
Summary
"Akia, If you want I can marry you right here,right now but in return you need to stop this sending letters of yours? It...
Prologue
// MUST READ //
This story is part of a series but you don't need to read the very first book just to know the flow.
In other words, pwede mo ng basahin ang kwentong ito without reading the first one.
//:////
Clark Zian (si-yan ) Auer (a-wer)
Dear Future Boyfriend-este Future Husband-este Clark Zian Auer,
Nais ko sanang magpakilala sayo ng personal kaso mukhang ayaw mo sakin kaya sa sulat ko na lang idadaan ang lahat. Aaminin ko sayo, matagal na kitang crush kaso masyado ata akong maganda para sayo, hahaha, joke lang. Kasi naman, simula nung nagsimula kang mag-artista naging crush na kita kaya alam mo simula nun, nagsimulan akong magpadala sayo ng mga fanmails.
Minsan na nga, naiinis na sakin ung postman dito saamin dahil palagi akong nagpapadala sayo ng sulat. Alam mo yun, naiinis na sya sakin ang sabi ba naman, 'Nene, may internet at text messaging na pero hanggang ngayon nagagawa mo pa ring sumulat? Bata, hindi na uso ang snail mail'. Napairap na lang ako dun sa sinabi nya kaya nainis ako sa kanya at nagsalita tuloy ako ng japanese na 'Anong eksena mo kuya, maswerte ka pa dahil kumikita ka pa dahil nagpapadala ako ng sulat' , sinabi ko sa kanya yun ng japanese kaya nanlaki ang mga mata nya at bumula ang bibig nya, ayy mali ngumanga lang pala sya.
Iniwan ko na lang sya dun na nakanganga masyado kasi syang panira sa buhay---
"Akia-chan, don't tell me sumulat ka naman dun sa crush mong artista?" hindi ko napansin na tinitingnan na ni Mommy itong sinusulat ko kaya namula lang ako. Nakakahiya naman pero okay na rin dahil hindi naman ako nagsusulat dyan ng kabastusan o kung ano man.
I just nodded dun sa tanong ni Mama. At pasimpleng napatingin dun sa wall clock namin, napakagat ako ng lower lip ng mapansin kong late na pala ako. Bumalik ako dun sa pinagsusulatan ko kanina nung sulat ko para kay Zian at tinago ko na 'yon sa bag ko. Nakakainis, nawala sa isipan kong magkikita pala kami ni Des ngayon. Sandali akong kumuha ng sliced bread sa kusina at pagbalik ko sa sala ay nakita ko na si Mommy na nanunuod ng paborito nyang Japanese channel, opo, may cable po kami. Minsan nga, halos buong araw na nagsasalita si Mommy ng japanese dahilan para pag-akalain kami ng kapitbahay naming nababaliw na kami pero hindi na lang namin pinapansin 'yon dahil iniisip kong maaaring inggit lang sila.
Lumapit ako kay Mommy at nagpaalam ng aalis na ako. Humalik ako sa pisngi nya at gayun din sya. Sinabi na rin ni Mommy na pahatid na ako sa driver kaya lalo lang akong napangiti. Nung sumakay na ako ng sasakyan namin ay sinabi ko na sa driver ung pupuntahan namin at nilabas ko na lang ang latest model kong iphone at nagsimula na akong magbrowse sa internet.
Dear Zian Auer,
Ako nga pala si Akia Megumi Celestine, matagal mo na akong fangirl at nais ko sanang itanong sayo kung pwedeng maging tayo?
----------------------------------
Jonelle's Note:
This is Akia Celestine's story from the story 'Her Name is Destiny'. This is the 3rd book of the Handsome Actors Series. But if you want to check it out you can go directly to my profile. OKay lang po kung magsimula po kayo sa story ni Akia dahil wala namang magbabago pero kung gusto nyong chronological order, I advise na basahin nyo ang pinakabook one ng Handsome Actor's Series.
Handsome Actors Series
1. My Make-Believe Boyfriend
2. Her Name is Destiny
3. Dear Zian Auer
4.Loving Cloude Thower Wolfe
