HinovelDownload the book in the application

MPW: Chapter 5

Maris

" Akalain mo yun lalaking yun prof ko! Nako! Kung hindi lang para kay mama at papa, at para sa utang na loob ko sa pagkakaligtas nya sakin nako talaga!! " Nakauwi na ako ng maaga dahil first day naman ng klase e yung ibang prof ay absent.

" You know what, bagay kayo. " Nakangising sabi ni Nichole habang nakaupo sa carpet sa sala. Nandito kami sa condo

" Ay oo no, tama ka jan Nicholskiee! Danris FTW! " Gatong ni Loisa na nakahiga sa sofa habang kumakain ng fries.

" DanRis nyo mukha nyo! Tantanan nyo kong dalawa! Paano?! Hay nako! May report pa ako! Kainis! Alam mo yun?! Walang awa!!! Grabe! Hindi na nga ako ginising, pinagreport pa ako! "

" Hey bata, I'm home! " At ayun na nga. Lalo tuloy uminit ang ulo ko.

" Speaking of the Spartan " Bulong ko at tumayo ako sa pagkakaupo ko. Sumabay din ng tayo tong dalawang babaeng to.

" Weee! Osya bata, este, Maris juwela na kami ni Nichole! Dadalaw si Manolskie at Joshua sa bahay e! Enjoy the night! " Pang aasar ni Loisa habang kinukuha yung bag.

“Sir Matsunaga, uuwi na po kami.” Paalam ni Nichole.

“Oh hey, why so early? Don’t be late tomorrow ha, wag gayahin yung batang yun.” Sabay turo ng nguso nya sakin. At tumawa lang ang dalawa sabay labas ng pinto. Naiwan akong mag isa kasama tong matandang to.

" Where's my food? " Nagulat ako sa tanong nya. Hindi naman po ako na-inform na kailangan kop ala sya ipagluto?

" Wala. Kumain ako sa labas " Actually, totoo yan kumain kami nila Loisa sa Mcdo kanina bago tumambay dito. Gusto daw kasi nila makita yung condo.

" What?! Urgh. Okay fine I'll cook. Sabayan mo ko kumain bata. " Pumasok sya sa kwarto para mag bihis at nag hanap ng makakain sa ref.

" Busog ako, matutulog na ako " Mahina kong sagot. Sa totoo lang pagod ako at wala akong energy makipag sabong sakanya.

" May report ka, gawin mo muna yun. "

" Seryoso ka ba dun?! Grabe ha! " Totoo ba tong taong to? Pasakit naman!

" Oo, alam mo bata masyado kang naging bastos sakin kanina. Hindi porket mag asawa tayo-- " Tinigil ko na ang sasabihin nya dahil medyo hindi ko na nagugustuhan.

" Hep hep! Pag awat ko habang nakapamewang at naka stop sign sa mukha nya. “ Mister Matsunaga, hindi pa tyo mag asawa okay?! Sige na gagawin ko na! Pumasok ako ng kwarto padabog. Grabe naman kasi talaga! First day, report! E yung ibang prof nga absent pa yan ng 1 week!

--

Daniel

I will tell you why I have to marry Maris even if we have this huge age gap.

Our family has a business together. It is the R&M Corporation. Since high school, mag bestfriends na ang mom ko and mom nya. They started the company after college nila, and nung nagka-family sila, they had this pact na to preserve the company name, it should only run within the family. Sa side nila Maris, tatlo silang babae. If they get married, they aree forced to change their surname, so that will be the end of the Racals. In our case, I’m the only guy and my sister is already married and she already changed her surname.

Let’s go back to Maris’ side, she has 2 other sisters, well apparently, Ate Tintoi is married, while Ate Payti is engaged. I felt bad for her; she’s only 16 and kailangan nyang danasin to. But for me, it’s a win-win situation; I can finally focus on other things and start to move on with my life.

Natapos na akong kumain at hinugasan ko na ang mga kalat. Pumasok na ako sa kwarto para makapag pahinga ng makita ko si Maris na tulog sa study table. Ang sarap pisilin ng ilong!

Sobrang sama ko ba sa pinagawa ko? Hindi naman siguro? Binuhat ko sya at inihiga na sa side nya ng kama. Maaga pa to bukas e.

I'm very sorry bata. I ruined your childhood, your freedom, your teenage life. You have the right to choose who you want to love, but because of this marriage I destroyed it. Don't worry bata, I will do everything para maging malaya ka parin.

I kissed her on the forehead. I should sleep now.

--

I woke up, and she's still sleeping. Alam ko napagod sya sa pag gawa ng irereport mamaya. Maaga pa naman, inalarm ko yung orasan ng 6 am para magising sya at hindi na ma-lat, mamaya ako nanaman sisihin nya e. Nag luto ako ng breakfast, kasi alam kong breakfast is thee most important meal of the day. Need nya ng energy dahil may report pa sya sakin mamaya.

Before I leave, tinignan ko muna sya, cute nya mag sleep.

Goodmorning bata. Pasok na ako, see you at school. Bulong ko habang natutulog sya at hinalikan sya sa noo.

Wag nyo isipin na mahal ko sya or what, siguro kasi para ko na syang kapatid. Kailangan ko syang alagaan kasi nasa puder ko sya. Nothing more, nothing less.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free