay sa kanya dahil sa sobrang pagmamadaling umalis.

Wala talaga akong halaga para sa kanya. Ganun na ba ako kapanget? Wala sa sariling napaluha na lang ako.

Hanggang sa nakatulog na ako dito sa sofa dahil sa sobrang pag-iyak. Gabi na rin ako nagising kaya lumipat na lang ako ng kama at pinagpatuloy ko na rin ang pagtulog ko sa kama. Wala rin si Zian ngayon, saan kaya sya pumunta?

Gusto kong tawagan si Prof. Nico para itanong sana kung nasaan si Zian pero bigla kong naalala ung sinabi ni Zian kay Thower kanina.

"Kung gusto mo sya, sayo na"

Napakapit ako ng madiin sa unan. Ganun na lang ba ako kadaling ipamigay ? Ipinamimigay nya akong parang isang kawawang asong kalye. Ni wala man lang syang pakialam sakin, wala man lang syang pakialam kung nasasaktan ba ako o hindi.

Ganito ba sya kamanhid?

Sabagay, ano pa nga bang aasahan ko? Isang taon na ang lumipas pero ganito parin sya. At sa loob ng isang taon ay hindi man lang sya nagbago.

In other words, wala akong karapatan.

----

Nang mga sumunod na araw ay naisip kong igugol na lang ang oras at panahon ko sa pinagagawa naming restaurant. Siguro, kailangan ko munang makapag-isip isip.

Kung magkakagusto naman siguro si Zian sakin, siguro ay kahit papaano ay mapapansin ko yon pero wala. Wala man lang akong napapansin kaya i assume wala syang gusto sakin.

At isa pa, siguro mas maganda na rin 'to dahil busy sya sa career nya. At sinabi nya pa dibang hanggang papel lang? Kaya sige, patunayan natin ang sinasabi nya.

Kahit aalis ako sa safe zone ko, kakayanin ko. Maipakita ko lang kay Zian na kaya ko ring mag move on.

"Akia! Akia, oy, " at may nagwagayway pa ng palad sa mukha ko dahilan para mabalik ako sa realidad.

"Ha?"

Umiling iling na lang si Dc at naglabas ng isang buntong hininga.

"Tell me, saan ka nakapaglayag ngayon sa isipan mo ha?" nakangisi nya pang tanong sakin.

Umiling iling na lang ako at pinilit na ngumiti.

"Tara na, tingnan na natin kung bumalik na sila sa trabaho" nandito kasi kami sa isang italian restaurant para mag lunch sandali.

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Dc at tumayo na ako at naglakad na papalabas ng restaurant papunta sa sasakyan ko at i-start ko na sana ang engine ng may kumatok sa window ko dahilan para lingunin ko yon.

"Dc?"

"Akia ..." he mouthed. Hindi ko maintindihan ang sasabihin nya kaya binaba ko ung tinted window.

"Akia, may problema ka ba? Alam mo namang pwede mo saking sabihin,diba?" puno ng pag-aalala ang mukha nya pati tono ng pananalita nya.

Pero pinili ko na lang na hindi sagutin ang tanong nya at pinilit na lang na ngumiti.

"Anong oras na, Dc tara" at pagkatapos ay itinaas ko na ung tinted window at inis-start na ung engine. At nagsimula ng magmaneho papunta dun sa location. Alam ko namang susundan ako ni DC kahit hindi na ako magsalita pa.

----

"Akia, alam kong may problema ka kaya nandito ako, handa akong makinig" marahil dahil sa masyado akong abala sa pagsusulat dito sa notebook ko ay hindi ko napansing dumating na pala si Dc.

Nag-angat ako ng tingin. Pinilit ko uling ngumiti. "Listen, DC, ayoko ng idamay ka pa sa problema ko. Makakabigat lang ako sayo---".

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng bigla na lang nya akong niyakap ng mahigpit. "Alam mo namang kahit anong mangyari hindi ka makakabigat sakin,diba? Ikaw pa" at kumalas na sya sa yakap at nginitian nya ako. Kaya napangiti na rin ako.

Siguro, kahit sandali lang ay kailangan ko munang kalimutan ang nangyari sa amin ni Zian. Siguro kailangan ko munang maging masaya.

ALA-SAIS na ako ng gabi nakauwi. Nagpasalamat ako kay DC dahil pinagaan nya ang loob ko at kahit papaano ay ngumingiti na rin ako ng totoo.

"Ang akala mo ba ay hindi ko napapansing peke lahat ng mga ngiti mo kanina?"

Umiling iling na lang ako pero hindi naalis sa aking mukha ang ngiti. Siguro dahil na rin sa natutuwa ako dahil nagkakaroon na kami ng bonding ni DC , bonding kagaya ng dati.

Naglakad na ako at inikot ko na ang door knob. At pagkabukas ko nito ay magdi-diretso na sana ako ng makita kong tahimik lang na nanunuod ng tv si Zian.

Hindi ko naman sana sya papansin ng may narinig akong boses na nagmumula sa may kusina kay pupuntahan ko na sana un ng bigla na lang ito lumabas sa kusina dahilan para manlaki ang mga mata ko sa gulat at mapasinghap.

"Ma, ano pong ginagawa nyo dito?" nandito lang naman sa unit ang mother ni Zian.

May hawak pa syang loaf bread na sa tingin ko ay kakukuha nya lang.

"Oh, Akia nandito ka na pala." lumapit na lang ako kay Mama at nakipagbeso sa kanya.

"Ma, ano pong ginagawa nyo dito?" full of awkwardness na tanong ko. Alam ko namang alam ng parents namin ni Zian kung anong lagay ng relasyon namin pero hindi parin mawala sakin ang awkwardness kahit isang taon na rin kami.

"Hindi pa ba sinasabi ni Zian sayo?" sandali akong napalingon kay Zian na nanunuod parin ng tv at pagkatapos ay binalik ko ang tingin kay Mama umiling.

"Oh my! Ano ba naman yan." Tumungo sya sandali para ipakita na malungkot sya pero pagkatapos din ng ilang segundo ay muli syang nag-angat ng tingin at pinagpatuloy ang sinasabi nya.

"Lilipat na kayo ni Zian ng bahay. As in bahay na talaga" malawak na ngiting saad ni Mama.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free