Maris
Akala siguro ni tanda hindi ko narinig yung sinabi nya kagabe at kanina. Napaisip tuloy ako bigla. Alam ko naman sa sarili ko na talagang mabait sya. He saved my life, at utang na loob ko sakanya yon. Hay, kung ano ano iniisip ko saying ganda ko.
Pagkaalis ni tanda agad akong bumangon at tinawagan ang bff kong si Loisa at Nichole at nakipag video call ako.
“Huy, may ikekwento ako” Bungad ko sakanila.
“Wow bes, Good morning naman tayo jan?”? Loisa.
Halatang bagong gising at may muta muta pa.
“Mariskieeee baket? Aga aga!” Nichole
Si Nichole naman ay umiinom nagtitimpla ng kape
“E kasi itong si tanda! Ang weird kagabi. Ang sweet nya. Parang sinaniban ba?”
Nakita ko na nagising ang diwa ng dalawang bruha. Hay nako, pag chismis talaga.
“O TO THE M TO THE G!!!! Hindii kaya love ka ni spartan?!” Loisa.
“Shemaaaay! DanRis na ako!!” Nichole
“Anong DanRis?! Walang ganun mga besh! Tantanan nyo nga ako.”
“Huy, Mars paano nga no?Di kaya baka ikaw inasawa kasi love ka nya?” Nichole
“Oo nga bes, pogi naman si sir, mabango pa! Naamo mo ba Nichole?” Loisa.
“Leche! Nakakapagtaka lang kase. Hay nako! Sige na binalita ko lang. Kilabutan nga kayo tanda na nun. Ligo nako. See you later!”
Inend ko na yung call para makapag prepare na para pumasok. Bubuksan ko sana yung ref ng nakita ko yung note.
“Hey bata, good morning. See you at school. Paki ayos report, please. I cooked french toast, and egg. Tapos drink some milk, okay? Take care. See you at school and don’t be late. – Tanda”
Napangiti ako sa note na yun. Tinignan ko sa lamesa yung French toast na ginawa nya, at yung egg na hugis heart. Wow! May pag-puso ang matanda. Pero biglang nawala yung ngiti sa mukha ko ng maalala kong may report ako sakanya. Di ba, sabi nga bago ka patayin bubusugin ka muna. Grrr.
Nakarating na ako sa campus at medyo maaga aga ako ngayon dahil nga ayaw ko na ma-late at baka ako na maging reporter the whole semester. Nakakahiya naman kay Sir Daniel kung ako na papalit sakanya kaka-pareport nya no. So ngayon nakatambay kami dito sa CatWalk. Ito yung madalas tambayan ng mga students kapag free time nila. Isang pahabang lugar, kaya CatWalk kasi pwede kang rumampa dito. May mga bench at halaman sa gilid para silong at upuan ng mga students.
“Hi mga ate, mga kuya! Ako nga pala ang turtle ng UB! Tinutulungan ko ang kambal ko pero hindi sya turtle ha?-- na kumalap ng guests nya sa isang function sa UB Hotel. Mura lang ang ticket, at isa ang kapatid ko sa mga chef!” Isang lalaki na naka costume ng turtle ang namimigay ng fliers. UB means University of Brooke. Pero madalas Universirt of Broke sa mahal ng tuition, char!
“Uy parang masaya yun Josh!” Loisa.
"Ha-eh parang di naman”" Napakamot nalang ng ulo si Joshua. Same course kasi sila ng tinetake, Tourism. Actually, silang apat ay nag Tourism, habang ako ay nag Business Management.
"Ewan ko sayo! Sabihin mo, tinatamad ka lang maglakad!” Padabog na sabi ni Loisa sabay layo kay Joshua. Yan dahilan kaya ayaw ko mag jowa e, ang stressful kahit ako yung babae.
“Manolskie, baby can we come?” Nag puppy eyes naman tong si Nichole kay Manolo. Ay grabe tong dalawang kaibigan ko, ako naaawa sa mga jowa.
“Sure baby” Sabay pisil ni Manolo sa ilong ni Nichole. “Anything that you want.”
“Yehey” Sabay halik ni Nichole sa pisingi ni Manolo. Nakita ko naman nanairita si Loisa lalo kay Joshua.
“Kita mo yon! Kita mo yon!” Sigaw ni Loisa habang hinahampas sa braso si Joshua. “Ganyan maging jowa!”
“Hi mga pretty ladies! Kain na kayo. 250 yung ticket, pero kung 5 kayo 1k nlng sya! dali naaa” Ang talas din ng pandinig ni kuya turtle at alam nya san talaga mag bebenta.
“Juswa!! Tara na!!!” Patuloy na pamimilit ni Loisa at nakita kong naiirita na rin si Joshua.
“Oo na, oo na Loisa! Tumigil ka lang” Yamot na sagot ni Joshua.
“Yehey! Labyu Juswa!” Yakap ni Loisa. Mahilig kasi talaga sa foodtrip si Loisa, kaya iba yung desidido nya na makapunta jan sa function event na yan kasi unlimited yunug food. Kung mapapansin nyo, ako lang ang walang pake sa event, kasi nakakatamad naman.
