Maris
Ito na, uuwi na sila mama dito sa Manila. Ngayon araw na din na to ipapakilala ang soon-to-be husband ko. Hay, goodbye single life na ba talaga ito?!
" Mars! Tara na susunduin na natin si Mama sa airport! " Ate Tin. Nakatingin lang ako sa vanity mirror ko sa kwarto at iniisip ang mga posibleng mangyari ngayong araw na ito.
" Ayaw ko sumama, kayo na lang wala akong gana kumilos " Sino ba naman ang gaganahan na kumilos? Para bang pinagkait sakin yung kabataan ko.
" Mars tara na, malelate tayo! " Sigaw ni Ate Payti habang kinakatok ako.
" Ayoko nga! Ayoko. Ayoko. Ayoko " Sabi ko habang nagpapadyak.
Sino ba naman gaganahan umalis?! Susme malaman mong ikakasal ka?!
Noon pangarap kong ikasal sa malaking simbahan. Kasama ang buong pamilya ko, ang bestfriends ko, at yung lalaking mahal ko. Pero hindi yung ganito. Yung ikakasal ako sa taong ni hindi ko nga nakita kahit nunal sa muka! Kainis.
" Mars ano baa!!!! Tara na! " Sigaw nilang dalaw pero ganon pa din ang sagot ko.
" Ayoko nga! "
" Bahala ka! Sumunod ka nalang sa restaurant na itetext ko sayo! Alis na kami, kumilos kna!" Sigaw ni Ate Payti.
Diyos kong mahabaging Diyos, naging mabait naman po ako diba? Pero bakit ganito? Una may nagtangkang gahasain ako, pangalawa ito? Anong sunod? Wag sanang mabuntis ako agad!!!! waaaaa!!!
Biglang nag ring ang doorbell, kaya sumilip ako sa bintana para sumigaw at itanong sino ang tao sa may gate. Mamaya kung anong kamalasan nanaman tong darating, aba sumosssobra na!
" Sino yan?! "
" Bes ako to! " Sagot ni Loisa. Agad naman akong bumaba para pag buksan syay ng gate.
" Kasi naman bakit may pa doorbell pa! Pwede naman pumasok! Bes, I need your help " sabi ko habang binubuksan ang gate.
" Bes, pinapunta ako ni tita dito, magbihis ka na daw at pupunta tyo sa isang japanese restaurant. Bale, dun mo daw makikilala yung ano mo. Ano nga ulit pangalan nun.. Dan..Dan..Dan...--" Loisa na di maalala yung sasabhin nya kaya napapakamot ulo nalang sya.
" Is it real? Is it real?! " Sabi ko sabay pagtawa ng malakas
" Ah ewan! Basta dan Matsu.. yun na yon! Magbihis ka na pinasasakit mo ulo ko bes!! " Natatawa lang ako sa itsura ni Loisa kahit naiinis ako na kailangan ko talagang pumunta don.
" Oo na ito na teka " Sabi ko sabay akyat at nag bihis.
Nakarating kami ng maayos ni Loisa sa restaurant sa tulong ng Grab. Agad akong lumapit sa parents ko dahil ang tagal din naming hindi nag kita.
" Hi Mama! Hi Papa! " Agad ko silang niyakap ng mahigpit.
" Hija, Loisa, maupo kayo paparating na raw ang Matsunaga family " Mama. This is it, the end of my teenage life.
" Ma, punta lang ako restroom ha? Tara Loisa " Sabay hatak kay Loisa. Yung katamtaman lang, yung hindi naman makakalas buto nya. Pinili kong sa loob ng mall kami ng CR gumamit kahit mayron naman doon sa loob mismo ng restaurant.
" Ano bes ready ka na ba makita si ano yun-- aray! " Sigaw ni Loisa na nasa tabi ko. Nabangga pala sya nung lalaking kasalubong nya.
" I'm very sorry miss, I'm in a hurry-- hey kid! " Nagulat ako ng nakita ko. Ito yung lalaking nag ligtas sakin nung muntik ako ma-rape! Napangiti ako ng naalala nya ako.
" Oh hello! By the way, thanks for saving my life ha! Laki ng utang na loob ko sayo, kuya! I'm Maris nga po pala.” Sabay abot ng kamay ko para makipag shake hands.
" Hi I'm Loisa" abot din ng kamay ni loisa at bumulong pa sakin na “Bes, ang pogi!”
" I'm-- " Hindii nya natuloy ang sinabi nya ng may tumawag sakanyang babae na maganda. gf nya siguro to?
" Let’s go, mom is waiting for us " Grabe sa ganda nung babae, parang mga brazillian model ang peg.
" I'm very sorry I have to go Maris and Loisa, right? It was nice meeting you both "
Hginitian lang namin sila at nag c.r na kami ni Loisa. Nakahinga ako ng maluwag dahil nahanap ko din sya at nakapagpa-salamat ng personal.
" Bes ang pogi pala ni Spartan, Kaso may asawa na ata " Loisa.
" Ewan ko sayo bes, alam mo tara na baka naghihintay na sila " Pagmamadali ko at sakto nga pagbalik naming ay nandun na sila.
" Bes! si spartan-- " Loisa.
" Hija! Loisa! Ang tagal nyo kanina pa kayo hinihintay, anyways.. Hija, anak ito si dan--" Mama
Nagulat ako sa nakita ko.. Totoo ba to?!
" Ikaw?! " ako/daniel