HinovelDownload the book in the application

MPW: Chapter 8

Maris

“AAAAAAAHHHHH” Iinat inat kong sabi. Ang sarap ng tulog ko grabe. Pero paano ko nakaakyat dito? Alam ko sa sasakyan ako nakatulog yun ang huli kong naalala.

“Oh bata, you’re awake na pala. Ano gusto mo breakfast? Sakto magluluto palang ako.”

“Gusto ko ng french toast tanda” Nakaupo lang ako sa kama at nagkukusot ng mata. Ang sarap kasi nung frenchtoast na ginawa nya noong nakaraan.

“Okay sige, muni muni ka muna.”

Lumabas na sya ng kwarto at agad naman akong sumunod. Pagtayo ko nakita ko ang picture ng babae sa lapag. Ang ganda nung babae, parang model. Hindi ko alam ano pumasok sa isip ko at bigla kong tinignan yung liko, and boom! May note sa likod.

You and me, always and forever. Iloveyou - DM

Ito siguro yung ex nya. Kawawa naman si Daniel, kung hindi dahil dito sa kasalan na ito, baka sakaling may chance pa sila.

“Bata, malapit na maluto to.” Sigaw nya mula sa labas at nataranta naman ako.

“Ah—okay tanda, palabas na!” Nilaglag ko lang ulit yun litrato at lumabas ng kwarto na parang wala lang. “Hmm—Ang bango!” Sobrang bango naman kasi talaga, amoy palang kagutom na.

“Kain ka marami, para naman tumaba ka you look so payat oh.” Pang aasar nya habang nag pprepare ng food, at ako naman ay umupo na sa lamesa.

“Ang yabang mo ano, macho kaya ako.” Sabay flex ng muscle ko.

“HA-HA mukha mo.” With make face pa, natawa din naman ako dahil may tinatagong kalokohan din tong matandang to.

Kumain lang kaming dalawa ng tahimik, ako nag phone, at sya ay nagbabasa ng newspaper. Napaka adult ng datingan nya. Maya maya pa ay nagsalita na sya.

“Nga pala, we have quiz sa subject ko, mag aral ka. Pag ikaw bumagsak, yari ka sakin.” Patawa tawa nyang sinabi at tumayo na para mag asikaso pumasok.

Di ko masyado inintindi yung sinabi nyang quiz, ang hindi mawala sa isip ko ay yung ex nya. Paano nya nagawang lokohin at ipagpalit tong si tanda, e mukha naman napaka responsableng tao? Ang tagal ko atang nakatulala kasi natapos na sya magasikaso ng gamit nya at nakapag bihis na sya. Bigla syang lumapit sakin.

“Oh bata, tulala ka? Mag aral ka jan, di dahil magiging asawa mo ko e ipapasa kita.” Sabay halik nya sa noo ko at napaatras ako. Nakatingin lang ako sakanya.

“May problema ba?” Hindi ako sumasagot, nakatingin lang ako sakanya. Hindi ko alam sasabihin ko, nagulat kasi ako.

“Oh, that kiss? Sorry pero ganon ako to show some care and respect sa isang babae. Anyways, ingat pagpasok mamaya” Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Sakto naman may salamin sa side ko at nakita kong namumula ako. Tumungo ako para hindi nya makita.

“Ingat din.” At bumalik nalang ako sa pagkatulala.

--

Nasa garden kami ni Loisa, vacant kasi naming. Nakapag quiz na din ako sa subject nya at okay naman ang kinalabasan. Napangiti pa nga sya ng makita nyang mataas ang nakuha ko.

“Talaga ba bes, nakakaintriga naman si ex no?” Pinagchichikahan kasi naming ni Loisa yung ex ni Daniel.

“Oo, nakokonsensya nga ako kasi parang may part na kasalanan ko. Ngayon ako naka-relate sa fixed marriage sa mga pelikula.”

“Sino ikakasal?” Biglang may sumulpot sa likod namin. Si Fifth pala.

“Ah—eh, wala! May pinapanuod kasi akong series about fixed marriage.” Mabilis na sagot ni Loisa.

“Hi Maris!” Biglang lumapit samin si Fourth na naka chef’s uniform pa.

“Hi, Kuya Fourth!” Bati ko naman sakanya.

“Maris, balita ko maganda daw boses mo?” Tumabi sya sakin sa pagkakaupo.

“Ha? Hindi ha! San mo naman nasagap yang chismis na yan?” Depensa ko.

