HinovelDownload the book in the application

Chapter 3

Matatapos na ako sa pagdadrama ko dito sa sinusulat ko para kay Zian ng marinig kong biglang tumahimik ang kaninang maingay na class room kaya mabilis ko na lang tinago ang bond paper na sinusulatan ko sa bag ko dahil mahirap na, ayoko ng mangyari pa ang nangyari noong araw na yon.

Paano ba naman kasi, akala ko ba naman ay tapos ng maglecture si Sir kaya nilabas ko na ung bond paper at nagsulat ako , nasa bandang unahan pa naman ako nakaupo non ng mapansin kong parang may anino na humaharang sakin at nung pag-angat ko ng ulo nakita kong binabasa ng prof ko ung sinusulat ko. Napatuloy ako.

"Good morning." matigas na saad ng Prof ng pagkadating na pagkadating nya sa room. Lahat ng mga blockmates ko ay nagsitahimikan.

Paano ba naman terror teacher kaya itong nasa harapan.

"G-good morning--" babati pa sana ang ung lalaking nasa unahan ng basta na lang hinampas ni Sir ang desk dahilan para lahat kami ay manginig sa gulat.

"Who told you to greet me back?" matigas na tanong nya. Halos lahat ay hindi makapagsalita at kulang na lang ay matulala sa professor na nasa unahan.

Maging ang lalaking bumati kanina na tumayo ay nanginginig na umupo.

"Anyway, it's a brand new semester and a new subject for you to pass." at muling hinampas ni Sir ang desk nya gamit ang libro.

Lahat ay natulala sa ginawa ni Sir maging ako.

"But the question is, are you going to pass this subject?" tanong nya sabay turo sa babaeng nasa unahan. Pero hindi nya lang to basta tinuro kundi nilapitan pa at tiningnan ng masama dahilan para maginig sa takot ang babae.

"What's your name?" bored na tanong ni Sir habang bored din na nakatingin sa babae.

"M-mikae--" hindi na natapos ng babae ang pagsasabi ng pangalan nya ng basta na lang syang iniwan ni Sir. Natahimik ang babae at uupo na sana ng narinig nyang nagsalita si Sir.

"Sinabi ko bang umupo ka na?" nanginginig na nilingon lang ng babae si Sir.

"Do you class know the reason kung bakit basta na lang akong umalis gayung bago pa lang nya binigkas ang pangalan nya?" wala ni isang gustong sumagot dahil sa nararamdamang takot.

"Walang sasagot?"

Napatungo na lang ako sa takot dahil kinakabahan ako. Ayokong ako ang tawagin baka hindi ko alam ang masabi ko.

"Ikaw! Sagutin mo ang tanong ko?" narinig ko na lang ang boses ni Sir sa may harapan ko at nung nag-angat ako ng tingin ay hindi nya ako nagkamali dahil nandito nga si Sir kaya lalo akong nanginig sa takot.

"S-sir ..." nanginginig na sabi ko pero bored lang syang nakatingin sakin.

"Do you have something to say,Ms. Celestine?" nanginig ako sa narinig ko. Bakit alam ni Sir ang pangalan ko? Eh, ngayon ko lang naman sya naging prof ah!

"Sir, paano nyo po nalaman ang pangalan ko--"

Nabigla ako sa sunod nyang ginawa dahil hindi nya sinagot ang tanong ko bagkus ay hinampas na lang nya ang upuan ko dahilan para muntikan na itong mahulog.

"Don't talk nonsense! Answer my question!" madiin at nakakatakot nyang tanong sakin.

Aaminin ko, gusto ko ng umiyak.

"Sir, siguro po --" hindi ko na natapos ang sinabi ko ng basta na lang umalis si Sir at nagsimula ng naglakad sa unahan.

"I thought that this class have brains but I was wrong." tumikhim muna sya bago sya bago nya muling nagsalita.

"The main reason is that I got bored so easily. Do you know that even seconds are important? Importante ang bawat segundo na tumakbo sa orasan ko kasing importante ng grades na makukuha nyo. Madali lang naman akong kausap, ipasa mo ang quizzes, exams and recitation mo but don't you even waste my seconds dahil sa bawat segundo na inuubos nyo sakin ay isang numero din ang nababawasan sa inyo" lahat ay natahimik sa kanilang narinig. Maging ako ay nanginig na umupo na ay tahimik lang din.

"So, anyway alam kong hindi nyo pa ako nagiging teacher so let me introduce myself" at sinulat na ni Sir ang pangalan nya sa white na nasa likuran nya. "The names Jan Nicolas Auer"

Bigla akong natigilan sa narinig ko. Auer? May koneksyon ba sila ni Zian?

"Sir, are you connected to Clark Zian ung artista?" may naglakas loob na babae sa may gitna at tinanong yon.

Tiningnan lang sya ng diretso ni Sir Nicolas at nagsimulang maglakad papalapit dun sa babae habang napalitan na ng nakakatakot na aura si Sir. Bigla tuloy akong natakot para dun sa babae.

"Anong kasasabi ko kay Ms. Celestine kanina?" napalingon sakin ang kalahati ng klase na para bang sinasabi na ano ung sinabi sakin ni Sir Nicolas kanina. Napakunot na lang ako ng noo dahil maski ako ay hindi ko maalala.

Nanatiling tahimik at nanginginig sa takot ang babae.

"Sinabi ko na Don't talk nonsense" at pinagdiinan pa talaga ni Sir Nicolas ang don't talk nonsense dahil para mapaluha na ung babae habang nanginig parin sa takot.

"Sir, I'm sorr--" at basta na lang umalis si Sir Nicolas at pumunta na sa white board na nagsulat na ng ile-lecture.

Nakatingin lang ako sa babae, nakakaawa naman sya. Napahiya sya.

----

Pagkatapos ng subject ni Sir Nicolas ay sumunod pa ang iba pang mga subjects at dumating na ang oras para sa lunch. Tinext ko na rin si Des pero hindi parin sya nagrereply.

Napabuga na lang ako ng hangin. Napatingin din ako sa screen ng phone ko para tingnan kung anong oras na. Kaya napagdesisyunan ko na lang na umorder na, pag naman dumating na si Des ay hindi na sya mahihirapan pa dahil may umupuan na kami marami pa namang tao ngayon dito sa canteen.

Pagkaorder ko ng food ay nilapag ko na ito sa table at nagsimula na akong kumain. Pinagmamasdan ko lang ang dami ng tao, hindi ko maiwasang hindi mainggit. Kasi may kasama sila samantalang ako wala. Hindi ko rin alam kung nasaan si Des dahil hindi naman sya nagrereply.

Naglabas na lang ako ng buntong hininga at pagkatapos ay nagsimula na akong kumain. Hindi ko na rin pinansin ang mga dumadaang mga tao sa paligid at kumain na lang ako ng may naramdaman akong kamay sa balikat ko, nung una ay hindi ko na lang yon pinansin pero nung nagsalita na ay natigilan ako at pakiramdam ko ay nagyelo ang buong spinal cord ko dahil sa kaba.

"Bakit ka nag-iisa? Hindi masayang kumaing nag-iisa, iisipin nila emo ka"

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free