HinovelDownload the book in the application

MPW: Chapter 4

Maris

" Ikaw?! " Laking gulat ko ng makita ko kung sino ang pinapakilala nila sakin. Totoo ba???? Paano? Teka?? Pwede bay un??

" Wait.. magkakilala kayo? " Nagulat din si mama sa mga nangyayari, well actually di lang si mama, lahat kami.

" Yes I know her po, I saved her last week muntik na syang ma-rape, and she was lost. Buti na lang I followed her or else, she might be raped or dead " Spartan.

" Rape?! Maris Hija ano to?! Loisa?! " Galit na tanong ni mama samin. Hindi kasi namin sinabi sakanila dahil baka mag alala sila. Si papa tahimik lang alam kong dismayado sya, si Ate Tin at Ate Pay tahimik lang din. Nasermunan na kasi nila ako.

" Ma kasi ano--ano po, kasi—hay. " Walang lumalabas na mga salita sa bibig ko. Kasi kahit anong sabihin ko, magagalit lang sila.

" But thank God my brother was there to save you little girl, right? That’s more important. Hi Maris, have a seat " Saved by the bell ang ginawa nung babaeng kasama nila

" I’m Vanessa, Daniel's sister " Sabay beso nya samin ni Loisa.

" Bes, ang ganda ng lahi ng asawa mo " Pasimpleng bulong nya hhabang papaupo kami.

" Asawa ka jan! Hindi no! " Sabi ko pagka siko ko sa tagiliran nya. Baka kasi may makarinig sakanya, e nakakahiya.

" Ay grabe, mapanakit! Peace" Nag peace sign sya habang tumatawa.

" Pag usapan na lang natin ang kasal, ano bang plano natin balae? " Panimula ni mama. At ito na nga po ang kinatatakutan ko.

--

Daniel

So, she’s the girl. Huh.

" Bro are you okay? " Vanessa

" Yes, I was just thinking if, ugh--nevermind "

Ayaw ko naman kasing magpakasal, lalo sa bata? Nakakahiya paano kapag nalaman ito ng mga tao? I hhave a reputation to take care of. Pinakikinggan ko lang sila sa mga gusto nilang mangyari, I don’t really like to do this.

" So, thats it. The decision is final. Daniel, and Maris, the wedding will be as soon as possible. No exact date as of today, but just be ready”

" I have a suggestion no, what if you'll stay at the same unit starting from now? " Sabi ng mom ni Maris. Are they insane? Just for the sake of the company, they will let their daughter marry me. Well, we don’t have a choice, actually.

" What?!!!/ Paano?! " Sabay naming tanong. Nagkatinginan lang kaming dalawa and she rolled her eyes. Attitude.

" Magiging maganda yun para bago ang kasal, e hindi na kayo magkailangan. Bumili kami ng isa pang unit sa building namin. Yun na ang gamitin nyong dalawa. Ito ang susi anak. " Wow, this is really getting out of hand. Inabot sakin ang susi ng condo.

After dinner, umuwi muna kami sa kani-kaniya naming mga bahay para kumuha ng mga gamit. Fully furnished na ito kaya gamit lang naming ang kailangan naming dalhin. Malaking ang condo, 2 bedroom size ito at may office room pa.

Maris

" Hay sawakas makakatulog na ako! " Sabay lapat ng katawan ko sa kama. Nakakapagod mag empake ng gamit, pero mas nakakapagod isipin ang mga nangyari ngayong araw na to.

" Hey kid! Get up! " Nakapamewang na tawawg sakin ng matandang kasama ko.

" Ano ba?! Matutulog na ako Tanda! shoo! "

" Saan mo ko balak patulugin?! Wag mo solohin yan, tabi tayo! " Habang hinihila nya yung paa ko papunta sa isang side ng kama. Aba ano ka, swerte!

" No! Mamaya gahasain mo pa ako! No way, over my dead sexy body! Dun ka sa labas! " Nagpabigat ako at bumalik sa gitna ng kama para wala syang space. Pero bigla nya akong binuhat.

" Waaa! Ibaba mo ko! Tandaaaaaa! Ibaba mo koooo! " Sigaw ko habang nag pupumiglas sa pagkakabuhat nya.

" I said get up! Aayusin ko yung kama! Hahatiin ko! Happy?! "

" Ibaba mo ko tandaaaaaaa!!! " At ayun na nga. Ibinaba nga nya ako.

