HinovelDownload the book in the application

MPW: Chapter 7

Maris

“Kuya Fifth!” Sigaw naming lahat sa lamesa. Napatawa naman sya ng malakas.

“Ganon na na ako ka pangit at napagkamalan nyo akong si Fifth?”

“Hoy! Ang kapal mo mas pangit ka” Biglang sumulpot ang isa pang lalaki na kamukha nya Okay gets, kambal nga pala sila.

“I'm Fourth.” Sabay smile at abot ng kamay sakin.

“Uy, uhm—I’m Maris.” Sabay abot din ng kamay ko at ang tagal naming nag hawak kamay. Nakatingin lang kami sa isa’t isa.

“Ehem—Ehem” Singit Nichole kaya naman nag bitaw na din kami ng kamay.

“ Ah, diba kaya tayo nandito kasi sakanila mo papakita yung fruit kineme mo.” Singit ni Fifth para maalis yung katahimikan.

“Ah! Oo, fruit carving. Tara sunod kayo sakin.”

Dinala nya kami sa isang table kung san maraming prutas.

“Oo nga pala tol, ito so Loisa, Joshua, Nichole, at Manolo. Malamang kilala mo na si Maris, parang ayaw mo na nga layuan e.” Kinamayan naman sila isa-isa ni Fourth.

“So guys, itong gagawin ko e yung tinatawag na fruit carving. Isang art gamit ang fruits.”

Kumuha su Fourth ng watermelon at gumawa ng watermelon rose. Ang ganda! Nakakamangha, kasi the way na hawakan nya yung kutsilyo at iba pang tools na ginamit nya, gamay na gamay nya. Napaka talented na tao

“Wooooah! Kuya Fourth, astig!” Sigaw ni Loisa habang tutok na nanunuod sakanya.

“Kuya Fourth, turuan mo ko nyan!” Sabi ni Nichole habang nagpapacute. Siniko naman sya ni Manolo. Kasi naman, kasama jowa nag puppy eyes ba naman. Pasaway din.

Maya maya natapos nya na yung art nya. Ang ganda, parang nakakahinayang kainin ba. Nagpalakpakan kaming lahat after nya matapos, nang bigla syang lumapit sakin dala ang watermelon.

“Maris oh, para sayo” Literal na nanlaki yung mata ko. Di ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi kasi nakakahiya, ramdam kong umakyat yung dugo ko sa mukha. Shocks.

“ Yun naman pala Nicholeskiieeee, may MariFourth pala dito” Ang lakas talaga mang asar nitong Loisa na to.

“Maris, bakit namumula ka na jan ha. Watermelon palang yan.” Sabat ni Joshua. Kakainis.

“Mga baliw! Uy, Salamat Fourth. Grabe di ko alam paano ko to kakainin.”

“Sirain mo nalang pag uwi mo sa bahay, okay lang naman igagawaw nalang ulit kita sa susunod.” Ngumiti lang ako sakanya at kinuha na ang watermelon.

“Ah—guys, baka pwede na tayong umuwi? Inaatok na ako.” Pahikab na sinabi ni Joshua.

“What? Pare, 4pm pa lang antok ka na?” Tawang tawang sabi ni Manolo. May pagka-antukin kasi talaga si Joshua.

“Hay nako naman Juswa! Ke aga aga mo inantok tamad mo!” Inis na sabi ni Loisa. Para talagang aso’t pusa tong dalawang to e.

Biglang nag ring phone ko at nakita kong tumatawag ang mama ni Daniel.

“Guys wait lang ha? Sagutin ko lang to.” Sabay lumabas na ko ng event hall. Medyo maingay kasi sa loob kaya alanganin sumagot ng tawag.

“Hello po?”

“Hija, asan ka? Are you busy?”

“Nasa school po ako ngayon, may event po kasi pero patapos na po. Bakit po?”

“Ah, ganon. Osige, I’ll send you the address, punta ka ditto kasi susukatan ka ng damit mo.”

“Po? Damit po?”

“Oo, pangkasal.”

Nang marinig ko yung salitang kasal nasamid ako bigla.