"”So Maris, ano nganga ka jan? Bumili ka na! Sayang discount” Nichole.
“No thanks, I’ll pass.” Sabay ngiti ko. Hindi kasi sulit sakin yung buffet, although mura lang naman. I just don’t feel it, isa pa fifth wheel nanaman ako.
“Let’s go na, Maris. I heard that this function is really good daw. Like may exhibistions mga chef. It’s worth it.” Manolo.
“Oo nga bes, tara na. Tska maraming food choices, ibat ibang cuisine.” Loisa. Grabe ang lalakas mamilit.
“ De, wag nyo pilitin wala atang pera. Wala ka bang pera maris? HA-HA-HA” Pang aasar ni Joshua at nagtawanan naman sila.
“Hoy Joshua! May pera ako! Ilibre pa kita! " Banat ko sabay hampas nung pamaypay ko.
“Ooh. Ouchy. Miss ganda, bili ka na sayang discount. Sayang yun 200 din madiscount nila. Ganito nalang, ipapakilala kita sa kakambal ko pogi yun mas pogi nga lang ako.” At ngumiti pa ng nang aasar itong turtle.
“Hay nako, osige na! Nakakahiya naman sainyo. Sasama ako pero hindi para dun sa kambal mo. Sasama ako kasi hindi ako tatantanan nitong mga to.” Sabay abot ko ng 200 pesos sakanya. Inabot naman nya sakin yung ticket.
“Thankyou guys! I'm fifth nga pala. Ganito, dahil natuwa ako sainyo, kita tayo sa entrance ng hotel para bigyan ko kayo VIP treatment! Salamat!” Sabay takbo nya para mag hanap pa ng ibang mabebentahan ng ticket. Maya maya pa nag ring nay un bell, sign nay un na 8:00 am na at pwede na pumasok sa mga classroom.
“Osya, pasok na ako sa English ko. Alam nyo naman, may report pa ko dun.” Kinuha ko yung bag ko at nag beso kay Loisa at Nichole. Tumango naman si Joshua at Manolo.
--
“So thats all”
Ayun na nga, naiahon ko ang reporting ko kahit sweaty hands na ako. Natuwa naman ako at nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Nakita ko din na napangiti sya ng marinig ang palakpakan.
“Good job Miss Racal.” Tumayo sya sa pagkakaupo nya. “Okay class, since we are already done on our 1st chapter, early dismiss tayo. Bye class, see you next meeting be ready for a quiz” Tanda.
Chineck ko na yung phone ko after nya magpadismiss, naalala ko na may function pala akong pupuntahan.
From Loisa:
“Hoy bruha asan ka na? Nasa loob na kami, sunod ka!”
“Psst! Bata san ka pupunta?” Mahina nyang tanong habang nag aayos ng gamit nya.
“Wala ka na don! Nagmamadali ako wag mo ko guluhin” Taranta ko habang inaayos ang gamit ko. Lumabas na ako ng room pero nakasunod pa din sya.
“Wow, kakain ka? Jan din punta ko, sabay na tayo?” Ang bilis ko maglakad pero naabutan pa rin nya yun lakad ko na parang normal lang sakanya. Nakita nya yung ticket na hawak ko kaya inassume nya dun ako pupunta.
“Pwede ba tanda!-- " Di ko natapos sasabhin ko dahil tinakpan nya bibig ko. Ano bang kalokohan nitong matandang to.
“Shhh! Bata, wag ka na maingay. Let’s go” Para naman akong tanga sumusunod sakanya.
So ang gusto lang pala nyang mangyari is sabay kami pumunta dun sa event. Pasimple nya ko sinabayan ng makarating sa table naming nila Loisa tska sya pumunta sa table nilang mga profeessors.
“Yieeeeee, sabay sila ni Hubby.” Pang aasar ni Loisa pag upo ko sa tabi nya.
“Alam mo daldal mo rin no, di ko nga yun asawa. Mamaya ma-issue pa ko, bawal kaya yun.”
“Asus, kunwari ka pa. Oh bakit kayo sabay? Pasimpleng hatid pa, jowa lang?”
“Malamang? Prof ko sya, sabay kami nag punta dito kasi sya last subject ko?”
“Osya! Basta mamaya, wag daw muna tayo aalis at ipapakilala tayo ni Fifth sa kambal nya. Bilin nya sakin na wag kita pakawalan.”
So nagkayayayaan na kami pumunta dun sa buffet para kumuha ng pagkain. Ako tanging sushi at steak lang ang kinuha ko, habang sila sobrang daming laman ng plato.
“Bes, ano bay an wag ka mag diet!” Pang aasar ni Loisa nung nakita nya laman ng plato ko.
“Hoy oo nga! Sulitin mo yung 200 mo!” Singit ni Nichole.
“Hindi naman kasi ako gutom, at isa pa titikman ko muna kung masarap.”
“Hi Guys.” Isang lalaki ang sumulpot sa likod namin.