" Aray ha salamat! " Inis kong sabi dahil medyo masakit sa balakang ang pagkakabagsak nya sakin sa sahig. Pagkatapos nya kong ibagsak ay inayos nya yung kama. Malaki yung kama, King size kaya maluwag to samin at maraming unan.

" Hey bata! Okay na! Dun ka na, and dito ako! Malaki yung kama para sayo lang! " Sigaw nya habang tumatawa at ang bruho ay nakahiga na. Urgh. Paano ko ba papakisamahan tong matandang to!! Lalabas sana ako ng pinto ng maalala kong pasukan na bukas. AAAAAH.... Bumalik ako sa kama at nahiga. Wala naman akong choice kung hindi tabihan ang estranghero na to.

--

Nagising ako sa alarm. Tinignan ko ang oras at nakitang 8:00 am na.

" Ugh maaga pa-AAAAAAAAAAA naknang! 8:am na pala! " Napabalikwas ako ng bangon dahil 8:30 lang naman ang klase ko! Paano ako makakarating ng campus within 30 minutes?! Nagising ako na wala na si Daniel sa tabi ko.

“Kakainis talaga tong matandang to!!! Maaga naman gumising di pa ko ginising” Kausap ko lang naman sarili ko kasi mababaliw na ko kakaisip sa irarason ko. Naligo ako ng mabilisan at nag bihis.

Urgh kain muna ko!!! bahala na si spartan! ay ano daw spartan hahaha paano?!

Hey bata, this is for you. Eat this, wag puro meat. Kaya ka payatot di ka healthy.

-tanda :)

May salad na nasa lamesa na may sticky notes sa ibabaw. Biglang napawi yung inis ko sakanya.

Nakarating na din ako ng campus at nakatanggap ng text from Loisa.

From Loisa:

Bes asan ka na? Nauna na ko ha? Ingats! Kitakits mamayang 12 sa oval. :*

Urgh. Naiwan pa ko ni Loisa kakainis naman!

Dahan dahan akong pumasok sa classroom namin ng di gumagawa ng ingay.. syempre iwas huli.. ng..

"Miss? 1st day na 1st day late tayo ha " Paktay. Humarap ako sa prof naming ng biglang

" Sorry sir... IKAW?! " sabi ko. Ano to?! Si Tanda din ang prof ko?!

" Hey, Miss Racal show some respect. I’m your instructor, baka nakakalimutan mo " sabi nya ng naka smirk. Grrrr! Gusto ko syang sabunutan pero syempre mabait na student po tayo.

" Sorry sir Matsunaga, sorry po for being late. Yung walang puso po kasing kasama ko sa bahay ay di ako ginising. Pasensya na po hindi nap o mauulit, sir. " Sarcastic kong sabi. HA-HA Totoo naman wala syang puso.

" Okay Ms. Racal, take your seat. Baka naman kase hindi alam ng kasama mong may pasok ka kaya hindi ka ginising. Next time, sabihan mo ha?" sabi nya at nag smirk sabay talikod. Ayaw talaga patalo, grabe!

Chineck ko nalang ang phone kop sa sobrang inis ko at tinext si Loisa parra sa balitang ito.

To Loisa:

Brabe bes! Hanggang dito sinusundan ako ni spartan!

From loisa:

Hahahaha! Okay nga yun bes, may quality time kayo ni papa dandan hahaha! ♥ DanRis all the way!

To Loisa:

DanRis ka jan! Ikaw LoiShua ha!!!

" Miss Racal, mukhang wala ang attention mo sa tinuturo ko? " Gusto ata talaga akong ipahiya nitong mokong na to e. Kakainis.

" Ha? Ano kasi tanda- este sir di po. Nakikinig naman po ako. "

" So kung ganon, what is my last word? " Dahil nga iritang irita na ko sakanya, it’s time for my revenge.

" Word sir " Sarcastic kong sinabi at nagtawanan ang mga kaklase ko. Nakita kong napailing sya at mukhang nainis din sya sa sagot ko.

" Okay class, dahil maganda ang sagot ni Miss Racal sakin, may reward sya. Miss Racal, report lessons 2-10 okay? Gumawa ka rin ng quiz para sa buong klase. And that is for our next meeting. Class dismiss " sabi nya at nag smirk. Aba! Gumaganti talaga!! Isipin nyo nga habang buhay kong kasama tong mokong na to!!

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free