“Hija, okay ka lang ba?”

“Opo, nasamid lang po.”

“Akala ko anon a nangyari sayo. Sabay na kayo ni Daniel pumunta rito, I’ll call him.”

“Hindi na po, kaya ko naman po.”

“No, pasama ka sakanya, okay? Sige na bye Hija, see you later.”

“Bye po.”

Isang malalim na pag hinga ang binunot ko. Shit sabi ko sa sarili ko.

Agad akong pumasok sa loob para magpaalam.

“Ito na pala si Maris e! Ano Maris, sama ka?” Bungad sakin ni Loisa.

“Hindi e, need ko na umuwi.” Malungkot kong sabi sakanila.

“Bakit naman ang aga?! Ano ba yan!” Dinilatan ko lang sya ng mata at na-gets nya naman ang gusto ko iparating.

“Anoooo—bayan Maris, umuwi ka na nga! Sige na bye bes!” Sabay tulak nya sakin.

“San ka ba umuuwi? Hatid na kita?” Nagulat naman ako sa tanong nya.

“Uhm, ano kasi--.” Di pa ko tapos magsalita ng biglang may nagsalita sa likod ko.

“Miss Racal, pwede ba kitang makausap?” Ayun na nga ba sinasabi ko.

“Yes sir!” Attentive kong sinabi.

“We need to talk about your report, kailangan ko rin kausapin parents mo about sa performance mo kanina” Maniniwala n asana ako sa sinabi nya at kakabahan na ako ng bigla syang kumindat. Biglang sumagi sa isip ko na natawagan na to ng mama nya.

“Hala ka Maris, ano nanaman ginawa mo.” Pang aasar ni Joshua. Bigla naman syang siniko ni Loisa para manahimik.

“Guys, kailangan ko na umalis yari na ako. Chat chat nalang ha!” Sabay kuha ko ng gamit ko sa upuan at sabay kaming lumabas ng pinto ni Tanda.

--

Daniel

“Hatid na kita, Maris?”

Narinig kong sabi ng kausap ni Maris. Mukhang may nanliligaw na sa bata ko ha. Kinausap ko si Maris at sinabi ko need ko sya makausap, pero ang totoo e pinapupunta kami ng mom ko sa isang boutique kung saan daw magpapasukat ng damit si Maris para sa kasal naming.

“Sino yung lalaking ano? Yung maghahatid sayo? Manliligaw mo bata?”

“Baliw, hindi. Si Kuya Fourth yun, HRM student. Isa sa mga chef dun sa event kanina.” Mukhang kanina nya lang ata nakilala yung guy, ang speed naman nya para ayain agad si Maris na ihatid. Don’t get me wrong, I’m a guy too, kaya sana mas kilalanin nya muna yung guy.

“Ah, he looks good naman, but ingat pa din”

“Yeah” Napansin kong mukhang wala sya mood. Mukha syang pagod.

“You look tired, sleep ka muna malayo pa naman tayo.” Inayos nya ang upuan nya at pumikit. This angelic face, she’s like a baby sister to me. Ayaw ko masaktan sya ng kahit sinong lalaki.

Nang makarating kami sa shop ay papadilim na. Malapit lang sana to, kaya to ng 30 minutes na byahe kung hindi lang talaga traffic.

“Bata, nandito na tayo.” Pag gising ko sakanya habang nagpapark. Hindi pa rin sya gumigising, mukhang pagod na pagod talaga sya.

“Hey bata, wake up na.” Hindi talaga sya gumigising. Ang lala matulog ng batang to, tulog mantika. Biglang may naisip akong idea para magising tong batang to.

“BATAAAAAA WAKE UP!!!”Nilapit ko kasi yung mukha ko sabay sigaw at kurot ang ilong nya.

“Tandaaaa!! Ano ba!!!” Inis nyang sabi sabay hampas sa kamay ko.

“Antukin mo kasi. Let’s go na, kanina pa tayo hinihintay ni Mama.” Tinanggal ko na ang seatbelt ko at bumaba, binuksan ko ang pintuan nya at hinintay syang makababa. Nag stay ako sa lobby dahil ayaw ni Mama na makita ko yung pinag susukat ni Maris.

