Maris
Hay, June nanaman, so that means pasukan nanaman. 1st day sa college, 1st day sa bagong university. Nakakaloka lang isipin na college nakooooo!!!!! " Maaaaaaaaaaaaaaaars!!! " Loisa." Teka lang Loisa!!!! Magpapakilala lang ako sa readers wag kang excited!! Paano?! " Sigaw ko.
Ako nga pala si Maris Racal, Mars for short. 16 years old lang ako, 1st year college na ako at Bachelor of Music ang course na kukunin ko. I can play piano, guitar, ukelele, beatbox, lahat na except sa puso. Hugoooooooooooooot hahaha! Kaming 3 lang ng ate ko dito kasi ang parents ko ay nasa Davao, kaya lang kami nasa manila ay para patuloy ang pag aaral ko at ang trabaho ni ate Tin.
" Mariiiis ano ba ang tagaaaaal mooooo!! " Loisa " Wait nga moment ko to mamaya ka pa!! " Sigaw ko.Kasi naman nagpapakilala pako diba? Well ayun nga, ugh. Sige na aalis pa kami ng bff kong si Loisa at mamimili kami ng gamit sa school. Alam nyo naman girls diba? Ciao!
" Aba maris ang tagal mo! Yung aso nyo lapit ng lapit sakin! " Sigaw ni Loisa habang pababa ako ng hagdan.
" Ano gusto mo di ako magpakilala sa readers natin? "
Ito naman kasing si loisa excited =)))
" Tss. Si Nicholskie kanina pa naghihintay sa labas!! " Loisa
" Oo na ito na ito na! Ate Pay, alis muna kami ni Loisa! "
" Osige mag ingat kayo. Umuwi ng maaga isusumbong kita kay mama " Ate Payti.
" Bakit ba nagmamadali ka?! " tanong ko kay Loisa
" Hindi naman, ano kase,-- basta basta tara na! " sabi ni Loisa at nagmamadaling lumabas ng bahay naming.
May itim na kotse ang nakaparada sa labas ng bahay naming na ikinagulat ko.
" Loisa kanino yan? "
" Mariskieee! ang tagal mo tara na! " Nichole
" Alam mo Maris, tara na kanina pa naghihintay yang mga yan " Loisa
Sabay hila sakin ni Loisa papalapit sa sasakyan at dun ko nakita ang dalawang lalaking kasama namin.
" Grabe ang tagal naman nyan " Guy 1
" So, ano girls? Tara na? Kasi may pupuntahan pa tyo after-- " Guy 2
Gulong gulo na yung utak ko kung sino tong dalawang mokong sa harap ko kaya din a napigilan ng bibig kong bumuka.
" Ano to double date?! Ano ko extra?! Loisa! Nichole!!!! " Sigaw ko ng malakas. Sino ba naman ang di maiinis? Tig isa sila ng date, ano ako 5th wheel?!
" Maris huy, ano ba hindi ito date alam mo tara na Manolo, paandarin mo na din a papalag to. " Nichole
Nakarating na kami ng mall at nakapamili na rin ng masama pa din loob ko, Kung hindi ko lang talaga kailangan ng gamit. Kainis tong apat na to, hindi daw date pero ito ako nasa hulihan nila at magkaka holding hands pa. Ganito na ba ako ka-pangit at wala akong date?
" Uwi nako guys " Pagtataray ko. OP nako e. Oo ako na, ako na mag isa, ako na walang jowa, tanggap ko naman. Ang di ko lang matanggap e yung 5th wheel ako sakit sa mata kaya may naglalandian sa harap mo.
" Maris mamaya na! KJ mo! " Nichole habang naka todo pulupot kay Manolo—Yes, Manolo ang pangalan nung date nya.
" Di ako KJ, ayoko lang makaistorbo. " Syempre tampo ang lola mo dahil usapan namin talaga e bonding naming to kaso sa iba na-bond yung katawan nilang dalawa kakaloka.
" Palibhasa bitter " Loisa. Isa pang dikit sa jowa kala mo linta hindi mapag hiwalay,
“Mag bbreak din kayo” Sa isip isip ko.
