Darren Thomas Fabio
Hindi baka nagkakamali lang ako pero ... may posibilidad ding may mabuo.
Nagcross arms ako at umayos ng upo at sandaling nilingon ang direksyon ng kwarto nila Zian.
Aaminin ko, naghihinala ako kaya tumayo na ako sandaling dumako sa kusina para uminom muna sana ng tubig ng makita ko ang pinagbalatan ng orange at ung mga iilang piraso ng orange at isang platito kung saan may sauce na nakalagay.
Nilapitan ko ito at sandaling isinawsaw ang daliri ko dito at nung lasahan ko. Lasang oyster sauce.
Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad at may nakita ako sa basurahan na isang pakete ng oyster sauce.
Hindi ako maaaring magkamali ...
"Des .."
(Darren, oh baby, kumusta?) may galak sa tono ng pananalita nya kaya napangiti ako.
"Baby, everything's fine. I just want to ask you something"
Hinintay ko ang sagot nya at huminga muna ako ng malalim.
(What is it? Is there something wrong?) napuno ng pag-aalala ang boses nya.
"Baby, no. Everything's fine here. Wag ka ng malungkot. Gusto ko lang sanang tanungin kung may kinukwento ba sayo si Akia"
(Kinuwento? Tungkol saan?)
"Buntis ba s---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng narinig ko ang boses ni Jess.
"Jess!" nanlaki ang mga mata ko at agad kong tinago sa bulsa ko ang phone ko.
Tiningnan lang ako ng nakakaloko ni Jess at nilapitan. "Sinong buntis?"
Puno ng paghihinala ang kanyang mga mata.
"Saan mo nakuha ang information na yan?" tanong ko sa kanya at pagkatapos ay iniwan ko na sya sa kusina.
Bumalik na ako sa may sala at umupo sa sofa para kunyari ay manunuod ako ng tv pero ang gagawin ko talaga ay iisipin ko kung tama ba ang naisip ko.
Naniniwala akong may posibilidad.
"Zian, dude! Mukhang magiging ama na si Darren" agad naman akong napalingon dun sa nagsalita si Thower at abot tenga na ang kanyang ngiti.
Nilingon ko din si Zian na tahimik lang at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ni Thower at basta na lang syang kumuha ng libro sa book shelves nandito sa sala at nagsimula na syang magbasa.
Hindi parin tumitigil sa pag-aasaran ang kambal ng nakita ko si Akia na pababa ng hagdan. Hindi ako nagsalita bagkus ay sinundan ko lang kung paano sya maglakad. Sinudan ko lang sya ng tingin hanggang sa makarating sya ng pinto at pagkatapos ay tuluyan na syang lumabas ng bahay.
Aaminin ko, I never been this so curious in my life kaya agad ko syang sinundan at palihim na sumakay ng sasakyan ko as I watch Akia na ngayon ay sumakay na ng taxi.
Saan kaya pupunta si Akia na hindi man lang nalalaman ni Zian?
Nung nagsimula ng umandar ung taxi ay naghintay muna ako ng ilang segundo bago ko napagpasyahang sumunod. Mahirap na baka makalahalata si Akia.
Buong byahe ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang hindi mahalata na sinusundan ko sya. Hanggang sa nakarating kami sa destinasyon. Sandali akong lumingon sa may kanan ko para tingnan kung ano bang establishment to pero nung lumingon na ako ay halos malaglag ang panga ko.
Hospital? Sinundan ko sya para pumuntang ospital?
Naglakad na sya papasok kaya nagmadali ako at mabilis na pinarada ang sasakyan at dahil na rin sa sobrang pagmamadali ay nagasgasan na ung gilid ng kotse ko pero hindi ko muna pinansin yon at basta na lang akong nagsuot ng sumbrero at fake mustache.
Pagkalabas ko ng sasakyan at pumasok na ako ng entrance ng ospital, nagpalinga linga ako para hanapin si Akia naglakad lakad din ako para siguradong mahanap ko sya hanggang sa may nakita akong babae na kinakausap ang isang doctor at pagkatapos ay pumasok na sila sa opisina nito.
Pagkapasok nila sa loob ay sinadya ko ng lapitan ung lugar kung nasaan pumunta si Akia. Hindi naman ako papasok sa loob sadyang gusto ko lang malaman kung bakit sya pumunta dito.
Nilibot ko ang aking paningin para mahanap kung saan nakalagay ung sign kung anong pangalan ng kwartong ito. Nag-angat ako ng tingin at may nakita akong sign na nakalagay at nung binasa ko ito...
Dr. Anna Celestine
Ob-gyne
Ibig sabihin ba nito tama ang hinuha ko?