After three hours, lumabas si Maris na pagod na pagod. Ikaw ba naman mag sukat ng damit ng tatlong oras, diba?

“Tanda, gutom na ako.” Ang bigat na ng lakad nya, ang pungay na ng mga mata nya. Naawa naman ako, pag check ko sa orasan ko almost 9pm na pala. Tumayo ako at nilapitan sya para iangat katawan nya. Umakbay ako sakanya para hindi sya mahirapan maglakad.

“You look tired na nga din, san mo gusto mag eat?” Tumingin lang sya sakin. Kita ko sa mata nya yung pagod.

“Kahit saan, makakain lang at antok na din ako.”

Nakakita kami ng fastfood chain na malapit sa shop, dun nalang naming naisipan kumain dahil pati ako gutom na. Umorder ako ng burger with fries and large coke, habang sya naman ay chicken and rice with fries tapos iced tea. Habang kumakain sinira ko yung katahimikan.

“Sorry bata ha, for ruining your teenage life.”

“Wala naman tayong magagawa e, nandito na.” Sagot nya habang busy sya kumain. Halatang gutom na gutom sya.

“Kung manliligaw mo yung Fourth, okay lang naman sakin yun. Ayaw kong itali ka sakin. Oo, ikakasal tayo, pero di naman ibig sabihin na you are forbidden to fall in love. You still have the freedom to choose who you want to love. After all, this marriage is just for the business.” Biglang ngumiti si Maris, at ang ngiting yon ay nagging isang malakas na tawa. Seryoso na ako oh.

“Seryoso ka talaga jan sa sinasabi mo? Kakakilala ko lang dun kanina, love agad? Kalma ka lang!” Sabay subo nya ng fries at natatawa-tawa, pero biglang bumalik sa serious face ang mukha nya at tumingin sakin.

“Pero alam mo tanda, ganon din naman ako. Sabi nga sa kanta ni Sitti, di kita... pipilitin” Yes, sinabi nya yon habang kumakanta. “Teka, may girlfriend ka ba?” Natawa ako sa tanong nya, and natutuwa ako na nag uusap kami ng ganito.

“Hmm.. Wala.” Sagot ko.

“Wala, or wala na? Baka kasi kaya wala na dahil ikakasal tayo?”

“Wala talaga, iniwan na ako matagal na.” Nakita ko sa mukha nya ang curiosity at tumutok talaga sya sa susunod na lalabas sa bibig ko.

“Aw, pero pwede malaman kung bakit?” Sabi na e. Well, deserve naman nyang malaman ang mga bagay tungkol sakin kasi matagal din kami magsasama. I think kailangan naming makilala isa’t isa.

“Noong nalaman namin ang plano nila Mama sa fixed marriage, nagalit sya. Then one night nahuli ko nalang syang may kasamang iba. I think ginamit nya lang yung issue para hindi sya mag mukhang masama.” Nakatulala lang sya sakin at para bang kinaawaan nya yun nangyari. Pero everytime na maaalala ko kung paano ko sya nahuli, kumikirot ang puso ko.

“Sorry Dandan. Hayaan mo na yun, di mo deserve yung ganong klase ng babae. Kung talagang mahal ka nya, ipaglalaban ka nya.” Ngumiti lang ako. Tong batang to kala mo ang daming experience sa love e.

“Right, alam ko naman. Salamat.”

“Tanda, uwi na tayo. Pagod na ako.” Tumango naman ako at tumayo na sa upuan.

Habang nag ddrive, naalala ko yung sinabi ni Maris. Tama sya, kung talagang mahal ako ng ex ko, ipaglalaban nya ako. Pero hindi e, imbis na ipaglaban nya ko sumama sya sa iba. Nang makarating kami sa parking lot ng condo, nakita kong mahimbing na tulog ni Maris, ayaw ko naman sya istorbohin kaya dahan dahan ko nalang inunlock ang seatbelt nya at binuhat sya hanggang makarating ng kwarto.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free