Napatulala ako sa sign na nakita ko. Kung totoo nga itong nakikita ng mga mata ko, bakit mukhang wala alam si Zian? o sadyang wala lang talaga syang pakialam? Pero hindi e, dahil kung may pakialam naman sya ay sasamahan sya si Akia diba at hindi nya hahayaang mag-isa.
For the last time ay muli kong nilingon ung sign at pagkatapos ay umalis na ako ng hospital. Kailangang malaman to ni Zian. Kailangan malaman nya na pumunta ngayon si Akia.
----
"Wala akong pakialam sa kanya." saad ni Zian habang nasa libro parin nyang binasa ang kanyang atensyon.
Mabuti na lang talaga ay wala dito ung kambal na yon dahil baka uminit lang ang ulo ko sa sasabihin ni Thower.
Napailing lang ako sa sinabi ni Zian at nilapitan sya at umupo sa sofa kalapit nya.
"Wala ka ba talagang pakialam sa magiging anak mo?" medyo tumaas na ang boses ko. This guy's unbelievable! Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nya.
Kung sa akin yan, malaman kong magkakaanak na kami ni Des ay agad ko syang susundan sa South Korea at magpapakasal agad kami. Ganun ko kamahal si Des pero si Zian hindi man lang sya pinapahalagahan si Akia.
Nalulungkot tuloy ako para kay Akia.
"Hindi ako makakaanak sa babaeng yon. Isang pagkakamali lang ang lahat at hindi na muling mauulit pa" Naikuyom ko na ang kamao ko sa inis. Hindi ko na nagugustuhan ang naririnig kong sinasabi ng lalaking 'to. Tinuturing nyang walang kwenta si Akia.
Kaya para kahit papaano ay hindi ko na sya masuntok pa ay umalis na lang ako basta ng bahay nila at kinuha ang phone ko sa bulsa.
Ina-dial ko ang number nya ...
"Daniel, I need to ask a favor from you ..." napangiti ako.
Alam kong hindi mo ito magugustuhan Zian pero wala naman sigurong masama kung humingi ako ng tulong sa iba, diba?
-----
Akia Megumi's Pov
"Napakaswerte mo naman. Two months na ang baby mo" napangiti ako sa sinabi ni Tita. Oo, tama, tita ko ang ob-gyne.
Pero biglang napawi ung ngiti ko ng marealise kong hindi naman alam to ni Zian at baka hindi nya tanggapin ito. Ayaw naman nya sakin diba?
"O, something wrong, Akia?" i just faked a smile at umiling iling.
Nagpasalamat na rin ako kay Tita at nagpaalam na. Pupunta pa kasi ako sa restaurant. Nakakahiya naman kay DC kung sya na palagi diba? May business din ung lalaking yon at parang semi-owner lang sya. Nakakatuwa talaga ung kaibigan kong yon.
Pagkarating ko sa restaurant ay binati ako ni Kuyang Guard kaya binati ko na rin sya. Pagpasok ko sa loob ay maraming customers kaya napangiti ako. Mukhang nakikilala na talaga ang restaurant namin.
Pinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad papunta sa office at binasa ko ang mga financial statement ng restaurant. Napangiti ako, talagang nakikilala na talaga ang restaurant namin.
Pero biglang naalala ko ung sinabi sakin ni Tita kanina kaya biglang napawi ung ngiti ko. Masaya siguro kung alam ni Zian itong restaurant. Masaya siguro kung minsan man lang ay bisitahin nya ako pero welcome to the real world, hindi ganun si Zian.
"Oh, bakit ka malungkot?" agad naman akong napalingon dun sa nagsalita.
"DC?" napakunot ako ng noo. Ang alam ko kasi wala sya dito kasi pagpasok ko sa office ay wala naman sya dito at wala ung gamit nya.
"Oh, namomoblema ka na naman?" hindi ko alam kung nang-aasar ba ito dahil nakangiti ba naman habang sinasabi yon.
"Pag ba sinabi kong hindi, maniniwala ka?" mapang-asar kong saad pero natawa lang sya sa sinabi ko.
Simula na ito hanggang sa umabot na ng 5 months ang tyan ko ay ganito na lang ang naging reutine ko. Gigising, Kakain, Papasok sa trabaho, Makikipagkwentuhan kay DC pag may tyan, Uuwi, Matutulog. Ganun lang ang cycle ng buhay ko.
5 months na ang tyan ko pero mukhang hanggang ngayon ay hindi parin ako napapansin ni Zian, nananatili parin akong invisible para sa kanya.
Nahihirapan na rin akong maglakad at huminga pero kakayanin ko. Para kasing dalawa na lang ng anak ang nagkakaintindihan sa bahay na 'to.
"Hello, buntis!" agad naman ako napaangat ng mukha para tingnan ung nagsalita at tumigil sa pagbabasa ng libro
"DC, hindi ko napansin na pumasok ka" sinarado ko na ung libro at tinago ko sa may gilid ng sofa.
Napangiti lang si DC. "Paano mo naman mapapansin kung nagbabasa ka ng libro dyan"
Natawa lang ako sa sinabi nya. "Pasensya na, alam mo namang wala kaming katulong sa bahay at ako lang naman ang naglilinis diba"
Kinurot ko na ang pisngi ni DC dahil nakakatuwa sya. Don't get me wrong ha tapos na akong maglihi pero sadyang natutuwa lang talaga ako sa pisngi ni DC kaya ganun.
"Yun na nga e, mag hire ka na ng maidas tutal mapera ka na naman e" nagtawanan lang kami sa sinabi ni DC. Hindi ko talaga maintindihan sa lalaking to napapatawa nya ako.
"Mapera ka dyan? Mas mapera ka kaya sakin. Dapat ang bahay mo mansy--" hindi ko natapos ang sasabihin ng biglang bumukas ang pinto at iniluha nito si Zian.
Sandali nya kami nitong tiningnan at pagkatapos ay lumingon sa wallclock na ang oras 5 pm at pagkatapos ay pinagpatuloy na nya ang kanyang paglalakad papaakyat.
Biglang napawi ang ngiti sa aking mukha dahil sa inasal ni Zian. Akala ko magagalit sya, o kaya magre-react man lang. Pero grabe! Magda-dalawang taon na syang ganyan. Napupuno na ako.
Nilingon ko si DC na nakatingin lang sakin at sinabihan syang umuwi. Siguro ay naintindihan na nya kung bakit kaya hindi na sya nagtanong pa.
Naglabas muna ako ng buntong hininga bago ako nagsimulang umakyat ng hagdan papunta sa kwarto namin.