" Hoy Loisa, hindi ako bitter! Gusto ko lang umuwi, at nagmumuka akong extra dito sa date niyo. Sige na bye na! " Pagkasabi kong yun dali dali na kong tumakbo papunta sa exit. Hindi naman ako galit, at masaya ako para sakanila. Ang sakin lang, ang sakit sas mata tapos ang dami kong dala wala manlang nagbubuhat para sakin habang hawak mga kamay ko. Wala din akong kasamang mag hintay ng masasakyan at hindi ko pa alam saan ako sasakay, ano ba yan!
Naglakad ako ng naglakad, hindi ko alam saan ba ko dinadala ng mga paa ko. Hindi kasi ako pamilyar sa lugar. Ayaw ko naman istorbohin yung dalawa dahil alam kong busy sila sa mga jowa nila. Maya maya pa, napag tantya kong nawawala nako.
“Bwisit!” Napaupo ako sa gutter sa pagod at frustration.
" Hey are you okay? " Isang lalaki yung lumapit sakin. Di ko sya pinansin, nginitan ko lang kasi mamaya manyak to no, pero pogi in-fairness.
" Hey? I think you're lost " Pangungulit nya. Nakatingin lang sya sakin,
“Shit”Sa isip isip ko baka gahasain ako nito gaya ng mga napapanuod ko sa series.
" No I'm not! Thanks!! " Sabay tayo at nagsimula ako maglakad ng mabilis.Sa sobrrang bilis ng lakad ko, hindi ko na napansin saan ako napadpad.
asan na ko?! Nakakita ako ng tindahan na malapit kaya agad akong nag tanong sa nag titinda don. Ang problema, may mga nag iinom at tambay sa labas ng tindahan kaya lakas loob nalang ako lumapit.
" Kuya, saan po ba yun sakayan ng jeep dito? "
" Uy pare pulutan pwede na to " Lasinggero 1
" Ay nako kuya, puro school supplies po ito hindi ito pulutan, sige po salamat na lang " Pabiro ko nalang sinagot pero deep inside sobra na yung takot ko. Lord please, tulungan nyo po ako gusto ko pa magka-jowa.
"Bata,hindi yang dala mo sinasabi ko. Sabi ko ikaw, halika rito tapos ituturo ko sakayan dali come to papa " Lasinggero 1
Dahan dahan akong lumalayo pero nagtayuan sila. Amoy alak ang bago, halos masuka suka ako.
" Ah-eh kuya, uuwi na ho ako jan lang ho ako nakatira oh " Lusot ko. Baka lang naman diba? Nag tanong ng sakayan pero taga dito lang?
" Bata, kilala ko lahat ng nakatira rito.. wag ka ng lumusot hehe " Lasinggero 2.
Buti na lang at naalarma yung may ari ng tindahan at lumabas, medyo nakahinga ako ng maluwag.
" Hoy kayong dalawang lasenggo tigilan nyo nga tong bata! Piste! Alis! " Sigaw ni manang
pero malakas yung dalawang lalaki at tinulak si manang papasok ng tindahan nya.. shit naman oh akala ko ligtas na! Naawa ako sa matanda baka kung ano ang nangyari, sana ay hindi sya nasaktan.
" Wag kang mangingialam dito! Matagal nakong walang kain! Tara pare dalhin sa spot! " Sigaw ni ni lasenggero 1
Sabay akbay sakin na hindi ako makapalag kasi ang lakas nya at ang baho. Lumilingon lingon ako sa tindahan dahil baka napano si manang, pero nakita ko naman sya nakatayo pero hindi makalabas ng tindahan gawa ng ni-lock nitong dalawang manyak na to.
Naglakad kami papunta sa isang masukal na lugar na walang katao-tao. Kinakaladkad nila akong dalawa habang akbay akbay. Ramdam ko yung lagkit ng katawan at baho ng amoy alak nilang singaw. Nagdadasal ako sa isip ko na sana may himalang mangyari. Ang bilis ng tibok ng puso ko na tila sasabog. Yung mga pinamili ko, unti unting nalalaglag ngunit wala na akong pakialam. Patuloy silang nag uusap ngunit hindi na ito pumapasok sa isip ko, nagising ako sa ulirat ng tumigil kami sa isang maliit na eskinita.
" Ayos to pare, mukang birjin pa.. tiba tiba tayo-- "
*boogsh!* Isang malakas ng kalabog ang narinig ko.
" Oh my Goood!!!waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh! "