HinovelDownload the book in the application

MPW: Chapter 2

Maris

" Wag nyo po akong sasaktan maawa po kayo!!!!!! " Nagmamakaawang sabi ko sa lalaking nasa harap ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, basta bigla nalang nawala yung dalawang lalaking manyak

" See, I know you're lost. Ikaw talagang bata di ka nakinig, buti sinundan kita. Are you alright? " Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Dahan dahan ko inangat ulo ko sa lalaking nasa harap ko,sya yung poging kausap ko kanina na akala ko mamanyakin ako. Hay nako Maris, judger ka talaga nakaramdam ako ng hilo na para akong tutumba.

" Thanks " ang huling nasabi ko, and everything went black.

---------

" Mars? Huy Mars!!!!!!!!!!!!!!!!!!! " Boses ni Loisa ang naririnig ko. Grabe sobrang sakit ng ulo ko. Ang pangit ng panaginip ko kakainis. Dahan dahan kong dinilat mata ko at mukha ni Loisa na bagong iyak ang nakita ko at sobrang liwanag na background, hindi ko to kwarto.

" Asan ako? " tanong ko

" Nasa hospital ka, tumawag samin yung lalaking kasama mo daw. Hindi na namin naabutan e, phone mo yung pinangtawag nya. Ikaw kasi e, bakit ka ba umuwi? Anong nangyari?! " Kitang kita sa mukha ni Loisa yung inis at pag aalala.

" Na-na-ligaw ako, tapos may mga lalaki, yung gwapong lalaki yung sumapak—basta. " Hindi ko makwento ng maayos, nakaramdam ako ng takot.

" Paano?! " loisa/nichole

" Ayan kasi, sobrang bitter napahamak tuloy " At may isang boses ng lalaking sumingit. Si Joshua pala. Makasingit kala mo close kami?!

" Kala mo naman kung sino ka makapag salita! Bakit close tayo? Aray! " Sigaw ko at biglang sumakit ulo ko.

" Wag ka muna magkikilos Mars, magpahinga ka muna. Buti na lang talaga at nameet mo ang Spartan ng buhay mo! " Nichole. Habang kinikilig na yakap yung braso ni Loisa.

" Naalala mo ba muka nya o alam mo name nya? " Loisa

" Hindi eh, mejo yung muka nya, pero di ganong clear. " Habang pilit kong inaalala yung mukha nya.

" You know what guys, maybe we should let her rest. Traumatized and pagod si Maris, maybe we should go na " Manolo. Napangiti ako sa sinabi ni Manolo, mukhang sinwerte sa jowa itong si Nichole.

" Oo nga tama ka jan manolskie, osya Maris, gtg na ha? Rest, tinawagan ko na si Ate Tin at Ate Pay, on the way na daw sila. Goodnight bebe girl, see you tom. " Nichole.

--

It’s been a week since that night, and di pa din nawawala sa isip ko yung mga nangyari. Hindi ako nakakalabas ng bahay ng ako lang mag-isa, lagging dapat may kasabay ako dahil takot na rin silang maulit ang nangyari. Pero may isa pang hindi mawala sa isip ko, at yun ay si kuyang Spartan na tumulong sakin.

" Maris ano bang iniisip mo jan?! Tulaley kna naman! " Loisa. Si Loisa ang madalas bumibisita sakin sa bahay at araw araw naming inaabangan si kuya Spartan sa mall, pero we are out of luck.

" Maris? " Ate Pay

" Ano yun Ate? " Tanong ko nakasilip kasi sya sa pinto

" Mama. Skype " Ate Pay

Sa tono ng boses ni Ate Pay, mukhang may problema. Madalas naman kasi nakikipag usap si Mama sakin kahit nandoon si Loisa, but this time private conversation ang gusto nya.

" Hello nak, may sasabihin ako sayo, wag ka sanang magagalit samin ni papa mo.” Sa salitang to, medyo kinabahan na ako. “Ikaw na lang ang tanging pag asa namin para masalba ang lahat ng meron tyo. " Mama.

" Ma, ano yun? Ano bang nangyayare? "

" Anak, uuwi kami ng papa mo jan bukas dahil ikakasal ka " Mama

Ikakasal lang pala ako, akala ko kung-- ANO?! AKO?! 16 LANG AKO!!! TEKA PANG K-DRAMA LANG TONG FIXED MARRIAGE E, ANO NANGYAYARI???!!

" Ma?! 16 lang ako! Ikakasal? kanino?! Hindi Ma! Ayaw ko, bakit ako?!!!! " Sigaw ko. Ma, sorry pero gusto ko pa lang naman magka-jowa, bakit asawa ibibigay nyo agad!

" Anak patawarin mo kami ng papa mo, Ito na lang ang tanging paraan. Ang gusto kasi ng pamilya Matsunaga bago mag merge ang kumpanya natin sakanila ay masisiguradong satin lng ito iikot. Kailangan magpakasal ang bunsong anak namin sa anak nila " Mama

Bunso? Talaga ba? Pumayag silang 16 lang ako? Bawal to e!

" Ma, 16 lang ako, kaka-college ko lang. Ilan taon na ba yun?

" Ang alam ko ay 25 na sya. Wag kang mag alala, mababait ang mga Matsunaga. Alam nilang bata ka pa, sumang ayon naman sila. Maris anak, sana maintindhan mo ito. Sana mapatawad mo kami ng papa mo. Sige na anak, pag uwi ko aayusin agad natin ang sa kasal nyo. Kausapin ko na ang Ate Pay mo "

" Okay ma, " agad akong lumabas ng kwarto at hindi pa rin nag sink-in sa utak ko na ikakasal ako. Yawa. Ang tanging naiisip ko ay mura sa ibat ibang lengwahe.

" Huy bes, ok ka lang? " Tanong ni Loisa habang nakatulala ako sa kawalan.

" Bes, ikakasal na ako " Tulala ko pa rin sabi sakanya.

" Paano?! Ikakasal? Loko ka di mo sinabing may bf ka?! Kasal?! Buntis ka?! Ano?! "Gulat din nyang tanong.

" Teka! Hindi ako buntis, wala akong bf. Fixed marriage ito bes, yung mga napapanuod lang natin uso pala ditto sa Pinas. Pano to? Ang bata ko pa bes " Agad akong niyakap ni Loisa.

Umiyak lang ako ng umiyak kay Loisa. Paano na ako ngayon kung ikakasal nako? Ni hindi ko na-enjoy ang teenage life ko dahil mag aasawa na ako? Sino naman kaya yung lalaking yun?! Di manlang nag isip na bata pa ako, gumugusto rin e! Hindi nga ako na rape last week mukang ito mang rape sakin! waaaaaa!!!

Kaya mo yan Maris! para sa pamilya mo!

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free