Clark Zian Auer's Pov
Nakikinig lang ako ng music dito sa headphones ko ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko dahilan para tanggalin ko ang pagkakasuot ng head phone sa ulo ko at inilagay na lang sa may leeg ko at tumayo na ako papunta sa may pinto at binuksan ko ang pinto. Agad bumungad sakin ang mukha ng butler namin.
"Young master .." at may inabot sya saking isang plastic ng letters na hindi pa nabubuksan.
Tiningnan ko lang uon sandali at muling binalik ang tingin sa butler.
"Sa kanya na po yan galing. Ang sabi po sa post office ay may ipapadala pa daw sila bukas" tumango na lang ako sa sinabi ng butler namin at tinanggap ko na ung mga sulat at umalis na ang butler namin at sinarado ko na ang pinto. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon na basahin pa ang sulat nya dahil halos oras oras ata ng pangyayari ng buhay nya ay sinusulat na nya sa sulat para lang magpapansin sakin.
Halos ilang taon na syang ganyan, upon thinking about it, may mga family or friends bang nakakaalam na ganyan sya?
Tinapon ko na lang ang mga sulat dun sa trash bin na nandito sa kwarto ko at bumalik na sa kama at nahiga, muli ko ring sinuot ang head phones ko at nakinig ng music.
----
Akia Megumi Celestine's Pov
Masama ang loob kong bumalik ng sasakyan. Hindi ko na rin kinausap si kuyang driver dahil sa inasal ng lalaking yon. Kasi naman, okay na akong sabihan nya ng mga ganun pero nung tatalikod na ako at aalis na sana ay nagpahabol pa sya ng salita na nagpakulo ng dugo ko.
"Ang balita ko, tinatapon lang naman ang mga sulat mo. Hindi naman nya binabasa kasi hindi ka naman mahalaga" naikuyom ko na ang kamao ko dahil sa narinig ko at aaminin ko gusto ko na syang sapakin pero hindi ko gagawin dahil baka sabihin asar talo ako kaya hindi ko sya papatulan kahit kating kati na akong gawin yon.
"Ma'am, may nangyari bang masama sa loob?" puno ng pag-aalala na sabi ni kuyang driver sakin, tumingin pa sya sandali sa rear view mirror para tingin ako pero imbis na magkwento ay basta na lang akong umiyak na nauwi rin sa nagkwento ako kay kuyang driver.
"Tapos ... nakakainis talaga sya kung makaasta sya akala nya kung sino sya"
Nagkwento lang ako ng nagkwento hanggang sa makarating na kami sa bahay. Bago ako bumaba ng sasakyan ay nagpasalamat muna ako kay kuyang driver dahil pinakinggan nya ang pagngangawa ko. Natawa lang sya sa sinabi ko at pina-andar na nya ang sasakyan para iparada.
Pagkapasok kong bahay ay natagpuan ko si Mommy na may kausap sa phone. Mukhang mga japanese investors na naman ang mga kausap ni Mommy. May-ari kasi kami ng isang company which is hotel and restaurants kaya ganun ang course ko. Sinabi ko dati na para kay Des dahil un ang course nya pero hindi lang yon dahil hindi naglaon ay minahal ko ang pagluluto kaya pinagpatuloy ko.
Tahimik na lang akong lumapit kay Mommy at hinalikan ang pisngi nya at umakyat na sa kwarto ko. Pagkasok ko sa kwarto ay kumuha agad ako ng ballpen at bond paper at sinulat ang nangyari sakin ngayong araw.
Dear Zian Auer,
Ngayong araw na 'to ay nagkita kami ni Destiny ung girlfriend ni Darren? Remember her? Haha, natatawa ako sa sarili ko para kasing close na tayo sa tono ko.
Anyway, dumaan din pala ako sa post office simula kasi pinagsalitaan ako nung post man dito sa may amin ung nakakaraan ay pinangako sa sarili kong hindi na ako magpapaabot sa kanya ng sulat pero isang pagkakamali pala na pumunta pa ako ng post office dahil pinagsalitaan pa ako nung lalaki dun.
Pinahiya nya ako! Kahit na kaming dalawa lang ang nandun napahiya pa rin ako! Nakakaasar sya, hindi naman sya gwapo.
Grabe! iniisip ko pa lang sya kumulo na ang dugo ko sa bumbunan. Nakakaasar sya!
Anyway, un lang. Oo nga pala, sana basahin mo 'tong sulat ko kasi ayokong magkatotoo ung sinabi ng lalaking yon na hindi mo binabasa ang mga sulat ko.
Your future girlfriend/wife/forever/to infinity and beyond/across the universe ,
Akia Megumi Celestine
Pagkatapos kong isulat ang lahat nilalaman ng puso ko sa kapirasong papel na ito ay finold ko na 'to at nilagay sa isang emvelope na pinababangonan ko pa ng Victoria Secret na pabango, ung pinakamahal ha!
At pagkatapos ay nilagay ko na ito sa plastic na resealable para hindi maalikabukan. Siguro, ipapapadala ko na lang to kay kuyang driver na ilagay sa mail box mamaya. Ayoko na kasing makita ung postman na yun, nakakaasar lang sya.
-----
The Next Day ...
Naglakad na ako papasok sa loob ng gate ng school ng may bigla na lang bumangga sakin. Napalingon ako sa kanya dahil nahulog nya yung dala kong isang notebook, hindi ko muna pinulot yon bagkus ay sinundan ko muna ng tingin yung lalaking bumunggo sakin dahil akala ko ay manghihingi sya ng sorry pero nabigo ako dahil ang bilis nyang tumakbo na hindi na nya napansing nabangga na nya ako.
Naasar ako at napabuga na lang ng hangin. Nakakaasar un ah! Akala nya kung sino!
Nanatili parin akong nakatingin dun sa tumatakbong pigura ng lalaking nambangga sakin ng marinig kong tumunog ang bell dahilan para magmadali ako at damputin na ung notebook kong nahulog.
Pagkapulot ko dun sa notebook ay pumunta na ako sa first class ko. Nakakainis ! Baka malate pa ako dahil sa pambubungo sakin nung lalaking yon.
Nang makarating na ako sa tapat ng room ay nakahinga ako ng maluwag dahil wala parin ang prof namin. Napa-yes ako ng mahina. Napatingin na lang ako sa relo ko at nakita kong may 5 minutes pa pala bago mag second bell.
Kaya naglakad na ako papunta sa upuan malapit sa may bintana. Panibagong sem na naman 'to at kasasabi ko nga kay Des na hindi ko na sya kaklase. Nakakalungkot man pero wala akong magagawa.
Kaya heto na lang ako, tatanggapin ko na lang. Kaya para kahit papaano ay mabawasan ang pagkabored ay naglabas na lang ako ng bond paper at nagsimula ng magsulat para kay Zian.