Nasa lobby ako hinhintay si Loisa na nagbabayad ng kanyang tuition. Sinamahan naman kami ni Fourth
“Maris, after nito may gagawin ka?”
“Hmm, wala naman tapos na din naman class ko wala yung prof ko sa algebra, bakit Kuya?”
“Wag mo na nga ako tawaging Kuya, aayain sana kasi kitang kumain sa labas.” Bigla syang tumungo habang nag hihintay ng sagot ko.
“Anong oras?” Biglang lumiwanag yung mukha nya at napangiti.
“6 pm. Dinner sana, sunduin nalang kita sainyo?” Excited nyang tanong. Gustuhin ko man sana na sunduin nya ako sa bahay, hindi nya pwedeng malaman na magkasama kami ni Daniel sa bahay. Hindi naman sa gusto ko itago, pero alam naman ng lahat na bawal yon at baka mawalan ng trabaho si Daniel.
“Baka ma-hassle ka pa, magkita nalang tayo dito.”
“Sure ka? Okay lang naman sakin na sunduin ka.” Pangungulit nya.
“Oo, okay lang naman, basta 6pm dito tayo magkita.” Ngumit naman sya at di na pumalag.
“Iwan na kaya natin sila? Para makapag ayos na tayo?” Tumayo kami pareho at pinuntahan si Loisa at Joshua sa Finance. Nagsabi na kami na uuwi na kami, at pumayag naman yung dalawa.
Pumayag akong lumabas kasama si Fourth kasi nakikita ko naman yung sincerity nya. Halos araw araw nya kami sinasabayan kumain at sumasama sya sa mga lakad namin. Nakita ko din naman na mabait talaga sya, lalo ngayon na nagkakasama kami sa group, mas napapalapit kaming dalawa. Siguro time na? College na din naman ako, time na siguro para subukan kong umibig.
Nakarating ako ng condo at wala pa si tanda, mukhang may night class sya. Malamang, late na yun makakauwi. Nahiga muna ako saglit para makapag pahinga. Nakatingin lang ako sa kisame at iniisip ang mga bagay bagay. Di ko akalain sa murang edad ko, mag-aasawa na ako, inisip ko kung gaano magiging komplikado ang buhay ko once na ikasal na ako. Hindi ko namalayan na naka-idlip ako. Nagising ako sa tunog ng phone ko. Si Fourth, tumatawag. Tinignan ko ang oras at 5:30 pm na. 1 hour byahe ko papuntang school, shocks!
“Hello? Sorry, nakaidlip ako.”
“Okay lang, take your time. Sure ka baa yaw mo sunduin kita?
“Oo, okay lang. Wait lang mag bibihis lang ako, tapos punta na ako school.”
“Okay sige, ingat ka.”
Agad akong nag bihis. Simple lang ang sinuot kong damit, high wasited jeans, fitted long sleeves, tapos white shoes. Mabuti nalang at agad akong nakasakay ng jeep papunta sa school kaya naman wala pang 1 hour ay nakarating na ako. Pagbaba ko, biglang may bumusina. Si Fourth na pala.
“Let’s go?” Agad syang bumaba ng kotse at binuksan ang pinto parra sa akin at sumakay na ako.
“San tayo kakain?”
“Basta, ako na bahala. Sure ako magugustuhan mo to.” May tiwala naman ako sakanya dahil hello? Chef to.
Biglang tumugtog yung A Thousand Miles
Making my way downtown
Walking fast
Faces pass
And I'm home-bound
“Uy! Gusto ko tong kantang to!”
“Ako din e! White Chicks!” Nilakasan nya yung sounds at sabay kaming kumanta.
If I could fall into the sky
Do you think time would pass me by?
'Cause you know I'd walk a thousand miles
If I could just see you tonight
Maya maya pa ay nakarating na kami sa restaurant.
“Bakit parang walang tao?” Ang dilim, tska walang tao sa loob.