“Ang humble naman ng besty ko, pero oo Kuya, maganda boses nyan.” Sabay tulak sakin ni Loisa para mas lalo ako dumikit kay Fourth.

“Kasi meron kaming tinatayong grupo mg dancers and singers, iniisip naming nab aka gusto nyo sumali? UB All In ang name, maganda dito kasi makakapag perform tayo sa Pep Rally at iba pang events.” Siguro noon high school, nag choir ako kasi para dagdag hatak sa grades, pero ngayon college parang nag dadalawang isip ako.

“Uy, parang maganda yan! Di ba bes, nag choir naman tayo noong high school wag kang ano jan!” Nako talaga tong si Loisa minsan gusto ko sabunutan ang daldal.

“Sali ka Loisa?” Tanong ni Fourth.

“Oo! Sali din si Joshua at Nichole, sabihan ko sila G naman yon.” Aba aba nanghatak pa nga ng wala ditto.

“So paano ako?” Biglang sumulpot si Manolo sa likod namin.

“May opening ang modelling, dun ka sumali!” Sabay tawa ni Loisa. Hindi kasi marunong kumanta at lalong sumayaw tong si Manolo.

“So, ano? Lista ko na kayo?”

“Game!” Masiglang sigaw ni Loisa.

“Ikaw, Maris? Sali ka na, kailangan ka naming dun.” Mapilit din talaga tong si Fourth, pero naisip ko rin na kung sasali mga kaibigan ko, ayaw ko naman maiwanan ako mag isa.

“Oo na nga. Sali na ako, ayaw ko rin naman maiwan mag isa.”

“Ayun! Sige, mamaya may meeting ng 5pm sa gym, punta nalang kayo ha? Alis muna ako at may klase pa ko!” Sabay sibat ni Fifth, naiwan naman si Fourth.

“Maris, kumain na kayo?”

“Maris, tapos kayo? Sino ba talaga tinatanong mo, Kuya Fourth?” May pang aasar na tono no Nichole.

“Kayo, kumain na ba kayo?”

“Hindi pa nga Kuya e, gutom na ako.” Sabay hawan ni Loisa sa tyan nya.

“Alam mo Loisa, kaya ang taba mo.” Asar ni Nichole sakanya.

“Wow, kala mo ako lang dito matakaw e mas malakas ka nga kumain sakin.” Rebutt ni Loisa. Minsan talaga malapit na magsuntukan tong dalawang to pag nagkapikunan to ewan ko nalang.

“Shhhhhh. Hep hep! Katahihmikan, kumain nalang tayo. Pareho lang kayong matakaw, kaya tara na.” Tumayo ako dahil medyo gutom na rin naman ako.

“Teka lang guys, hindi ba natin hihintayin si Joshua?” Manolo. Oo nga, bakit wala yung mokong na yun dito?

“Nag chat sakin, nasa canteen daw sya. Tinatamad na daw syang tumayo talo nalang daw pumunta.” Loisa.

“Chicks talaga ng jowa mo no? Daig ka pa.” Nichole.

Dahil sa katamaran ni Joshua, sa canteen nalang kami lahat kumain.

--

Daniel

Nasa faculty room ako ng biglang tumawag yung guard sa phone ko.

“Sir Matsunaga, may naghahanap po sainyo.”

“Sige, saglit lang pababa na ko. Pakisabi hintayin ako sa waiting area, salamat!” Sabay baba ng phon at lumabas nako ng faculty.

Pag punta ko sa waiting area, madadaanan ko yung canteen at natanaw ko sila Maris. Napangiti ako dahil nagtatawanan silang lahat at halos mawala ang mata nya sa kakatawa. Tinignan ko kung sino ang mga kasama nya at nakita kong katabi nya si Fourth. Mukhang nagiging malapit na sila ni Maris, sana lang ay di nya to saktan.

Pag dating ko sa waiting area, wala naman tao. Sino kaya yung nag hahanap sakin? MGa 10 minutes akong nag hintay, pero walang lumilitaw na tao kaya naisipan ko na lumapit sa guard.

“Kuya, san yung naghahanap sakin?” Confused kong tanong. Binaba ng guard yung phone at sinilip yung waiting area.

“Wala po ba jan, sir? Nanjan lang po kanina e, di ko alam bakit biglang nawala.” Napapakamot na ng ulo si Kuya. At maski ako nagtataka bakit bigla syang nawala. Sino kaya yun?

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free