“Basta, tara na.” Binuksan nya yung pinto ko at inilagay nya yung kamay ko sa loob ng braso nya. Naka cling ako sakanya. May nagbukas ng pinto samin. May ilaw naman pala pero sa malayo mukha syang madilim gawa ng dim ang ilaw.
“Good evening po, ang bilis nyo sir ha.” Bati ng waiter na nag bukas ng pinto. May kalakihan ang restaurant. Fine dining restaurant to, na may black and white motif. Black tables, white ang walls na may mga vintage pictures na naka-frame.
“Ganon talaga.” Sabay ngiti nya sa waiter. “Maris, sama ka muna sakanya. Saglit lang.” Sinamahan ako nung waiter sa isang lamesa na tanging may kandila at bulaklak. Grabe, totoo ba tong nakikita ko. Ang romantic ng ambiance, ang ganda ng set-up. Di ko maisip na mararanasan ko to sa buhay ko. Manghang mangha ako sa nakikita ko, sinend ko sa group chat naming nila Loisa yung itsura nung lugar.
Loisa: Huy, ang sosyal!
Nichole: Tara yang haba ng hair ni Mars.
Me: Ssshhh. Nakakahiya, hindi bagay damit ko sa lugar.
Sabay send ko ng OOTD ko.
Loisa: Ano ba yan bes! Sana manlang nag dress ka.
Nichole: Nako, sana tinawagan mo ko nang naayusan kita!
Me: Ano ba kayo, malay ko bang date to!
Binaba ko na yung phone ko ng dumating si Fourth.
“Sorry, ang tagal ko ba?”
“Okay lang, san ka ba galing at pawis na pawis ka?” Inabot ko sakanya yung panyo ko.
“Salamat. Ano kasi, ako nagluto ng kakainin natin. Ayaw ko naman na pakainin ka ng pagkain na hindi ako ang nag handa.” Kung iisipin mo, may ganito pala talagang lalaki ang natitira no? Alam ko naman na may something sakanya, pero ayaw ko lang pangunahan dahil ayaw ko rin mag assume.
Unang nilabas ang Hors d'oeuvres or finger food. Ang nilabas nya ay Canapé. Bali tinapay to na may savory toppings, and smoked-salmon ang toppings nito.
“Ang sarap naman nito” Totoo. Ang sarap talaga.
“Wala pa yan, may appetizer pa, salad, main course, pati dessert.” Sinasabi palang nya, nabubusog na ako. Naubos ko ang tinapay, kaya naman pinalabas na nya ang appetizer. Naglabas naman ng Shrimp Cocktail yung waiter, pagkatapos naman ay nilabas nya ang salad, sumunod ang steak. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng main course ng bigla syang nagging seryoso.
“Maris, can I ask you a question?”
“Sure, ano yun?” Sabi ko habang hinihiwa ko yung steak.
“Do you think it is possible that you will fall in love with a guy older than you?” Napaisip ako sa sinabi nya. Na-in love nanaman ako noong high school, pero puppy lovee at crush crush lang yun. Mag 17 pa lang ako, kung tutuusin bata pa talaga ako. Pero naniniwala naman ako na love is love, and age doesn’t matter.
“It is possible, kasi para naman sakin wala sa eedad yan, kung mahal mo, mahal mo.” Sabay ngiti ko sakanya.
“So, open ka? Open ka na may magkagusto sayo older than you?”
“Oo? Sigruo? Hindi ko alam?” Parang alam ko na saan pupunta to.
“May boyfriend ka ba, Maris?” Sabi ko na. Hindi ko alam kung ano yung isasagot ko. Wala naman akong boyfriend, obvious naman di ba? Pero biglang pumasok sa isip ko si Daniel. Magiging mag asawa kami soon, alam ko naman na hindi nya ko pinipigilan na magkaroon ng boyfriend, pero parang magiging komplikado ang lahat.
“Maris, I like you. I don’t know if may boyfriend ka, but gusto ko maging honest sayo. I really like you, and kung bibigyan mo ako ng chance para mapatunayan yun, gagawin ko lahat.” Natigilan ako sa sinabi nya. Like shookt ako.